TSBM 43: The truth

621 17 0
                                    

IMPORTANT AUTHORS NOTE:

MGA BESSY! CHAPTER 43 TO. NEXT CHAPTER MUNA -> I MEAN, YUNG CHAPTER 42 MUNA YUNG BASAHIN NIYO KUNG AYAW NIYONG MALITO NG BONGGANG BONGGA! 😂😂 NAG LOKO ANG MOTHER WATTPAD KO EH. YUN LANG. THANKS ^_^ SORRY NA DIN SA KAGULUHAN😂


Kristelle's POV

One week. Isang linggo na ang lumipas simula nung nag sabi si Ally ng nararamdaman niya. Isang linggo na din kaming hindi mag kaibigan. Napatingin lang ako sa harap ko. Sa mga sasakyang dumadaan. Kasabay ng mga nadaan yung pag patak ng luha ko. Hindi ko alam. Selfish nga ba talaga ako? Selfish nga siguro ako para hindi alamin kung ano ang nanaramdaman ng iba. Ni Ally. Kung sino ba yung totoo niyang mahal. Yung totoo niyang gusto.

"Lets end this friendship."

"Lets end this friendship."

"Lets end this friendship."

Wala na. Wala na yung friendship namin. Bumagsak na naman yung luha sa mga mata ko. Hindi ko na alam yung gagawin ko. Sabado ngayon at wala na akong ginawa mag hapon kundi tumambay sa kwarto ko. Sumilip sa bintana at panoorin ang mga sasakyan na dumadaan palabas ng village na to. Kasabay din non, pag patak ng luha kong nag ka karera sa pagbagsak. Ang sakit pala.

Dati sinabi ko na hindi ako mawawalan ng bestfriend. Sinabi ko dati na magiging masaya kami ni Ally. Pero anong nangyari? Wala na. Ang sakit sakit na. Hindi ko alam kung ano ba ngayon yung gagawin ko. Yung sasabihin ko. Ang sakit pala talaga. Ang sakit mawalan ng kaibigan. Ang sakit mawalan ng best friend. Ng best buddy. Ng other half. Ng best twin sister. Ang sakit sakit, sobra.

OA mang sabihin, basahin o pakinggan pero.. Parang gumuho yung mundo ko nung sinabi niya ang bagay na yon. Parang nawala na lahat. Nawala nalang na parang bula. Bumabalik yung memories naming dalawa. Kung pano kami nag kakilala. Kung pano kami nag kukulitan dati. But that was past, wala ako sa past ngayon. Nasa present ako ngayon. Sana nga maibalik ko yung dati, kung maibabalik ko yung dati.. ibabalik ko yung panahon na mag kaayos pa kami. Tama nga sila,

Friendship break ups is worst than relationship break ups.

Hindi pa naman ako nag kaka boyfriend, pero naranasan ko na ang heartbreak sa lalaking mahal ko. Mas masakit pa to eh. Mas masakit pa yung mawalan ng bestfriend. Ang sakit sakit.

*knocks*

Pinunasan ko agad yung luha ko at inayos ang sarili. Mabilis kong nilagay yung unan sa headboard ng kama ko at sumandal dun.

*knocks*

"Wait, ang gulo ng kwarto ko." Sabi ko tsaka pinunasan ulit yung luha ko. Bagsak siya ng bagsak. Nag madali akong nag indian sit at nag lagay ng unan sa lap ko sabay bukas ng laptop at inilagay sa movie na nakakaiyak. "Come in." Sabi ko at bumukas na yung pintuan.

Napatingin ako saglit at nakita ko si Mom na pumasok sa loob ng kwarto ko. "Anak, mag merienda ka muna. Hindi kana nag breakfast at lunch eh." Sabi ni Mom. Umiling ako at binalik ang tingin ko sa laptop. "Wala akong gana Mom." Sabi ko. Tumabi siya sakin at nag indian sit din siya.

"Spill out your problem."

Sa sinabing yun ni Mom mabilis kong inilapag ang laptop ko sa kama at niyakap ko siya. Niyakap ko siya ng sobrang higpit. "Mom.. ang sakit." Sabi ko. Bumagsak na naman yung luha ko. Niyakap ako ni Mom pabalik at hinaplos haplos ang likod ko.

"Mom, wala na akong bestfriend. Wala na Mom. Wala na." Sabi ko tsaka umiyak na naman. Hinarap ako ni Mom sa kanya tapos pinunasan niya yung luha ko pero wala lang ding kwenta kasi patuloy padi  ang pag bagsak ng luha ko.

That should be me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon