Kristelle's point of view
Bumaba ako deretso sa kusina, alam ko na yung madadatnan ko. Si Mom, Dad at Kyrie na kumakain.
Pag deretso ko sa kusina naabutan ko sila na kumakain. Diba! Galing ko manghula ^_^.. mali pala.
Pinag lalaruan lang kasi ni Kyrie yung pagkain niya eh. Umupo ako sa tabi niya tapos siniko siya.
"Problema mo?" Maangas kong tanong. Ha! Pa cool ako ngayon! Nakakatuwa kasi siyang inisin eh. Akala mo talaga babae to ang sungit sungit kasi.
"Tss." Ngisi niya sakin. Whoa! Taob ako dun ah? Ngisian baman ako. Tsk. Kelan pa ba yan nag salita? Hmm.. ah! Nung nandito si Mica. Witwiw! Mica talaga to eh halata ko.
"Hey Kyrie! Food is not a toy." Saway sa kanya ni Mom pero parang wala siyang naririnig. "Kyrie!" Sigaw ko. Pero wala nanaman siyang naririnig. Tinutusok niya lang yung pancake na nasa plato niya.
"Any problem, son?" Akala ko makukuha ni Dad yung atensyon niya pero nag kamali ako. Ganon at ganon padin ang ginawa niya.. ay hahaha! I have a briliant idea.
Tumayo ako sa pag kakaupo ko at sumigaw. "MICAAAAAAAAAAA! Pasok ka!!" sigaw ko.
Nag madaling tumayo si Kyrie tapos nag tatakbo sa pintuan. "Mica?!"
"WHAHAHAHAHAHA!!!" Tawa ako ng tawa dito at naka hawak pa ako sa tiyan ko. Wala naman si Mica pero parang nanjan kung umasta! Huli talaga tong si Kyrie eh! Tsk. Tsk.
Bumalik si Kyrie sa upuan na nakasalamukot yung muka pero ako tawa pa din ng tawa.
"Who's Mica?" Napatingin ako kay Dad dahil napatanong agad siya kung sino ang Mica na yon. Who's Mica nga naman? I mean, sa buhay ni Kyrie..
Napatingin ako kay Kyrie. Nakatingin lang siya sakin ng masama. Uh-oh. Tumayo ako dala dala ang bag ko sabay ngumiti sa kanila. "Bye guys! I love you all!!" Sigaw ko sabay takbo palabas.
Nakakatakot naman kasi yung tingin ni Kyrie sakin. Grabe parang lalamunin niya ako ng buhay eh. Geeez! Ano kayang meron sa kanila ni Mica?
--
Pag pasok ko ng school ay narinig ko nanaman ang mga nag chi chismisang mag kakatropa ata. Agang aga naman ng mga to mag chismisan! Siguro ang agahan nila ay chismis. Hindi ba sila nag sasawa sa pangenge elam nila?
Grabe! Ang ganda nung babae! -G1
Maganda nga sis! Masama naman! -G2
Masama? Bakit naman? -G1
Hindi mo ba nakita? May lumandi kasi dun sa Murvyn! Ayun sinampal at pinahiya nung babae. Sama diba? -G2
Hala! Ang sama nga! -G1
Napatingin ako dun sa nag chi-chismisan. Murvyn? Maganda? Masama? Nandito kaya si Marielle?! Hanep talaga yung babaeng yun eh! Sabing aral muna bago landi. Tsk.
Whatever! Nag lakad ako papunta sa room namin at naabutan ko dun na nakaupo si Murvyn, as usual.. with his poker face.
Umupo ako sa tabi niya tsaka nilapag ang bag ko. Nag dadalawang isip ako kung papansinin ko ba siya o hindi. Iniwasan ko nga remember? Bukod dun.. i just realize na, i love him na. Its getting worse! Joke. Ang OA naman ng its getter worse ko. Ah basta! Bahala na. Inhale--
"HI MURVYN!" bati ko. Hihi >_< sana pansinin niya ako. Eh kasi naman, you know. For 1 week ko siyang hindi pinansin mag papaka fc ako. Nahiya tuloy ako bigla. Huhu.
"Okay lang kahit hindi mo ako pan--" naputol ang sinasabi ko nung nag salita agad siya.
"Long time no talk."
BINABASA MO ANG
That should be me (COMPLETED)
Dla nastolatkówNaranasan mo na ba mag mahal? Mag mahal ng taong hindi ka mahal. Mag mahal ng taong hindi ka gusto. Naranasan mo ba ba ipagtulakan? Ipinag tutulakan ka palayo sa ibang tao. Yung pinipilit mo ang sarili mo sa taong hindi naman para sayo. Naranasan m...