Kristelle's POV.
Kinabukasan, pag pasok ko sa school nainis ako sa narinig ko. Wala daw kasing klase mag hapon dahil busy ang teacher para sa math and science camp.
Masaya kaya ang math and science camp. Officers lang ang pedeng sumali dun and swerte ko lang, kasali kasi ako! Yes-O officers, Math officers, and science officers.
Balik tayo sa reality, nasa likod kami ng building ni Ally. Kasama ko na naman siya, infairness eh! Ang hirap kaya humanap ng timing para makasama to si Ally.
"So, bakit nga iniiwan mo ako lagi?" Inis kong tanong sa kanya. Napabuntong hininga siya tapos inirapan ako.
"Eh kasi nga, you know. Some fafabels are asking me to be friends with him. Damn! He's so cute kaya."
Napairap din ako sa walang kwentang ginagawa niya. Gwapo lang, pano kung manloloko? Hindi niya ba naisip yon.
"Nung una talaga, ayaw kong sumama sa kanya. Remember yung lagi nating sinasabi? Sa panahon ngayon kahit gwapo, manloloko." Nag simula na siya sa pag kwento at yun na nga.
Andrei yung pangalan nung fafabels na sinasabi niya. Andrei Garcia. Nung una nga daw ayaw kausapin ni Ally pero habang nag tatagal daw nalaman niya na mabait naman to.
"Allison!"
Napatingin ako sa lalaking tumawag sa kanya. OH MY G! Napaka gwapo naman ng lalaking to. Pero, mas gwapo pa din si Murvyn! Mwahahahahaha!
Allison? So Allison yung tawag neto kay Ally? Siguro eto si Andrei. Napatingin ako kay Ally na siniko ako ngayon. "Gora na akez ha? May date ang donya mo!"
Sabi niya sabay takbo papunta kay Andrei at umalis na sila. Grabe si Ally! Iba na nga yung language na ginamit iniwan pa agad ako.
Hays! Napaupo ako dito sa ilalim ng puno at napasandal. Itutulog ko nalang to. Ang sarap naman kasi matulog dito. Walang tao, ako lang. Malilom nga eh.. at masarap yung hangin. Hanging probinsya ba! Yung ang fresh talaga.
Pumikit ako at nilasap yung hangin.. hanggang sa..
"AAAAHHHHHHH!"
Nagulat ako sa nakita ko nung mag mulat yung mata ko. Bakit nandito si Giann? Anong ginagawa niya dito?
"Hahahahaha!" Tignan mo yun. Tawanan daw ba ako? Sapakin ko kaya to sa fallopian tube niya? -__-
"Bakit ka kasi nandito?" Inis kong tanong sa kanya. "Wala, kain tayo?" Inayos ko yung paningin ko at napalunok.. shet. Why so hot Giann? Uy hindi ko siya crush pero..
Hawak niya kasi ang vest niya. Wala sa katawan niya. Hindi niya suot tapos ang ayos ng buhok niya. Yung blous niya pa. Bukas yung dalawang butones. Kita tuloy yung dibdib niya.
"Ay! Sorry pala sa suot ko ha? Ang init kasi." Sabi niya. Siguro nahalata niyang nakatingin ako sa suot niya. Bakit kasi ganyan yung suot niya ngayon? -- ay tanga lang Kristelle? Mainit nga daw diba?
"Ah-eh? Okay lang.. hehe." Weird kong sagot sa kanya tapos umalis na kami dun sa pinag tatayuan namin kanina.
Dinala kami nung paa namin sa canteen. Pag pasok ko ng canteen, yung muka ko? Mukang nalugi sa kompanya na pinagawa ko.
Pano ba naman kasi, ang daming tao sa canteen. Ang haba nung pila tapos gutom na ako.
"Labas nalang tayo." Suggest ni Giann. "Okay lang sayo?" Tanong ko. "Oo! Tara bilis." Sabi ko at hinila siya.
Nung makarating na kami sa gate hinarang kami ng guard. Mag gi give up na sana ako pero kinausap ni Giann yung guard tapos pinakita yung I.D niya.
BINABASA MO ANG
That should be me (COMPLETED)
Teen FictionNaranasan mo na ba mag mahal? Mag mahal ng taong hindi ka mahal. Mag mahal ng taong hindi ka gusto. Naranasan mo ba ba ipagtulakan? Ipinag tutulakan ka palayo sa ibang tao. Yung pinipilit mo ang sarili mo sa taong hindi naman para sayo. Naranasan m...