Kristelle's point of view.
Kinabukasan pag gising ko nandatnan ko sila na busy sa pag lilinis ng bahay. Lumabas ako ng bahay at naramdaman ko ang pag dampi ng malamig na hangin sa balat ko.
"Ate." Tumingin ako kay Kyrie. Mukang kakalabas niya lang at mukang nag jogging pa. Pawis na pawis siya tapos naka pang bihis ng pang jogging. Pero nilagpasan ko lang siya. Ayaw ko ng makipag lokohan sa kanila.
Sarili ko din bang kapatid niloloko na ako? Bakit ba hindi ko man lang naisip yun? Bakit hindi ko man lang nahalata na ganon pala yung ginagawa nila sakin? Tama bang pag laruan nila ako? Tama bang pag pustahan nila ako? Ang sakit. Ang sakit sakit na.
"Ate mag usap tayo!" Hinabol ako ni Kyrie peri hindi ko pa din siya pinapansin. Pupunta ako kay Murvyn ngayon. Hindi ko kasi sinipot kahapon. Lumabas lang ako at gumala kung saan saan. Ayaw kong mag pakita sa kanya. Ayaw kong siya yung may problema tapos ako din meron.
"Ate, pakinggan mo naman ako." Sa sobrang kulit niya hinarap ko agad siya. "Anong premyo? Yung kotse bang gamit kahapon ni Giann? Yung bago niyang kotse? Wow Kyrie! Makikipag laro din yung KAPATID mo para mag ka kotse din ako." Sabi ko at nginitian siya ng mapait.
"Its not what you--"
"Dont fool me, Kyrie. Narinig ko lahat. Wag niyo na akong lokohin. Sabihin mo kay Giann, tinatapos ko na ang meron samin. Alis na!" Inis kong sabi at tinalikudan siya.
Good thing hindi siya sumunod. Pero pumatak na naman ang luha sa mga mata ko. Yun ba yung sinabi ni Giann na talo siya? Akala ko talo siya kay Murvyn. Mali pala, kay Kyrie. Kasi mahal ko si Murvyn dati.
Ganito pala yung pakiramdam ng pinag lalaruan. Yung pakiramdam ng pinag pupustahan. Akala ko talaga sa mga libro ko lang to mababasa at sa mga teleserye ko lang mapapanuod, pero bakit nangyayari to sa totoong buhay? Pinag kakaitan ako ng tadhana. Masyado ka ng mapaglaro, tadhana. Kelan mo ba aayusin yung buhay ko?
"Ouch." Nabalik ako sa sarili ko nung mabangga ako sa isang bagay. Mali, tao pala. Mabilis kong pinunasan yung luha sa mata ko at ngumiti sa kanya. Ngumiti ako kahit hindi nakisama yung mga mata ko.
"Umiiyak ka ba?" Nag aalalang tanong niya. Umupo lang ako sa kalsada at ganun din naman siya. Tinabihan niya ako at humarap sakin. "Kung may problema ka, pede ka naman mag kwento sakin ate." Tinignan ko ang si Mica at nginitian.
"Mica, mahal mo pa ba si Kyrie?" Tumawa siya ng bahagya at lumingon sa harap na direksyon namin. "Alam mo ate, mahal na mahal ko yang si Kyrie. Pero kailangan ko din siyang kalimutan, hindi naman kasi kami para isa't isa." Binaling niya ulit yung tingin niya sakin at ngumiti ng mapait.
"Sana nga makalimutan mo na siya, pag nag kataon.. baka pag laruan ka lang niya." Seryoso at mabagal kong sabi. "Ha?" Naptingin ako bigla sa kanya at naisip kong hindi ko dapat sinabi ang bagay na yun.
"Wala. Ibig kong sabihin, para hindi ka na masaktan." Tumayo ako tsaka ngumiti ng mapait din. "Nandiyan ba si Murvyn?" Tanong ko sabay nilingon ang bahay nila. Binigyan niya naman ako ng mabilis na iling.
"Sumunod po siya kay ate Marielle." Mabilis akong tumingin sa kanya at nag paalam na. Bakit sinundan ni Murvyn si Marielle? Akala ko ba ayaw niya na kay Marielle?
Pero bakit ba parang pinipigilan ko? Diba sila naman talaga para sa isa't isa? Ano pa bang pinag aalala ko? Sht. Hindi naman ako dapat nag aalala ng ganito ah. Eh ano naman kung sundan ni Murvyn si Marielle?
"Kristelle." Napatingin ako sa tumawag ng pangalan ko. Aalis na sana ako palayo sa kanya pero hinila niya ako bigla. "Lets talk."
--
Marielle's point of view.
"Dont cry, Marielle. Im still here." Inangat ko ang tingin ko sa lalaking nasa harap ko na. Nagulat ako nung makita ko siya. 4 years. 4 years have passed since the last time I saw him. And unluckily, the last time I saw him was my miserable day. Not that miserable but, im pissed off.
"Laurence?" He just nodded. Pinunasan ko ang luha sa muka ko at ngumiti sa kanya. Malaki ang pinag bago niya. Nag muka siyang matured na talaga. Binatang binata na pero nandun pa din yung lip ring niya.
"Pinaiyak ka ba niya?" Tumango ako sa kanya. Laurence know Murvyn well. Although hindi ganon ka kilala ni Murvyn si Laurence. Laurence Silvia is my ex boyfriend. Nag tagal lang ng seven months ang relationship namin dahil nag kasawaan nadin kami.
"Nung huli tayong nag kita, sinabi ko sayo na pag pinaiyak at sinaktan ka niya.. babawiin kita." Tumawa ako ng pilit. "That was four years ago, Laurence." Sagot ko sa kanya. "I know, nag bago ako. Nag bago ang itsura ko at kung pano ako umakto pero hindi nag bago ang nararamdaman ko sayo."
Natigilan ako sa sinabi niya. Si Laurence ba talaga ang kausap ko? At ano? Hindi nag bago ang nararamdaman niya para sakin? Mahal niya pa din ako? That was four years ago. Imposible yun. Ang tagal na simula nung mag break kami.
"Babawiin ko ang sakin talaga, babawiin kita Marielle." He then left me hanging. He left me without hearing my side. He left me without saying anything. What the fck?
--
2 days have past. Hindi ko alam kung anong meron sakin pero namiss ko din naman tong si Laurence, as a friend. Sumama padin ako sa kanya para makalimutan kahit papaano ang problema ko. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ang relationship namin ni Murvyn.. ayaw ko munang isipin ngayon yung problema ko. Lalo na ngayon, rest day. Nag papahinga pa ang puso at utak ko sa kanya.
"So, ayun nga. Napahiya ako sa restaurant thats why iba na yung kinakainan kong restaurant dito." Nag tatawanan lang kami ngayon ni Laurence tungkol sa kung ano anong stuff. Wala kaming maisip na pag uusapan eh.
*KRIIIIIING*
Suddenly my phone rang so I answer it without looking at the name of the caller. "Hello?" Walang gana kong bati.
[M-marielle.] Nanginginig na boses. Tinignan ko saglit ang tumawag sakin at nakita kong si Kristelle ang tumawag sakin. Kumunot tuloy ang noo ko bigla.
"Hello, bakit ka napatawag?" Medyo ginanahan kong boses. Mahirap na baka isipin niyang ayaw ko sa kanya. The truth is I like her.
[Marielle si a-no kasi eh..]
"Sino? Ano bang nangyayari?"
["Ako na ang kakausap"]
Napatingin ulit ako sa phone ko. Ano bang nangyayari?! Fck. Im so damn pissed off. "Hello?! Ano bang nangyayari?!"
[Hello Marielle?! Si Andrei to. Si Murvyn kasi eh.. naaksidente.]
Si Murvyn kasi eh.. naaksidente.
Si Murvyn kasi eh.. naaksidente.
Si Murvyn kasi eh.. naaksidente.
Si Murvyn kasi eh.. naaksidente.
Si Murvyn kasi eh.. naaksidente.
"A-ano?" Nanginginig na yung buong katawan ko. Napatayo na ako at hindi mapakali. Hindi ko alam kung anong gagawin at sasabihin ko.
[Umuwi ka nalang muna. Sige na, isusugod na namin siya sa ospital] Nag papanic na sagit ni Andrei at bimaba ang tawag.
Sht. What the fck is happening? Tumulo agad ang luha ko. Bakit siya maaksidente? Ano bang problema? May problema ba siya?
"Anong nangyayari, Marielle?" Nag papanic na tanong ni Laurence.
"I need to go home. Kailangan niya ako sa pilipinas."
--
a/n: Next week ulit next update
BINABASA MO ANG
That should be me (COMPLETED)
Teen FictionNaranasan mo na ba mag mahal? Mag mahal ng taong hindi ka mahal. Mag mahal ng taong hindi ka gusto. Naranasan mo ba ba ipagtulakan? Ipinag tutulakan ka palayo sa ibang tao. Yung pinipilit mo ang sarili mo sa taong hindi naman para sayo. Naranasan m...