TSBM 3: Walk out

1.5K 28 15
                                    

Kristelle's POV

Hanggang ngayon naka kapit pa din ako sa kamay niya. Hindi niya pa ako binibitawan dahil ineenjoy niya pa ang pag kaladkad sakin.

Maya maya ay huminto kami at nasa harap na namin ang kotse niya. Hindi ako stalker pero, maski ang kotse niya at ang kotse ng pamilya niya ay alam ko.

Binitawan niya na ang kamay ko at pinasakay ako sa loob. Sinunod ko naman siya at sumakay sa passenger seat.

"So? San tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot. Tanging ngisi lang ang natanggap ko sa kanya. San naman ako dadalhin netong lalaking to?

Aaminin ko, kahit crush ko to ay naiinis ako sa kanya -__- crush ko siya at, hindi niya alam yun. Hindi naman kasi ako yung tipong may crush at matabihan lang o madaanan na ay hihimatayin na sa kilig.

Sanay na ako sa kanya at kailangan kong masanay dahil seatmate ko siya. Bukod dun, kagaya ngayon. Reporting namin.

"San ba kasi tayo pupunta?!" Inis kong tanong. Nakakainis naman kasi baka kung san ako dalhin ng lalaki to. Pero buti nalang, alam ko pa ang lugar na to. Maski ang daan na pinag dadaanan namin ay alam ko din.

Napatingin ako sa bintana nung ihinto niya yung kotse. Wow! Bahay niya na ba to? Ang laki eh. "Baba na."

Tulad ng sabi niya, bumaba na ako. Pag ka baba ko ay nauna siya sakin at pumasok na sa loob. Na patingin ako sa paligid, ang laki nga ng bahay niya.

Teka, bakit nandito kami? Kinulbit ko siya tsaka tinignan. "Bakit tayo nandito?" Pabulong kong tanong. Ang tahimik naman kasi dito eh. Nakaka hiya baka palayasin pa ako ng mga katulong niya eh. Lalo na siya.

Napatingin ako sa bumaba nung hagdan. "Oh , youre here. Whos that girl?" Tanong nung babae. Maganda siya at sa muka niya? Muka siyang nanay ni Murvyn.

Lumapit siya samin at ganon din kami. "Hello hija, anong pangalan mo?" Napatingin ako sa kanang direksyon. Tatay niya to, satingin ako.

"Hello po! Ako po si Kristelle Villela. Classmate po ni Murvyn. May reporting lang po kaming gagawin.. ^_^" pakilala ko sa kanila. Kahit hindi ko alam kung report nga ba talaga ang gagawin namin dahil sinabi ni Murvyn na ako nalang daw ang mag report. -__- bwiset talaga eh.

"Ah. Ako ang mommy ni Murvyn, just call me Tita Mae."

"Ako naman yung tatay ni Murvyn, just call me Tito Eric."

"Gaya gaya ka ng line!" Loko nung nanat ni Murvyn-- este ni Tita Mae. "Gaya gaya na pero, ako naman ang mas kamuka ng anak natin."

Nag tatalo na silang dalawa ako naman natatawa lang. Ang cool ng mommy at daddy niya.

"Hello everyone!" Nagulat ako nung may pumasok sa pintuan. Sino siya? Napatingin siya sa direksyon na pinag tatayuan namin ni Murvyn at nila Tito at tita.

"Oh! hi ate? Im Mica.. kapatid ni kuya Murvyn." Kumaway pa siya at lumapit. "Hello! Kristelle Villela" Sabi ko. "Nice to meet you." Sabi pa niya.

"Nice to meet you too," sagot ko naman. Napatingin ako kay Murvyn. Poker face, eh? Anong problema neto sa buhay? Buti nalang at hindi nag mana si Mica kay Murvyn.

Hinila ako ni Murvyn paalis sa pwesto ko kanina. This time, hindi na sa kamay. Sa bag na. Trip talaga neto eh noh? Matapos akong pakiligin, iinisin naman ako. Hmmp! -__-

Napatingin ako sa pinasukan naming room, ah! Library. Cool. May library sila dito sa bahay nila.

Umupo ako sa upuan at ipinatong ang bag ko sa lamesa. Alam ko na kung bakit niya ako dinala dito, for reporting. So hindi niya pala talaga ako hahayaang mag isa mag report. Siguro ay natakot siya sa banta kong isusumbong ko siya. Hehe. Sorry Murvyn.

Napatingin ako sa kanya na may dala ng libro. Umupo siya sa tapat ko tsaka nag sulat. Nag simula ko na din idikta yung mga gagawin namin.

Nasa kalagitnaan na kami ng pag aaral ng i rereport namin nung napatingin ako sa cellphone ko dahil nag vibrate siya.

