Kristelle's POV
Eto na nga siguro, eto na siguro yung oras para sagutin ko siya.
"Its almost 7 months, 6 months na kitang nililigawan. Six months na akong nag hihintay sayo. At tatanungin ko ulit sayo ang bagay na to. Pero Kristelle, kung hindi ka pa handa. Mag hahantay pa din ako. Basta pangako, pag sinagot mo ako.. araw araw padin kitang liligawan. Prinsesa kita. Hindi lang kita ituturing na prinsesa aa tawag, pero totoo.. prinsesa ka. At ako ang magiging prinsipe mo. Now, Prinsesa ko.. will you be my girlfriend?"
Niyakap ko agad siya. Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Ramdam ko naman na kinuha ni Ally yung cotton candy. Kaya napatingin ako sa kanya. Kinain niya na. Ang takaw.
Back to him, Yakap yakap ko padin siya ngayon.
"Yes, prinsipe ko."
"YIEEEEEEEEE!"
"CONGRATSSS"
"YES!" Napatingin ako kay Giann. Bigla niya akong hinalikan.... sa forehead. I love it when he's kissing my forehead, I dont know. Basta ang alam ko lang safe ang pakiramdam ko sa kanya. Bukod dun, alam kong nirerespeto niya ako.
Nag bitaw kami ng yakap ni Giann at hinarap sila. Nagulat ako nung makita ko si Mom at Dad isama mo pa si Kyrie.
"Congrats Anak!" -Dad
"Congrats baby girl!" -Mom
"Mom, Dad?" Gulat kong tanong. Lumapit naman sila sakin. "Para naman po ako nitong ikakasal. Eh b-boyfriend palang naman to, mom.. dad." Narinig ko silang tumawa sa sinabi ko.
"We're just happy. Gusto kong masaksihan kung pano mo sinagot si Giann. O siya, gotta go. Office." Sabi ni mom. "Bye kids!" Dagdag ni Dad sabay hila kay Mom paalis.
"Hoy panget!" Napatingin ako sa panget na nag salita. Si Kyrie. Binatukan niya agad ako pagka lapit niya sakin. Napakapit tuloy ako sa batok ko. Hinampas ko din siya.
"Ang sakit Kyrie!" Reklamo ko. "Bagay lang yan sayo, mas masakit pa kapag na broken ka." Hinampas ko pa siya lalo.
"Luko ka talaga! Bitter ka kasi." Asar ko dahilan para umalis siya sakin. Bigla naman niyang pinuntahan si Giann.
"Hoy!" Bigla niya namang binatukan si Giann. Nakakainis talaga to si Kyrie eh. Ang hilig batukan si Giann -__- Actually, mahilig mang batok.
"Alagaan mo yang panget na yan ha!"
--
Matapos ang asaran at mga advice ng tropa na nakakatawa dahil para naman kaminh ikakasal ni Giann.
"Bye, prinsesa ko." Namumula tumalikod kay Giann. Gabi na at papasok na ako sa bahay namin, Ghaaaad! >.< Bakit ba kinikilig ako ng suuuper?
Papasok na sana ako ng tuluyan sa gate nung may naalala ako. Tumakbo ako papalapit kay Giann na nakasandal ngayon sa kotse niya.
Hinug ko siya ng mabilis. "Goodbye, prinsipe ko." Bumitaw ako sa pagkakayakap niya at mabilis na dinampian ng halik ang kaliwang pisngi niya.
"I love you!" Sigaw niya. Nahiya tuloy ako bigla sa ginawa ko >.< Ano ba yung nakaka hiyang ginawa ko? Argggg! I kissed him on his cheeks for whoevers sake!
"I-I love you, too! Bye!" Sabi ko. Natataranta kong sinarado ang gate ngbahay namin tsaka masayang pumasok ng bahay.
"Good evening, Nanay Belen !" Masaya kong bati kay Nanay Belen, yung matandang katulong samin. Tinatawag ko siyang Manang dati pero ngayon Nanay na. Yun kasi yung nakasanayan na naming tawag ni Kyrie. Manang naman kala Mom at Dad.
"Anak, ikaw nalang ang hinahantay sa kusina." Sabi niya habang nag pupunas sa naka diplay naming flower vase. "Ah, sige po." Sabi ko tsaka umalis.
Pag deretso ko sa kusina nakita ko sila dung kumakain na ng dinner. Nagutom tuloy ako bigla. Sinabi ko kasi kay Giann dito na siya mag dinner pero ayaw niya pa.
"Good evening, sorry if Im late." Sabi ko at umupo na sa pwesto ko. Napatingin naman sila sakin. Tingin na ng aasar.
"Whats with that look?" Tanong ko sa kanila sabay subo ng pagkain na nakahain. "Nothing, hows taken day?" Natawa ako bigla na napatingin kay Dad.
"Seriously, Dad?" Sabi ko nalang. "Pero seryoso, I really like Giann for you anak." Ngumiti lang ako kay Mom. "Hoy! Panget mo. Hindi kayo bagay ng tropa ko." Sabi naman ng paepal na si Kyrie.
"Sobrang paepal mo Kyrie. Ewan ko sayo!" Sabi ko at inirapan siya, kiddingly. Hmmmp!
Pag katapos na nakaka bwisit na dinner namin ay dumeretso na agad ako sa bedroom and do my evening routine.
Pinatay ko ang ilaw at humiga sa kama. "Whew! Sana naman maging maayos ang relationship namin ni Giann." Bulong ko sa sarili ko tsaka pumikit na para matulog.
1..
...
10
..
20..
...
30
..
50...
..
Arghhh! Hinagis ko ang comforter ko sa may paanan ko at binuksan ang lampshade na nasa tabi ng kama ko.
Ayaw matulog ng mata ko pero gustong gusto ko na matulog. Ang booooring ng buhay pag hindi ka makatulog? Ghaad!
Sa sobrang boring ko kinuha ko yung laptop sa study table ko at lumabas papunta sa kusina.
Sakto naman na naabutan ko si Nanay Belen na nag kakape kasama ang iba pa naming katulong dun. Nag tayuan tuloy sila bigla.
"Okay lang po, wala naman akong kailangan." Sabi ko at umupo sa dining table katabi ni Nanay Belen at ng isa pa naming katulong.
"Maam, bakit po gising pa kayo?" Tanong sakin nung katulong na nasa harap ko. Lineth ata ang pangalan. "Hindi po ako makatulog eh. Kristelle nalang po ang itawag niyo sakin." Sabi ko at ngumiti.
"Ganun ba? Saglit lang." Sabi naman nung isa pa naming katulong sabay tumayo. Silang tatlo lang ang nandito sa dining table namin.
"Anak, boyfriend mo na pala iyong si ano nga ba ang pangalan noon Lineth?" Napatingin ako kay Nanay Belen. Nakangiti siya ngayon tapos ay sumip sa kape na iniinom niya.
"Giann ata iyon?" Hindi siguradong sabi ni ate Lineth. "Ayy oo! Ayon nga. Aba'y iyon pala ay iyong kasintahan na."
"Ang lalim naman po ng tagalog niyo, Nay. Opo." Sabi ko. Tumango lang sila tsaka bumalik sa pag ku-kwentuhan ng kung ano.
Binuksan ko ang laptop ko tsaka nag scroll down and up lang sa facebook account ko. "Eto na, Kristelle." Napatingin ako sa isang katulong na nasa harap ko. Hawak niya ang isang basong gatas at nilapag sa harap ko at umupo na.
"Nakaka tulong daw yang gatas para antukin. Hindi ko alam kung totoo nga ba." Sabi niya tsaka humigop sa kape. "Salamat po." Sabi ko.
Bumalik ang tingin ko sa facebook account ko at nag scroll down. Habang nag so-scroll down ako ay umiinow ako ng gatas.
Muntik ko ng maibuga yung gatas na iniinom ko nung makita ko yung nasa screen ko.
Seryoso ba to? Anong nangyari?
--
a/n: Anayare nga? Yoooow! Sorry kung maiksi tong chapter na to. Wala akong masyadong maisip eh. ^_^V
BINABASA MO ANG
That should be me (COMPLETED)
Roman pour AdolescentsNaranasan mo na ba mag mahal? Mag mahal ng taong hindi ka mahal. Mag mahal ng taong hindi ka gusto. Naranasan mo ba ba ipagtulakan? Ipinag tutulakan ka palayo sa ibang tao. Yung pinipilit mo ang sarili mo sa taong hindi naman para sayo. Naranasan m...