Kristelle's point of view.
Murvyn..
Mabilis ko siyang niyakap sa sobrang tuwa ko. "Murvyn! Thanks God, youre alive." Tuwang tuwa ako nung makita ko siya. Mabilis ang pag tibok ng puso ko at tuwa lang ang nararamdaman ko habang yakap yakap ko siya. Yakap ko siya?! Napabitaw ako sa pagkaka yakap sa kanya at napatingin kay Marielle na mabilis naman niyang tinawanan.
"Thats okay, Kristelle. Kahit si Andrei ay niyakap din siya." Nag tawanan kami sa loob ng kwartong to kasama si Tito Eric at Tita Mae. Nabaling ang tingin ko kay Tita Mae nung mag salita siya. "Its a miracle." Sabi niya at nag lapitan silang lahat dito.
"Anak." Napatingin si Murvyn kay Tito Eric. Tahimik kaming lahat sa loob at nag hahantay na mag salita si Murvyn. "May amnesia ka ba?" Nag aalalang tanong ni Tita Mae. Posible nga ata yon. Pagkatapos ng comatose.
"No mom." Sagot ni Murvyn na nag pakalma samin. Medyo ngumiti ngiti siya at tinignan kami isa isa. Medyo masigla pa nga siya. Thanks God! Napaka miracle mg nangyari. May pag asa pa palang mabuhay si Murvyn. Sobrang saya ko ng araw na to.
"Let me test you." Sabi pa ni Tita Mae. "Whos that beautiful girl?" Tanong ni Tita Mae sabay turo kay Marielle. Bigla naman siyang ngumiti. Pero nagulat kami ng tumulo ang luha sa mata niya. "Thats.. my girl...girlfriend." sagot ni Murvyn. Ngumiti siya at ginalaw ang katawan. Nagulat kaming lahat kasi naka upo agad siya.
"Andrei." Sabi ni Murvyn sabay turo kay.. Kyrie?! Mag sasalita palang sana kami pero inunahan niya kami. "Just kidding." Tumawa siya ng bahagya. Ang saya niya. Ganun din kami.
Time has passed. Namilit siyang umuwi na ng bahay so pinayagan naman aiya ng doktor since wala naman daw kung anong nangyaring masama sa kanya. Nagulat ang mga doktor nung malaman nilang nabuhay si Murvyn after what happened.
Murvyn is happy. Everybody is happy. Thanks to Lord God.
--
Marielle's POV.
Days have passed. Pasukan na at hindi nawala ang tingin naming lahat kay Murvyn. But I have this feeling na kailangan ko siyang kausapin after our cool off. Hindi ko pa din alam kung ano ang nangyari sa kanya para mabangga siya ng ganon.
"Goodbye class." Pag putol ng teacher sa oras niya. Nag tayuan na naman ang mga ka klase ko. Lunch time na at balak ko talagang makausap si Murvyn. Hindi pedeng ganito ganto nalang.
"Marielle." Napatingin ako kay Andrei. "Andrei?" Ngumiti siya sakin at hinila ako papunt sa clasaroom ng kapatid ko. Classroom nila Murvyn. "I know the two of you need to talk." Sabi niya sabay pasok sa loob at hinila palabas si Ally.
"Aray! Ano ba-- hi ate.. aray! Bitawan mo na nga ako Andrei." Ayun, hila hila ni Andrei si Ally. Nag hahantay lang ako sa paglabas ni Murvyn ng marinig ko ang boses ni Giann.
"Tara na."
"Aray, mag uusap lang tayo kailangan ba mang hila?" Reklamo ni Kristelle. "Oo. Please, sa private place naman kung mag uusap tayo." Sabay hila din palabas ni Giann kay Kristelle. This time si Murvyn naman ang lumabas.
Nang lambot agad ako. Nakatingin siya sa direksyon ni Kristelle at Giann. "Murvyn." Agaw ko ng atensyon sa kanya. Humarap naman siya sakin at hinawakan ang kamay ko. Hinila niya ako paalis dun. "San mo gustong mag lunch babe? Ay! Sasabay tayo sa kanila diba?" Ngumiti ako sa inaasal ni Murvyn. He's back. But I reallt need to talk to him.
"Pumunta muna tayo sa may pool side." Sabi ko na agad niya namang sinang ayunan. Pag dating namin dun ay hinarap niya agad ako. "Anong gagawin natin dito?" Tanong niya at nakangiti pa.
"Lets end this." Sigurado at straight to the point kong sabi. "Are you ever serious, Marielle?" Tanong niya sakin. Yung ngiti niya napalitan ng lungkot sa muka. "I dont want to hurt you, Marielle." Hindi pag mamahal. Awa. Awa ang meron siya sakin. Ramdam ko na. Ramadam ko ng iba yung mahal niya. Una palang.
"You dont want. I know it. Pero ikaw? Hindi ka naman magiging malaya kung hahayaan mo akong ganito." Sabi ko sa kanya. Ngumiti siya at niyakap ako.
"Is this your final decision?" Paninigurado niya. "Im serious about it Murvyn." Niyakap ko din siya pabalik at kasabay nun ang pag tulo ng luha sa mga mata ko. Mamimiss ko to.
"Alam ko namang may iba ka ng mahal." Sabi ko pa. Tuloy tuloy lang ang pag bagsak ng luha ko. "Salamat Murvyn. Salamat sa pag aalaga at pag mamahal na binigay ko sakin. Hindi na ako mag da drama pa. Im letting you go." Hinigpitan niya ang pag kakayakap sakin.
"Thank you Marielle. Thank you." Sabi niya pa. "Pangako, hindi ko sasayangin tong binigay mo sakin."
"Good. I hanap mo naman ako ng bago!" Loko ko sa kanya. "Gusto ko yung deserve ka at deserve mo." Sabi niya sakin at bumitaw sa pag kakayakap niya.
"This is the end. Lets still be friends." Sabi niya. "Oo naman." Sagot ko at pinunasan pa ang luha ko. "Bye, boyfriend. Hi ex boyfriend." Sabi ko at tumawa nalang.
"Sana makuha mo yung babaeng gusto mo."
And with that, bumalik kami sa tambayan ng buong tropa. Goodbye Murvyn. Maybe Im not the perfect girlfriend for you.
Pinag tagpo tayo ng tadhana pero hindi naman talaga tayo ang nakatadhana sa isat isa.
May mga pusong nag wawagi at may mga pusong na sasawi.
May mga taong sumasaya at may mga taong nalulungkot.
Sa pag ibig, hindi lahat panalo.
Ilang taon ko ding nakasama si Murvyn. At sa mga panahon na yun, naging masaya kami sa isat isa. When Im with him, he brings out the best in me. He's th e kind of boyfriend who's always there for you.
In happiness. In sadness. Hinding hindi ka niya iiwan. I enjoy his company. Sobrang saya niyang makasama. But this is the end. We bid our goodbyes.
San lang makuha niya yung taong para naman talaga sa kanya. Minsan ko na siyang hinadlangan. Tama ng hayaan ko siyang maging masaya naman sa iba.
Oras ko naman, kailangan ko ng mag move on sa kanya at tanggapin kung sino man ang bago niyang mamahalin. Ang bago niyang makakasama.
Goodbye, Murvyn.
BINABASA MO ANG
That should be me (COMPLETED)
أدب المراهقينNaranasan mo na ba mag mahal? Mag mahal ng taong hindi ka mahal. Mag mahal ng taong hindi ka gusto. Naranasan mo ba ba ipagtulakan? Ipinag tutulakan ka palayo sa ibang tao. Yung pinipilit mo ang sarili mo sa taong hindi naman para sayo. Naranasan m...