TSBM 17: Family dinner with him

752 18 0
                                    

Kristelle's POV.

Matapos kong makita si Murvyn na gawin yun ay hinila na agad ako ni Giann. Pag dating namin sa loob ay napatingin ako sa jacket na nakapulupot sa bewang ko. Bigla kasi akong nakaramdam ng lamig.

"Giann. Para san ba tong jacket?" Tanong ko sa kanya para kung wala lang ay maisusuot ko. "Wag mo subukang alisin yan, ang ikli masyado ng suot mo." Napa bagsak nalang ang balikat ko sa narinig ko. Hindi na din ako nakipag talo kay Giann. Dahil ipipilit niya lang na maikli yung suot ko.

Nag simula na kaming mamili. Hawak hawak ko ang basket na pag lalagyan ko ng mga pinamili ko pero biglang inagaw yun ni Giann. "Ako na ang mag bubuhat." Ngumiti nalang ako at pinaubaya na sa kanya yung basket. Mahirap makipag pilitan sa kanya. Matatalo lang ako. Bukod dun, hindi naman siya mahihirapan dahil una sa lahat.. wala siyang dalang basket. Pangalawa, snacks lang naman ang ilalagay dun. Hindi naman sobrang bigat eh.

"Anong bibilhin mo?" Tanong ko sa kanya. "Kahit ano." Sabi niya tsaka nag lakad na ulit. Sinundan ko naman siya kung san siya nag lalakad. Kumuha na din ako ng iba kong snacks at nilagay sa basket na hawak ni Giann.

Medyo puno na yung basket namin kaya naisipan namin bayaran na yun. Habang nag lalakad kami papunta sa counter ay may narinig kaming nag uusap na couple.

"Tignan mo yung lalaki, pinag buhat niya yung girlfriend niya ng basket. Eh ikaw?!" -Girl.

"Babe wag mong ikumpara yung relasyon natin sa sweet na couple na yun." -Boy.

Nag katinginan kami ni Giann. Then he chuckled. Seriously? Napag kamalan kaming in a relationship? Muka ba kaming mag syota?

"Tara na nga." Sabi ko at hinila siya paalis dun. Grabe ah? Bakit ganun? Hindi naman kami mag syota eh. Tsaka para buhat lang ni Giann yung basket mag syota na kami?

Pag katapos naming mamili sa Grocery ay umuwi na din kami. Si Giann, hindi pa din na uwi. Aba malay ko ba dito?

"Giann hindi ka pa uuwi?" Tanong ko sa kanya. "Hindi pa. Wala kasing tao sa bahay. Puro katulong lang namin. Ang boring kaya." Reklamo niya. Tumango nalang ako. Kailangan ko pa nga pala mag prepare ng gamit ko para bukas. Maaga palang gigising na din ako eh.

"Kyrie!" Tinawag ko si Kyrie and sakto lumabas siya mula dun sa kusina. "Oh?" Sungit talaga eh. "Samahan mo muna si Giann, may pe prepare pa ako bukas eh." Sabi ko tsaka tumaas na.

Pag ka taas ko ng kwarto ko ay nagulat ako kasi nandun si Mom. "Mom?" Napatingin sakin si Mom tapos ngumiti siya. "Anak, ako na ang nag ayos ng gamit mo. Bumaba kana. Mag didinner na tayo." Ngumiti ako kay Mom tapos bumaba na din. Hindi ko na tinignan yung inayos ni Mom. Alam ko namang kumpleto na yun eh.

Pag baba ko naabutan kong nag uusap sila Kyrie kasama si Dad. Whatever. Dumeretso nalang ako sa kusina. Naka hain na lahat. Ready to eat na.

Uupo na sana ako pero biglang nag datingan silang lahat. Sumabay nalang ako sa kanila sa pag upo. Nakita ko naman na pumasok din si Giann dito. Seriously? Family dinner with him?

"Lets eat." Napatingin ako kay Dad na nakatingin samin ngayon ni Giann. Katabi ko kasi si Giann eh. Kumain na kami at nag kwentuhan sila. Tungkol sa kung ano anong bagay.

"Giann." Napatingin ako kay Mom na tinawag si Giann. "Kamusta naman yung pag aaral mo sa US?" Tanong ni Mom sa kanya.

