Kristelle's point of view.
Masayang masaya kong hinila si Giann papunta sa roller coaster. Hindi ko siya sinasakyan dahil natatakot ako palagi. Ewan ko kung san ako humugot ng lakas ng loob na makasakay dito. Siguro nga kumportable lang talaga ako na nasa tabi ko si Giann.
Nakapila kami ngayon at ngumiti lang ako sa kanya. Nasa harap niya ako tapos siya nasa likod ko. Habang papalapit kami ng papalapit kinakabahan na ako. Seryoso? Ngayon pa ako nakaramdam ng kabang to?
"Hi, Im Ynna. And you are?" Napatingin ako sa nasa likod ni Giann. Tss. Pacute siya! Hello? Nililigawan here!
"Im Giann." Tipid na sabi ni Giann pero ngumiti. Tsk. May gana pa siyang makipag flirt? Psh! So ano naman ako dito ha? Hangin? Ganon? Bahala kayo jan! Mag landian kayo hanggat gusto niyo! -___-
"Actually, mag isa lang ako. Ikaw din ba?" Tanong nung Ynna na yon. "Want to join with me? Sabay tayong sumakay sa rides." Alok niya pa. Bahala sila jan! Nako subukan lang pumayag ni Giann -__- uuwi ako mag isa.
"May kasama ako eh." Sabi ni Giann tsaka tumalikod na dun sa Ynna. Nung kami na yung sasakay iniwan ko siya at sumakay na. Bigla akong kinabahan nung papuno na kami. "Bakit moko iniwan?" Napatingin ako kay Giann na umupo sa tabi ko. "Busy ka pa dun sa Ynna diba? Tsk." Sabi ko tsaka nag pakabit ng kung ano anong safety.
Nakita ko siyang tumawa. "Oh bakit ka tumatawa?!" Inis kong sabi. Umiling lang siya. Tapos bigla akong napakapit sa kanya nung umandar na yung rides. "Giann--AHHHHHHHHHH!!" Napasigaw ako nung biglang bumilis yung ride. Tapos siya chill lang. "AYOKO NAAAAAAA! AHHHHHHH~" Hinawakan niya bigla yung kamay ko. "Shhhh!" Sabi niya. Hindi ko alam pero naging kumportable ako sa kanya. May pag irit pa ako pero nag enjoy din naman ako.
Nung makababa na kami ay nag lakad lakad na kami at nag hanap hanap ako ng sunod na rides na pede naming sakyan. "Hindi kana galit?" Tanong ni Giann sakin. "Hindi naman ako galit. Nainis lang ako." Sabi ko. "Pero okay na, pasalamat ka pogi ka." Sabi ko then I chuckled.
"Suus! O sige. Sa anchors away naman tayo." Suggestion niya. Napatingin ako sa destination kung san nandun yung Anchors away. Seriously? Kinabahan tuloy ako bigla. Eh pano naman kasi parang tinataklasik yung mga tao dun eh. Walang seat belt dun! Kakapit lang ng super duper!
"Ayaw ko dun. Baka malag laga ako dun eh." Sabi ko sa kanya tsaka lumingon sa iba pang rides. "Hindi yan, basta kumapit ka lang." Sabi niya at hinila ako papunta sa pila. "Ehhhhhh! Giann~ ayaw ko nga diyan sabi eh. Tara na!!" Aalis na sana ako pero may mga grupo nung lalaki na biglang nag pilahan sa pwesto namin. "Excuse me." Excuse ko at hinila si Giann pero hinila niya ako pabalik.
"Talaga bang yan yung role mo?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Anong role?" Tanong ko naman sa kanya. "Ipilit ang sarili mo kahit alam mong sa huli, ikaw pa din ang masasaktan." Natahimik ako sa sinabi niya. "Biro lang! O siya, dito na. Okay?" Sabi niya then I smiled. Wala muna sakin yon, kailangan kong i enjoy ang gabing ito.
"Okay. Sige tara!" Hyper kong sabi. Pag dating namin dun ay umupo ako sa pinaka unahan pero sabi ni Giann dun daw kami sa pinaka dulo para masaya. "Sigurado kaba, Giann? Eh ayaw ko dito! Dun nalang tayo sa unahan!" Sabi ko pero hindi na ako nakapunta dun kasi nandun na yung mga group of boys na nasa likod lang namin kanina.
Maya maya palang nag start na yung ride namin and it was fun. Medyo masaya pa siya. Not unlesss now, sobrang higpit ng kapit ko dahil sa naka standing position na ako whenever it is swaying up. Napatingin ako kay Giann na naka smirk ngayon and mumbled something.
"Psh. Walang nakakatakot dito." Bored niyang sabi. "Whaaaaaaa! GIAAAAAAAAN! AYOKOOOOO NAAAAAAAA!" Napasigaw nalang ako. Wala na akong pake. Nag sisigawan din naman yung mga katabi namin tsaka yung mga nasa harap namin.
BINABASA MO ANG
That should be me (COMPLETED)
Teen FictionNaranasan mo na ba mag mahal? Mag mahal ng taong hindi ka mahal. Mag mahal ng taong hindi ka gusto. Naranasan mo ba ba ipagtulakan? Ipinag tutulakan ka palayo sa ibang tao. Yung pinipilit mo ang sarili mo sa taong hindi naman para sayo. Naranasan m...