Kristelle's POV.
Inuwi na ako ni Giann sa bahay. Nasa salas siya ngayon tapos nasa kwarto ako ngayon. Nag aayos ako habang nakatingin sa salamin. Nakita ko yung note na nakadikit sa salamin ko.
Business trip for 1 week at Paris. Call me if you need something. Take care both of you. -Mom.
Hays. Ngayon pala yung alis na sinasabi ni Mommy papunta sa Paris. Well sanay na ako jan. Sa iba't ibang lugar na nakakapunta si Mom for business trip or para mag bida ng business nila. Ngayon pa nawala si Mom kung kailan I need her advice. Ang hirap naman kasing sa tawag ka nakikipag usap.
*knocks*
"Come in." Sabi ko at biglang bumukas ang pintuan. Nakita ko si Kyrie na naka poker face papasok sa kwarto ko. For sure pagagalitan lang ako nito dahil may pag ligo pa ako sa ulan dahil lang kay Murvyn.
"What?" Irita kong tanong sa kanya. He's annoying! Papasok pasok dito hindi naman mag sasalita. Titigan lang daw ba ako with his poker face? -__- minsan nakakainis na din to eh. Hindi ko alam kung san ba pinag lihi to. Aish! Ewan ko ba. Sana hindi nalang ganyan yung kapatid ko eh.
"Giann told me he will go home. Want to say something?"
"Paakyatin mo nalang siya dito. Wala akong balak bumaba."
Umalis na siya at sinarado yung pintuan. Seryoso ayaw ko talagang bumaba. Ayaw ko lang? Wala kasi akong gana ngayon. Pakiramdam ko inaway ako. Pakiramdam ko binugbog ako. Sinaktan ako. Pinahirapan. Aish! Bahala na. Ayaw ko talaga munang mag isip ng kung ano anong problema.
"Kristelle." Napatingin ako sa nasa pintuan. Seryoso yung muka niya. "Uuwi na ako. Take care." Sabi niya at paalis na sana pero hinila ko siya at hinarap sakin.
"Giann, thank you." Sabi ko and give him my sweet fake smile. Tinap niya yung ulo ko and smile. "Its okay. Goodnight, sweetie."
Natawa ako sa sinabi niya. Sweetie? Eh ang panget pakinggan. Para namang yung mga random people. Sweetie pie? Honey bunch? Sugar pie?
"Ah sige, ahm.. Prinsesa ko nalang." Napangiti nalang ako. Hahayaan ko nalang si Giann sa gusto niya. Kesa naman saktan ko pa siya ng sobra.
"Much better. Goodnight." Sabi ko. Ngumiti siya at umalis na. Sinarado ko na ang pintuan ng kwarto ko at saka pinatay ang ilaw. Matutulog na ako.
*knocks*
Tsk. Binuksan ko ulit yung ilaw at pintuan. "What?" Tanong ko nanaman kay Kyrie. Parang tanga to eh -__- kung nasa mood lang talaga ako malamang kanina ko pa to nabatukan. Pasalamat siya at broken hearted ako ngayon.
"Whats with you and Giann, hmm?"
Umupo siya sa kama ko. Hanga din naman ako dito eh. Nung wala pang pag amin si Giann sakin palagi akong tinutulak kay Giann tapos ngayong umamin na at nag hahangad ng chance tsaka siya nag susungit sakin? Labo din eh.
"Ewan? Hindi ko din alam eh." Walang kwentang sagot ko sa kanya. Umupo naman ako dun sa pinag uupuan ko kanina. Sa harap ng salamin.
"Ill be straight to the point, ayaw mo ba sa kanya?" Tanong niya sakin. Napaisip ako sa sinabi niya. Eto na naman yang mga chance chance na yan eh. Basta ako ng bahala dito.
"I like him." Yan lang yung sinabi ko. Alam niya ang pag kakaiba ng gusto sa mahal. Matagal ko ng sinabi yun sa kanya. Sana naman intindihin niya yun.
"Basta, kung ano man yang desisyon mo sasang ayon ako. Your my sister. Gagawin ko lahat para lang mapasaya kita. Kung san ka masaya dun ako, Goodnight."
Napanganga ako sa sinabi ni Kyrie. Iniwan niya ako ditong gulat na gulat. Si Kyrie ba talaga yon? Pero-- seryoso, ngayon ko lang nakita si Kyrie na nag ka ganon?
BINABASA MO ANG
That should be me (COMPLETED)
Teen FictionNaranasan mo na ba mag mahal? Mag mahal ng taong hindi ka mahal. Mag mahal ng taong hindi ka gusto. Naranasan mo ba ba ipagtulakan? Ipinag tutulakan ka palayo sa ibang tao. Yung pinipilit mo ang sarili mo sa taong hindi naman para sayo. Naranasan m...