"Okay naman po Tita Lyn, actually ang gaganda ng pasyalan dun."

"Do you met beautiful girls there?" -Dad

"Yes Tito Gion. Naging mag kaibigan kami but i dont like her." -Giann.

"So you mean may iba kang gusto?"-Mom

"Yan pa ba?" -Kyrie

Tumawa naman sila. Ako nananatiling tahimik. May iba nga bang gusto si Giann? Aish. Basta. Naiilang padin ako dun sa title nung kanta eh. Alam mo yung tipong nag assume ka na sinabi niya ng deretso sayo yun kaya akala mo gusto ka.

"Ahm, Yes Tito and Tita. May gusto akong iba." Napatingin ako kay Giann tapos nakita kong nag tinginan silang lahat sakin. Napa ubo tuloy ako. "What?" Tanong ko sa kanila. Mag iwasan naman sila ng tingin sakin. Ano bang problema sakin?

"Nothing. So, sino yun?" Dad ask after the silence. "Makikilala niyo din po. Not now, but soon." Sabi ni Giann. Napalunok nalang ako sa kinain ko ng hindi ko pa nginunguya. Anong usapan ba to? Teka, bakit parang affected naman ata ako? Buti sana kung may gusto ako kay Giann eh. Pero wala naman.. diba, Kristelle?

Oo. Wala. Wala akong gusto sa kanya. Hindi ko siya magugustuhan. Dahil kay Murvyn lang ako, si Murvyn ang gusto ko. Si Murvyn yung.. yung mahal ko. Siya at wala ng iba.

--

Pag katapos ng awkward na usapan ay umuwi nadin si Giann. Dumeretso naman ako sa kwarto ko at tinignan yung mga gamit na inayos ni Mom. Wala akong magawa eh. So ayun, kumpleto naman. Snacks nalang.

Nilagay ko yung snacks ko dun sa camping bag tapos naglinis na ako ng katawan para deretso na ako matulog.

Pag labas ko ng CR ay nag suklay ako at humiga na. Nakakapagod din pala ngayong araw. Sana maging maganda at masaya yung Science And Math Camp.

Sinubukan kong matulog pero hindi ayaw makisama eh. Hindi ako makatulog. Nag try akong mag imagine ng kung ano anong bagay pero ayaw niya mag work.

Wala akong nagawa kundi buksan nalang ang ilaw at kunin ang laptop ko. Pag ka kuha ko ay pinatay ko na ulit yung ilaw tapos binuksan yung facebook account ko.

Ang tagal ko na din palang hindi nabubuksan tong account ko. Tinignan ko yung mga notification at yung friend request.

Giann peñaflorida sent you a friend request.

What? Sa tagal na naming mag kaibigan ni Giann ay hindi padin kami mag friends sa facebook account ko? Pfff. Hahahaha!

Pinindot ko ang accept tapos ay tinry ko siyang i stalk. Stalker muna ako. Nakita ko yung mga profile pictures niya. Ang cute naman ^__^ may mga stolen pictures pa nga eh.

Nung napagod akong i stalk siya ay tumingin tingin ako sa news feeds ko. Puro nag papalit lang ng profile picture tapos mga cover and hugot din. Walang katapusang hugot ba to?

Wag mo na kasing mahalin, may mahal nga kasing iba.

Mahirap ipilit yung mga bagay na hindi naman pede.

Gusto mo nga. Gusto ka ba?

Bakit ka mag mamahal ng taong hindi ka naman mahal? Sinong niloloko mo? Sarili mo.

Napairap nalang ako sa mga nag po post ng ganyan. Kailangan isupalpal sa muka ko? Kailangan?! Kainis ha? Nag scroll down ulit ako at mas napahinto ako nung makita ang bagay na yun.

Marielle Hernandez
         Hi Babe Murvyn Maliff! Happy happy 2nd aniversarry for the both of us. Thank you so much for making me happy. Take care always. I love you.

Bigla kong napatingin sa pictures nila. Merong picture na nakain sila ng ice cream. May picture din sila na nag lalaro sa play ground. Meron namang yakap ni Murvyn si Marielle.
Sinarado ko na ang laptop ko tsaka humiga na. Hindi ko na kaya. Ang sakit din pala. Ang sakit makita na yung taong mahal mo, may mahal na iba. Ang sakit, sobra.

That should be me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon