Kristelle's POV
"Akala ko ba officers lang yung pede dito sa SAM-C?" -Girl 1
"Oo nga. Baka naman bago?" -Girl 2
"Hindi ah. Officer nung election yung kinuha. Tsaka anong bago? Eh tayo nga yung bagong officers eh." -Girl 1
"Hoy ano ba kayo? Atleast gwapo! Isa pa, big deal ba ha?! I enjoy niyo nalang! Maski yong lugar natin. Ang ganda kaya." -Girl 3
Napatingin ako dun sa mga officer na nag uusap. Anong bago at gwapo? Aish. Bahala sila. Tumingin ako sa paligid. Sana mag enjoy ako. Ibat ibang school yung umattend ng SAMC. For sure, hindi lahat makakahalubilo namin.
Bumaling ang tingin ko sa adviser ng Math Officer na pumalakpak. "Okay officers! Ayusin niyo na yung tent na tutulugan niyo. Make sure na lahat kayo may tutulugan, bahala na kayo kung kanino kayo tatabi." Hindi na ako lumingon pa sa iba at nilatag na ang malaking tent na tutulugan ko.
Nakakaboring naman ata, sa lahat ng school ay kami lang ang may pinaka maunting student. "Kristelle!" Napatingin ako kay Giann na lumapit sakin. Oo nga pala, the president of SSC. Hindi pedeng mawala yam dito lalo na at konti lang ang officer na sumali.
"Oh? Nandito ka, may tutulugan ka?" Tanong ko sa kanya.
"Wala. Malaki naman yang tent mo eh, tabi tayo."
"Ha?!" Seryoso ba siya dun? Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako makakaranas ng may katabi akong lalaki sa isang tent. Take note: kaming dalawa lang!
"Hehe, wag kang mag alala wala naman akong gagawing masama sayo eh."
Nag isip muna ako kung papatabihin ko ba siya o hindi. Nakakailang kasi. Minsan kasi ay magulo ako sa tent. Oo malaki yung tent ko. Apat na tao nga yung kasya dito eh. Ah! Alam ko na. Basta bahala na mamaya..
"Ah, sige. Okay lang."
"Yun! Salamat, naiwan ko kasi eh."
Ngumiti ako sa kanya tapos tinulungan ako ni Giann ayusin yung tent na tutulugan namin mamaya. Habang nag lalagay na ng gamit namin si Giann sa loob ay nagulat ako nung may mag latag ng tent sa tabi namin.
"M-Murvyn?" Gulat kong sambit ng pangalan niya. Oo nandito si Murvyn! Pinag kunutan ko pa siya ng noo dahil bakit nandito ang lalaking yan eh hindi naman siya officer.
"Bakit parang nakakita ka ng multo?"
"Ah-eh. H-hindi naman. Bakit nandito k-ka?"Mag sasalita palang sana siya nung nakuha na naman ng Adviser namin yung atensyon lahat ng officers.
"Officers, alam kong nag tataka kayo kung bakit may kasama tayong hindi naman officer. Nakiusap lang siya na kung pede ay sumama tutal maunti lang naman tayo at para hindi siya ma bored. Si Murvyn. Be nice to him. To everyone!" Sabi nung teacher tsaka umalis na at nag ayos din ng tent na tutulugan nila.
Napatingin ako kay Murvyn na nag lalatag ngayon ng tent. Solo niya lang dahil base sa laki, isang tao lang yunh kasya. Or dalawa kung mag sisiksikan sila. Mag sasalita palang sana ako pero tinawag ako ni Giann.
"Kristelle! Okay na." Napatingin ako kay Giann tapos pumasok na ako dun sa tent namin. "Okay lang ba talaga sayo na mag kasama tayo sa isang tent? Kung hindi okay lang lilipat nalang ako."
Napatingin ako sa loob ng tent namin este tent na tutulugan namin. Maayoa siya. Malinis. Nakalatag na yung foam na dinala ko. Pati yung bed sheet ay nakalatag nadin. Maski nga ang mga unan at kumot namin. Napatingin ako sa paanan. Nandito yung mga gamit namin. Napatingin naman ako sa labas. Wala na bang may balak na maki share ng tent samin?
BINABASA MO ANG
That should be me (COMPLETED)
Teen FictionNaranasan mo na ba mag mahal? Mag mahal ng taong hindi ka mahal. Mag mahal ng taong hindi ka gusto. Naranasan mo ba ba ipagtulakan? Ipinag tutulakan ka palayo sa ibang tao. Yung pinipilit mo ang sarili mo sa taong hindi naman para sayo. Naranasan m...