TSBM 38: Amusement park (part 3)

528 20 0
                                    

Giann's POV.

Nakatingin lang ako kay Kristelle simula nung pag baba namin nung extreme tower. I can feel that she's irritated and she's pissed off. Pero saan naman?

"Hey Giann! May pupuntahan ka pa? Samahan kita?" Fvck this. Muka na naman siyang tuko na kakapit sakin. Kanina pa to eh. Hindi niya ba alam na may kasama ako? Pakiramdam ko nga sinusundan kami nito eh. Ano bang problema niya? Tss.

"Ynna, can you please go? Im with my girl." Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. "With your g-girl?" Gulat niyang sabi. "Oo, ayun oh. Nag seselos na nga eh. Kanina pa, masyado kasing mabait kaya hindi nag sasalita." Sabi ko tsaka kumamot sa batok. Sana naman maniwala siya. Inis na inia na yung girlfriend ko-- este prinsesa ko.

"Ay sorry! Samahan mo naman ako sa kanya, mag so sorry lang." Sabi nito. Ang FC niya. Kung sang lupalop ko lang naman nakita. "Hey! Giann told me na may kasama pala siya. I thought wala kaya--" hindi niya natapos yung sasabihi  niya kasi nag salita agad si Kristelle. "Kaya sinusundan mo siya? Kaya kapit ka ng kapit sa kanya? Hindi mo ba narinig yung sinabi niya sayo kanina ha? Oh sadyang nag bibingi bingihan ka lang? Jusko naman Ynna! Ynna-ano ka ba? At parang kating kati kang lumapit ng lumapit sa BOYFRIEND ko?!" Natawa ako sa sinabi ni Kristelle.

If she's on the mood baka worse, masampal niya pa yang si Ynna. Eh halatang galit na galit siya ngayon. Maybe Im right, she's jealous. Hahaha! ^__^

"I-im sorry, hindi ko sinasadya." -Ynna.

"Hindi pa ba yon sina sadya? Eh sunod ka ng sunod eh. Mag da-date kami tapos bigla bigla kang eepal? Muka pa bang date yung ginagawa namin?!"

Nagulat ako sa mga sinasabi ni Kristelle. Siya ba talaga yan? Pero kung sa bagay, nawala nga ang date namin kung epal lang tong si Ynna. Bakit ba kasi sumulpot pa yan?

"Sorry." Wala ng nagawa si Ynna kundi mag sorry. She faced me. "Sorry Giann." Sabi niya sakin. I just nodded at umalis na siya. Hihilahin ko na sana si Kristelle pero pinigilan niya naman ako. "Ikaw din eh! At talagang nakikipag flirt ka din don? Hmmp! Bahala ka sa buhay mo, mag sama kayo!" Napaisip ako bigla sa sinabi niya, parang ang sarap niyang asarin ngayon. "Fine."

"Ynna!" Sigaw ko. "Ynn--" hindi ko na tapos yung sasabihin ko kasi bigla niyang tinakpan yung bibig ko. "Gusto mo talaga ha?!" Sabi niya at inalis ang kamay sa bibig ko eh. "Eh, sorry na. Okay?" She just nodded sarcasticly. "Hindi ko naman sinasadya na lagi pala siyang susunod. Kanina susundan na sana kita pero may group of families na humarang. Tapos bigla ka nalang bumaba pagkatapos ng ride. Ipinakilala na kita kay Ynna pero hindi naman siya nag salita." Explain ko sa kanya. "Believe me, I don't want this to happen. I don't want to ruin our date. Please, forgive me? Alam mo namang ikaw lang yung prinsesa ko eh." Sabi ko at tumingin sa mata niya.

"O sige na nga, sorry din kung ganito ako. Nag seselos ako inaamin ko! Eh kasi naman pa epal yun sa date natin eh. So, let's forget about what happen. Next ride?" Napangiti nalang ako sa sinabi niya. Nag seselos pala ha! Ayaw mo din pala akong mawala Kristelle, akala ko hahayaan mo nalang eh. Psh.

Inikot ko ang paningin ko sa amusement park at nakita ko yung gusto kong sakyan. "Giann, oh!" Napatingin muna ako sa orasan. Almost 9:00 pm nadin. "Giann, loook!" Kailangan bago 11:00 maiuwi ko na siya. Gusto ko pa namang sumakay kami sa ferris wheel. "GIAAAAAANN!" Nanlaki ang mata ko at napatingin ako sa kanya. Umirap siya tapos nginuso yung pinapakita niya sakin. Nakita ko yung babaeng may hawak na cotton candy na color pink.

"Cotton candy?" Tanong ko. "Hindi! Yun oh!" Napatingin naman ako dun sa isang babaeng may hawak na popcorn. "Popcorn?" Tanong ko naman. Bigla niya lang akong hinampas. "Ay nako! San kaba natingin? Ayun oh! Gabi ng lagim. Pasok tayo?" Ahhhhh! Yung nasa likod pala nila. Tss. Kaso ang haba ng pila.

That should be me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon