Kristelle's POV.
Umupo ako sa bench na nasa harap nung mini stage. Umupo si Giann dun tapos kinuha ang mic.
Nag simula na siyang kumanta at nakinig lang ako. Kagaya ng sabi niya, pakinggan kong mabuti.
"🎶 I'm standing on a mountain
Waiting for you to come
You were sitting counting
The days that I had gone
The note I wrote
I wrapped up in a cigarette
Burned away the memories
I tried to forget
But not yet
Wishing my life away
But these three words
I have to say to you
My baby blue
You know it's true
I love you
I love you
How can I tell you?
I don't know what to say
This chance that I won't miss
But I miss you anyway
I feel your pain
It's turning me insane
Thrown away
I had to take the last train home🎶"Nakinig ako sa kanya. Ang ganda nung kanta. Maski ang boses niya ay ang ganda din. Napansin kong damang dama niya yung kanta. May pinag huhugutan ba siya? Aww.
"🎶 But then you came
Wishing my life away
But these three words
I have to say to you
My baby blue
You know it's true
I love you
Wishing my life away
These three words
I have to say to you
My baby blue
You know it's true
You know it's true
I love you
I love you
I love you🎶"Napa palakpak ako sa pag kanta niya. Ang galing niyang kumanta. Napansin ko ding dumami yung tao dito, nginitian niya yung mga tao tsaka hinila na ako palabas sa Timezone.
"Pinakinggan mo ba yung kanta?" Tanong niya sakin. Tumango ako. "Oo, ang ganda nung kanta. Ang galing mo nga kumanta eh." Kumento ko.
"Wala na?" Anong wala na? Yun lang naman yun. Wala na akong ibang maisip? Ano pang kailangan ko? "Ano pa bang hahanapin mo?" Tanong ko tsaka tumawa.
Nakita ko siya napa kamot sa ulo niya tapos umiling iling siya. "Wala naman, ano eh? Hehehe." Weird niyang sabi tapos yung tawa niya halatang pilit. Anong meron sa kanya?
"Uwi na tayo?" Tanong niya sakin. "Sige." Sabi ko tsaka umalis na kami. Naalala ko nanaman nung kumanta siya. Ano kayang title nung kanta?
Habang nasa biyahe kami iniisip ko pa din yung kanta. Ang ganda kasi talaga eh. Pero kahit isipin ko hindi ko naman mahulaan. Pansin ko kasi, yung ibang kanta wala naman yung title sa lyrics. Ah basta! Itatanong ko nalang..
"Giann." Tawag ko sa kanya.
"Hmm?" Ang gwapo padin talaga niya. Oh! Bakit ko ba sinasabi yung mga bagay na to? Hindi naman karapatdapat sabihin kahit pa totoo, dapat wag ng sabihin pa. Obvious naman eh. Bukod dun, hindi naman kailangan ulit ulitin. Ah basta yun na yun.
"Ang ganda nung kanta.. bale, ano yung title nun?" Tanong ko. Napangiti siya tapos biglang napatingin sakin. Ano ba yan, ngitian lang daw ba ako?
"Bahala ka nga!" Sabi ko sabay irap. Tumingin nalang ako sa kalsada na dinadaanan namin. Madilim na din pala. Tsaka malapit na kami sa bahay.
"Kristelle.." tawag niya sakin. Hindi ko naman pinansin at hinayaan ko lang siya. "Uyy." Wag mong pansinin yan Kristelle. Ayaw sabihin eh.
"Kristelle.." ayan! Tsk. Bakit ba kasi hindi ko matiis yung lalaking to? Tumingin ako sa kanya pero siya nakangiti lang. Sabi na eh! Dapat hindi nalang ako tumingin mang aasar lang to eh.
Tatalikod na sana ako pero nanlaki at bumilis ang tibok ng puso ko nung nag salita siya. Salitang hindi ko inaasahan na sasabihin niya sakin.
"I love you.."
BINABASA MO ANG
That should be me (COMPLETED)
Novela JuvenilNaranasan mo na ba mag mahal? Mag mahal ng taong hindi ka mahal. Mag mahal ng taong hindi ka gusto. Naranasan mo ba ba ipagtulakan? Ipinag tutulakan ka palayo sa ibang tao. Yung pinipilit mo ang sarili mo sa taong hindi naman para sayo. Naranasan m...