6 missed calls and 23 unread messages from Kyrie

Shocks! Gabi na pala. Lagot ako neto kay Dad, Mom at lalo na dito sa kapatid kong pa papel. Pwe! Dapat nga ako tong nag aalala sa kanya eh, kaso ang nangyayari siya tong ala kuya ko eh.

Nag text ako sa kanya na kailangan ko ng tapusin ang report namin para hihilata nalang ako bukas hanggang linggo. No assignments! Wihieee!

Tinuloy na namin ang pag aaral sa report namin nung bumukas ang pinto ng library nila. Napatingin ako sa pintuan..

O__O -siya

^_^ O____O -ako

"IKAW?!!!"

Parehas kaming napasigaw nung makita namin ang isa't isa. "Hey! You two, shut up!" Sigaw ni Murvyn. "Do you know each other?" Tanong nitong babaeng to.

Siya yung babaeng tinarayan ako sa grocery. At bakit siya nandito? "Kung hindi ba, makakapasok ako dito at makakasama ko yan?" Dahil tinarayan niya ako. Tatarayan ko din siya.

"Oh yes, i forgot. So, btw. Im Marielle Hernandez, Murvyn's GIRLFRIEND."

Ah Girlfriend lang pala-- WHAT?!! GIRLFRIEND SIYA NI MURVYN?!!!! Ouch. Hindi ko alam na meron na palang girlfriend si Murvyn, hindi ko lang maintindihan.. bakit sa dami daming babaeng pede niyang patulan ay eto pa?

Etong mukang clown na baboy? O sige na, hindi na ako mag papaka judgemental. Sexy naman siya at bagay sa kanya ang ganyang makapal na make up. Pero yung ugali? Ewan ko na lang.

"I see. Im Kristelle Medrano, Murvyn's.. classmate." Nag panggap akong hindi nasasaktan. Ang sakit din pala, yung hindi mo alam ang sasabihin mo. Yung tipong hanggang ka klase ka lang. Hindi mo nga din alam kung kaibigan kaba o hindi.

Napatingin ako sa kanya. Para siyang tuko na kapit na kapit kay Murvyn. "Wait lang babe huh? I'll just get some snacks." Paalam niya at lumabas na sa library.

Napatingin ako kay Murvyn, nakatingin din pala siya sakin. Para hindi niya mahalata kung anong nangyayari sakin ay nag salita na agad ako.

"Minerology is the science that deals with the introduction of--" naputol ang sasabihin ko nung mag salita siya.

"Ayos ka lang ba? Tapos na tayo jan, at isa pa.. mali mali na yang sinasabi mo." Napatingin ako sa notebook ko. Mali nga yung mga sinasabi ko.

Masaya sana ako dahil tinanong niya kung ayos lang ba ako at bukod dun, kanina pa niya ako nakakausap ng mahaba ang sinasabi niya pero hindi eh.. nakakainis kasi na girlfriend niya yung babaeng yun.

"Okay lang naman ako. Ngapala, may girlfriend kana pala." Na open ko ang topic namin about sa girlfriend niya.

"It doesnt matter anymore, mag aral na ulit tayo." Sabi niya at nag explain na nung mga sinasabi niya.

"Kristelle, nakikinig ka ba?" Napatingin ako sa kanya. Nakikinig nga ba ako? Hindi nga. Lahat ng sinasabi niya ay pumapasok at lumalabas din sa tenga ko. Bakit ba kasi sobrang affected naman ata ako kay Marielle? Eh crush ko lang naman si Murvyn. Hindi ko nga siya mahal eh. Mahal? Mahal ko ba siya? No. No. Erase. Hindi ko siya mahal.

"Lahat ng sinasabi mo, pumapasok at lumalabas ang din sa tenga ko." Pag sabi ko sa kanya ng katotohanan. Mag sasalita palang sana siya nung pumasok na ai Marielle.

"Here's our snack." Sabi niya at nilapag pa ang pagkain sa mesa. Tinignan ko lang yun at nag simulang intindihin yung mga sinasabi kanina ni Murvyn.

Napatingin ako kay Murvyn at kay Marielle. Naka kalong si Marielle kay Murvyn at si Murvyn naman naka yakap kay Marielle. Sinusubuan pa ni Marielle si Murvyn. Ouch.

Sinubukan kong alisin ang tingin ko sa kanila at intindihin yung nasa notes pero letse! Hindi ako makapag pigil tignan yung dalawa.

Saktong pag tingin ko ay kiniss ni Mariellw si Murvyn sa pisngi. This time hindi na ako nakapag pigil at nainis na.

Hinampas ko ang table tsaka sumigaw. "Respeto naman oh! Hindi lang kayo ang tao dito! Nandito pa ako. At hindi ito ang tamang lugar ng pag lalandian niyo. Aral muna bago landi!" Sigaw ko sa kanila at..

Umalis na ng library na yon.

That should be me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon