TSBM 54: Their conversation

505 14 1
                                    

"Nag kakagusto na ako sa iba, Kristelle."

Sa sobrang gulat ko napatingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam yung sasabihin. What? Nag kakagusto siya sa iba pero si Marielle yung girlfriend niya.

"Bakit? I mean, bakit ngayon ka pa nag loko. She's now free. Youre both happy Murvyn. Lalo na nung--"

"Nung binigyan mo ng pagkakataon si Giann. Mali Kristelle, lalo lang lumala yung sitwasyon."

Naguluhan ako sa sinabi niya. Anong ibig sabihin ni Murvyn? Bakit lalong gumulo yung sitwasyon?

"That--" naputol ang sasabihin ni Murvyn nung may nag salita sa likod namin.

"Kristelle." Nagulat ako nung makita ko siya. "K-kanina ka--" hindi niya na ako pinatapos ng pag tatanong ko. "Kanina pa ako dito. Bago pa lang kita tawagan." Sabi niya at hinila ako paalis dun kasama yung cart na hila hila ko.

"G-Giann ang s-sakit." Reklamo ko dahil mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko. "Mas masakit namang makita yung girlfriend mong kasama ng ibang lalaki." Cold niyang sabi.

That words make me feel guilty. "S-sorry Giann. Ayaw--"

"Not now, Kristelle. Lets go." Hinila niya ako kasama ng mga pinamili ko sa labas ng grocery. Hindi ko na alam yung gagawin ko. Natatakot ako kay Giann. Iba siya mag salita. Iba din yung mood niya.

Sumakay ako sa passenger seat ng kotse niya tapos nag paandar siya ng mabilis.

Silence.. yan yung one word para i describe ang meron ngayon sa kotse niya. Hindi ko alam kung mag papaliwanag ako. Baka kasi pag nag paliwanag ako, magalit siya. Pag nag paliwanag ako, hindi niya pakinggan.

*BEEEEEEEEEP*

Ouch. Tumama yung ulo ko sa headboard ng kotse niya nung napa preno siya ng malakas. Isang malakas na busina din yung natanggap nung babaeng dumaan sa harap ng kotse niya.

"Sht." He murmured and drive again. "Ano ba Giann?! Pede bang bagalan mo naman?" Inis na reklamo ko sa kanya. Walang imik imik binagalan niya yung kotse.

"What now? Hindi ka mamamansin?" Sabi ko pa. Huminga ako ng malalim tapos ay hinilot ang parte ng noo kong masakit. Hindi niya padin ako tinatapunan ng tingin simula pa kanina.

"Thats not what you think Giann! Hindi mo man lang papakinggan yung explanasyon ko?" Dugtong na sabi ko. "Fine, nilihim ko to dahil ayaw kong magalit--" hindi ko natuloy ang sinasabi ko nung bigla siyang tumawa.

"Thats cool. Natatakot kabang hiwalayan kita?" Sabi niya habang nakangiti pa. "Of course! Boyfriend kita Giann at Girlfriend mo ako."

"Pwes, hindi na ngayon. Lets break up. Pinag laruan ka lang namin ni Kyrie. Okay na? Labas."

"Hindi to pwede Giann!"

"Ano? Pinag laruan ka nga lang namin. Hindi mo ba maintindihan?"

"GIAAAAAAAAN!"

"KRISTELLE!"

Nagising ako bigla sa isang sigaw. Panaginip lang pala lahat. Panaginip lang lahat ng mga yun. Sana naman, hindi yun totoo.

"Are you okay?" Napatingin ako kay Giann. Binigyan ko agad siya ng mahigpit na yakap. "Thats only a dream, Kristelle. Hindi yun totoo." Sabi ni Giann tapos hinalikan ako sa noo.

"Napanaginipan ko yung huling nangyari sa grocery shop kanina."

[FLASH BACK]

"Nag kakagusto na ako sa iba, Kristelle."

That should be me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon