TSBM 15: Wala wala

879 24 0
                                    

Kristelle's POV

"Kristelle!"

Napatingin ako sa kanang direksyon at nakita ko si Ally na tumatakbo papalapit sakin. Umupo siya sa tabi ko tapos ininom yung tubig na hawak niya. "Ano, wala si fafabels?" Loko ko. Kumunot yung noo niya sabay tumawa nalang.

"Nakakasawa na kasama eh." Sabi niya sabay sandal sa puno. "Ikaw, yung fafa Giann mo nasan?" Pag balik niya ng tanong sakin. Napa iwas tuloy ako ng tingin sa kanya.

Naalala ko kasi yung title nung kanta, i love you. Kainis. Mukha akong tanga dun eh. Yung parang nag muka akong assuming. Kainis lang talaga. Kaya eto ngayon, kahit nakikita ko ay bigla akong tatakbo. Kunwari nalang na hindi ko siya nakita. Nakaka ilang na nakakahiya parin kasi talaga.

Iniiwasan ko ngayon si Giann, aaminin kong hindi madali kasi nag kasama na kami ng linggo at naging close na din kami. Kahit kakakilala palang namin pakiramdam ko mag kababata kami. Pasalamat nalang ako at kilala siya ni Kyrie. Mahirap din naman kasing wala kang mapag sasabihan sa "boys talk" thingy na yan eh.

"Ayun, iniiwasan ko.." nahihiya kong sabi. Awtomatik na tumaas ang kilay niya at napa irap sakin. "Bakit mo yun ginawa, aber?" Tanong niya sakin. "Ewan."

Hinampas niya ako sa braso ko tsaka tumingin sakin. "Anong ewan ewan jan?" Reklamo niya. Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko kasi alam kung tutulungan ba ako niyan o pag tatawanan lang. Minsan kasi nakakainis mag share dito ng problema eh. Palagi nalang akong pinag tatawanan kung minsan nga mang aasar pa yan eh. -__-

"Sasabihin mo o sasabihin mo?"

"Eh? Nag bigay ka pa ng choices. Wala din namang kwenta."

"Ayaw mong tulungan kita?"

"Tulungan? Lagi mo nga akong tinatawanan at inaasar lang sa problema ko tapos sasabihin mo ngayon tutulungan? Labo mo din!" Reklamo ko.

"Reklamo ka pa diyan eh. Bilis na, tutulungan kita. Promise!"

"Fine."

Napatingin muna ako sa harap ko tsaka tumingin sa kanya. Sasabihin ko na lang kesa naman maipon yan dito.

"Eh kasi kahapon, nag gala kami. Then kumanta siya at tinanong ko yung title nung kanta.." pinutol ko muna yung sinabi ko. Eh kasi naman naiilang padin ako kahit isipin ko lang. Nag muka kasi talaga akong assuming nung araw na yun eh.

"Ano daw title?" Napatingin ako sa kanya na interesado ngang makinig sa walang kwentang dahilan kung bakit umiwas ako kay Giaann.

"Sabi niya lang.. I love you."

Nanlaki ang mata niya at napahampas sakin. "Oh my ghad! Kung ako yan iiwasan ko nga siya." Sabi pa niya habang nakatakip ang bibig.

"Sino ba naman kasi yung hindi maiilang dun eh masyado siyang matipid mag salita." Tumango lang ako sa sinabi niya. True. Kahit sino naman ata pag diniretso yung I love you na word mabibigla. What I mean is, kagaya ng scene namin kahapon.

"Yun nga eh, pero tama lang ba na iwasan ko?" Tanong ko sa kanya. Nag isip pa siya bago bigla siyang humarap sakin.

"To be honest, mas lalo kang nag mukang umasa or assuming." Napaisip ako sa sinabi ni Ally. Bakit naman? Bakit mas lalong nag muka assuming or umasa?

"Bakit?" Tanong ko sa kanya. "Look.. Mas lalo niyang iisipin na umasa ka dahil iniwasan mo siya. For long, hindi mo ba naisip? Na iisipin niyang iniwasan mo siya dahil nainis ka nung sinabi niyang I love you pero title naman pala yun. Diba? Think about it, Kristelle Villela."

Napa isip ako dun sa sinabi ni Ally. Nasabunutan ko yung sarili ko nung ma realize kong mali nga ako at nag muka akong assuming at umasa.

"Anong gagawin ko?" Inis na sabi ko. May pag pout pa ako dito. "Hey! Dont do that." Sabi ni Ally. May naalala tuloy ako dun. Si Giann.  Bakit ba kasi hindi nila ako pinapa pout?

That should be me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon