TSBM 29: Continuation of prologue

618 17 0
                                    

Kristelle's POV.

Nag lakad lakad ako papunta sa lugar kung san ko madalas makita si Murvyn. Sa cafe? Sa canteen? Sa library? Ewan ko. Palagi niya kasing kasama si Marielle. Palagi silang sa cafe nag lalandian. Minsan naman kumakalat si Marielle dun sa hallway. Kaya hindi ko alam kung san ko siya hahanapin eh.

Bakit ko nga ba siya hinahanap? Isa lang naman yung dahilan eh, gusto ko kasing ayusin yung gulo sa utak ko. Ewan ko na eh. Litong lito na talaga ako.

"Kristelle." Nagulat ako sa tumawag sakin. Nandito na siya. Nandito na yung hinahanap ko. Nasa harap ko ngayon si Murvyn.

"M-murvyn?" Gulat ko kunwaring tanong. Ang totoo niyan hindi ko talaga alam kung pano ko ba sisimulan to. Kung anong gagawin ko? Ewan ko. Hirap na hirap na talaga ako.

"Murvyn, bakit hindi mo kasama si Marielle?" Hindi ko siya dineretso dahil baka mabigla siya. Basta bahala na akong gumawa ng paraan para malaman kong kailangan ko na talaga siyang layuan.

"Ah, ano.. mauna na daw kasi ako eh?" Mukang hindi siya sigurado sa sagot niya pero hindi ko yun pinansin. Tumango lang ako. "Ahh."

"Kristelle.. may gusto sana akong itanong?" Napatingin ako sa kanya. Itanong? Ako nga dapat ang mag tatanong kung may pag asa ba ako? Naiinis na ako sa sarili ko. Alam ko namang wala akong pag-asa pero eto pa din ako, umaasa. Masyado na ata akong desperada na pati tungkulin ng lalaki inaangkin ko na.

"Ano yon?"

"I-ikaw ba yung ka-yakap ni Giann?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nakita niya yun? Posible bang narinig niya yung mga pinag usapan namin?

Nakatungo lang ako sa kanya ngayon. Nahihiya talaga ako. Pakiramdam ko pulang pula ako. Hindi lang ako niyakap ni Giann nun. He even kissed me in my forehead a while ago!

"Did you heard our conversation?" I ask as if he will answer honestly. He's good at lying.

"Honestly, no. Nasa malayo ako and.. I just saw the hugs and kiss." Lalo akong napa tungo sakanya. Ang init! Pulang pula na siguro talaga ang mukang muka ko. Bakit ba ganito mag salita si Murvyn? Hiyang hiya na tuloy ako. Its my first time na may yumakap saking lalaki- ibang lalaki. And also the kiss, eventhough its in forehead. Its my first kiss pa din!

"Kristelle, why dont you give him a chance?" Literal akong napatingin sa kanya. Eto na. Ino-open niya na yung topic. Teka-wait wait. Anong chance? Bakit niya alam eh nasa malayo naman daw siya ah?

"Pano mo nalaman?"

"Narinig ko.. may kausap si Giann nun sa may waiting area eh. Narinig ko pa nga talo daw si Giann. Naisip ko pano naman siya matatalo?"

Oo Murvyn, talo si Giann. Talong talo siya sayo. Dahil hindi ko alam kung kaya ka nyang pantayan, or better.. malampasan.

"Hindi ganon kadali yon." Naguluhan siya sa sinabi ko. Other people think thats easy. But not in my situation. Hindi ganon kadali mag bigay ng chance lalo na kung hindi ka sigurado na mapapa asa mo siya o hindi.

"Bakit? Madali--" hindi ko pinatapos ang sasabihin niya dahil nag salita agad ako. "Hindi yon madali para sakin Murvyn and its all because of you! Hindi ko alam kung bakit hindi kita magawang iwasan! Yea, I like you--no. I love you! Pero ikaw? You will never like me and you will never love me! Diba tama ako?"

Natigilan siya sa sinabi ko. Alam naman niyang gusto ko siya pero bakit ngayon pa siya parang natulalang ganyan?

Mag sasalita palang sana siya pero may dumating. "Whats happening here?!" Nagulat ako sa nakita ko. Umeksena na naman ang haliparot na to.

"Chill, lets go Marielle." Niyakag siya ni Murvyn pero hindi siya nag pasindak dahil inalis niya ang kamay ni Murvyn na naka hawak sa kanya tsaka ako hinarap.

"Alam mo ikaw! Wala kang pinipiling lugar eh no?! Nag transfer ako dito para mabantayan yan. Pero ikaw?! Ikaw na pesteng ahas ka, umalis ka na dito! San kaba pinag lihi ng nanay mo? O baka mag mana ka sa nanay mo?"

Sinampal ko siya ng malakas. Yung sampal na alam kong manunuot sa loob ng bungo niya. Yung sampal na pimadama ko yung galit ko sa kanya. Yung sampal na pinadama ko yung sakit sa kanya.

"Masakit ba?" Tanong ko. Nakahawak siya sa pisnge niya at mukang gulat padin sa ginawa ko. "Eto pa." Sinampal ko dim siya sa kaliwang piange niya. "Eto pa oh!" Sinabunutan ko siya hanggang sa napahiga siya sa damuhan na pinag tutuntungan ko.

Hindi man lang siya tinayo ni Murvyn. Gulat na gulat si Murvyn sa mga nakita niya. Gulat na gulat siya sa mga pinakita ko. Wag niyong giaingin ang pagka maldita ko.

"Ano? Gusto mo pa?" Taray ko sa kanya. Hindi siya lumalaban naka salampag lang siya sa sahig pero wala akong pake-alam sa kanya.

"Wag na wag mong idadamay yung nanay ko dahil hindi mo kilala ang nanay ko." Hindi padin ako nakuntento dahil tinayo ko siya at sinabunutan "ouch--sto--stop!" Tinigilan ko siya tapos tinignan ko siya ng masama.

"Hindi mo kilala kung sino yung binangga mo." Pagkatapos non ay sinampal ko siya ng sobrang lakas at umalis na dun.

--

Nag lalakad ako sa park dito sa village namin. Eto na yung araw na hinihingi ko kay Giann. Hapon na pero hindi parin ako makapag desisyon kung sino ba yung pipiliin ko. Kung sino ba yung guhustuhin ko. Kung sino ba yung mamahalin ko.

"Murvyn?!" Nagulat ako kasi nandito siya at nakaupo sa bench. Bakit nandito siya sa village namin? "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. "Nakatira na kami dito." Cold niyang sabi.

"Bakit ganyan ka na mag salita?" Tanong ko ulit. "Galit kaba sakin?" Tanong ko pa.

"Alam mo tigilan mo na ako!" Nagulat ako nung pinag taasan niya ako ng boses. Eto na ba yung sasampal sakin sa katotohanan na kailangan ko na siyang hayaan?

"Bakit ba? Hindi mo ba magawa kahit gustuhin lang ako?"

"Hindi."

"Bakit? Nasasaktan ako!"

"Wala akong pake sa nararamdaman mo. Ang gusto ko layuan mo ako."

"Pano kung ayaw ko?"

"Pede ba? Wag kang mag pakatanga sakin. I have a girlfriend. Stop. Please?"

"Kung magagawa ko sana.."

And with that, tinalikuran ko na siya. Tumalikod ako sa kanya kasabay ng pagpatak ng luha ko. Ang sakit. Sana makalimutan ko na siya.

Nakita kong umalis na din siya kaya napaupo ako sa bench na pinag uupuan niya. Ganito na ba talaga ako ka desperada? Ang sakit sakit na. Biglang bumuhos ang malakas na ulan pero nakaupo padin ako dito.

Hindi ako aalis dito. Alam kong dinadamayan ako ng ulan na to. Pakiramdam ko maaalis yung sakit na nararamdaman ko.

Napatingin ako sa taong nasa harap ko. Nakita kong umiiyak din siya. Napatayo ako at bigla ko siyang niyakap. Niyakap niya din naman ako bigla.

"Wag kang umiyak." Pag papatahan sakin ni Giann. Ang sakit sakit. Sobra.

"Kung san san ka pa kasi tumutingin, nandito lang naman ako. Hindi kita papaiyakin Kristelle, hindi kita sasaktan. Dahil mahal kita. Mahal na mahal."

That should be me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon