Kristelle's point of view.
Isang linggo na. Isang linggo ng hindi ko masyadong pinapansin si Murvyn. Kahit nga yung report namin tapos na hindi ko pa din siya pinapansin eh.
"Grabe ka ha?" Napatingin ako kay Ally na kausap ko ngayon. Lukot na lukot ang muka niya ngayon at mukang nag iisip pa.
"So.. bakit mo ginagawa yun?" Tanong biya sakin. Binaba ko ang iniinom kong frappe at nag kibit balikat sa kanya.
"Hindi ko din alam eh? Hindi ko alam kung bakit ko siya iniiwasan? Hindi ko nga din alam kung bakit nag kakaganito ako. Kaya nga naisipan kong sabihin sayo dahil baka matulungan mo ako."
Hinigop niya ang frappe na hawak niya at nag salita siya. "Grabe ka! Feeling mo naman kasi girlfriend ka ni Murvyn."
Sinamaan ko siya ng tingin. Anong feeling kong girlfriend ako ni Murvyn? "Ano ka pa miss? Look, umiwas ka simula nung nangyari yung girlfriend thingy ni Murvyn. Anong nangyari sayo? Diba nag muka kang girlfriend niya na pinag taksilan! Oh my ghaaad Kristelle! Crush mo lang yun! Anong karapatan mong pag selosan ng bongga ang ganong bagay?!"
Muka akong anak na gumawa ng kasalanan kaya pinapagalitan ako ng nanay ko. Pero oo nga noh? May point naman siya. Bakit nga ba kasi ganito ako?
Bakit ako nag seselos ng bongga to the point na iniwasan ko pa talaga siya? Eh crush ko lang naman kasi talaga siya. Wala ng more than more than.
"Oo nga no? Bakit ba kasi ang OA ko minsan?" Inis kong sabi. "Yep. Just confirm it!"
"Anong confirm it?" Kunot noo kong tanong.
"I mean, alalim mo kung bakit ka ganyan."
"Okay? I'll try."
Hanggang hapon, nag kwentuhan lang kami ni Ally. Hanggang sa naisipan na naming umuwi.
Pag kauwi ko ng bahay ay humilata ako sa salas. Pakiramdam ko sobrang pagod na pagod ako. Pinikit ko ang mata ko. Nakakapagod!
"HOOOOY PANGEEEEET!!"
Napabangon ako sa pagkaka hilata ko nung sumigaw tong kapatid ko. Kainis talaga to sarap netong suntukin sa lalamunan niya eh. Sana mapaos siya! Whahahahaha! Peace Kyrie, bagay sayo yun para hindi kana maka sigaw.
"Kyrie! Bakit ka sumisigaw?!" Inis na tanong sa kanya ni Mommy Lyn. Natawa tuloy ako. Buti nga sa kanya.
"Pag nagising talaga and Daddy Gino mo nako! Pagod na pagod yun sa trabaho sinasabi ko sayo Kyrie!" Bunganga ni Mom sa kanya.
Napa simangot tuloy si Kyrie. Hahaha! Buti nga sa kanya. Kasalanan niya yan. Over naman kasi sumigaw to the maximum level!
Umalis na si mom tapos lumapit naman ako kay Kyrie. "Ano bang problema mo?" Inis kong tanong sa kanya.
"Hindi mo ba nariring yung nag do-door bell? Istorbo eh! Kanina pa yun!"
"Anong kanina pa? Kakapasok ko lang ng bahay oh! Kakahilata ko palang tapos bigla ka agad sumigaw. Duhh!" Arte ko sa kanya.
Nginisian niya lang ako at aakyat na sana siya nung may sumigaw dahilan para mapahinto siya sa pag akyat sa hagdan.
"Hello ate Kristelle!" Napatingin ako sa nag salita. Si Mica pala.
Lumapit ako sa kanya. "Hi Mica! Sorry, ikaw pala yung nag door bell. Kanina ka pa ba?" Tanong ko.
Umiling iling siya tapos nag salita na ulit. "Nope ate." Sagot niya. "Btw, pano mo nalaman na eto yung bahay namin?" Tanong ko sa kanya.
"Kuya Murvyn told me this is your house."
Napakunot ang noo ko sa sagot niya. Kuya Murvyn told me this is your house. What? Pano naman niya nalaman na eto yung bahay namin? Hindi ko nga yun ka close eh. Isa pa, iniwasan ko na siya for 1 week. So panong nalaman niyang bahay namin to?
BINABASA MO ANG
That should be me (COMPLETED)
Teen FictionNaranasan mo na ba mag mahal? Mag mahal ng taong hindi ka mahal. Mag mahal ng taong hindi ka gusto. Naranasan mo ba ba ipagtulakan? Ipinag tutulakan ka palayo sa ibang tao. Yung pinipilit mo ang sarili mo sa taong hindi naman para sayo. Naranasan m...