TSBM 58: Is this the end?

531 8 0
                                    

Kristelle's point of view.

Nakatingin ako kay Kyrie ngayon. Nasa salas siya at ako naman ay nasa kusina. Nakaka miss din pala siyang panget siya. Pero bakit ganon? Sa kabila ng pagiging mag kapatid namin, nagawa padin niya akong lokohin? Hindi ko naman pinake-alaman yung buhay pag ibig niya ah?

"Bakit hindi mo pa siya kausapin?" Nabaling ang tingin ko kay Nanay. Tapos kay Kyrie na busy sa pagkalikot sa laptop at naka palsak pa ang headset niya. "Isang linggo na din yun." Dag dag pa ni Nanay.

Oo nga, isang linggo na kaming iniwan ni Mom and Dad. Sabi business trip daw pero alam kong nag bakasyon lang sila para pag batiin kami ni Kyrie. Alam na nila ang nangyari samin. Ang alam ko nga kinausap pa ni Mom and Dad si Kyrie.

"Pero sa isang linggo din na yun nanay, palagi nalang akong pumupunta sa ospital. Iniiwasan ko siya." Tinap lang niya ang likod ko at pinag patuloy ang gagawin. Tumayo na din ako at tumaas pero bago pa ako tumaas ay may nag salita na.

"Panget." Nanlambot ako bigla. Na miss ko yun. Na miss ko yung pag tawag niya sakin ng panget. Sa sobrang pag ka miss ko sa kanya naatakbo nalang ako sa kanya at binigyan siya ng mahigpit na yakap. "I miss you, panget na bakla."

"M-miss me?" Gulat niyang sabi. Halata naman kasi. Hindi siya kumibo nung niyakap ko siya. "Yes. Sorry about what happened." Sabi ko but he rejected me. "No." Akala ko siya pa ang galit sakin pero sinabi niya na yung dahilan niya. Hindi pa din naman tama yung ginawa niya. Pero bilang kapatid niya kailangan ko padin siyang patawarin.

"So, bumisita muna kaya tayo?"

"Hindi. Mag gala muna tayo. Isang linggo na din akong paulit ulit pumupunta dun eh."

Nag tatalo kami ngayon ni Kyrie dito sa loob ng kotse niya. Mag papasukan na after 3 days pero hindi pa ako ready. Hindi pa kami ready. Hindi kami sanay ng wala si Murvyn. Ang dami ng bumibisita sa kanya. Yung mga tropa niya. Yung iba din naming mga ka klase. Hindi pa din tinatanggal yung mga machines na naka kabit sa kanya. Ang hirap naman kasi ng sitwasyon nilang yun.

Mawawala na ng tuluyan si Murvyn pag inalis sa kanya ang mga bagay na yon. Yun nalang yung bumubuhay sa kanya ngayon. Pero hindi naman siya namulat. Basta, nakakapanghinayang.

"Sige, gagala muna tayo. Pero saglit lang. Okay?" Tignan mo to. Para na namang kuya ko mag salita. Mas marunong pa daw ba sa ate niya? "Sinong ate mo?" Confident kong sabi. "Ikaw, but youre not matured enough. Youre like a 10 years old kid who wants to have fun." Inirapan ko nalang siya sa sagot niya sakin. What the? Ganyan ba talaga ang nangyari kay Kyrie after naming mag away?

Bigla ko tuloy naalala yung buhay pag ibig niya. Kamusta naman kaya ang love life niya? Maybe nasa 'friendzone' stage padin siya. Pero bahala na siya. Kahit san siya masaya dun na din ako. Ayaw kong pakealaman ang buhay niya. Baka mamaya ako pa ang sisiahin niya in case na mag kamali ang turo ko sa kanya. Isa pa, hindi mo naman mapag sasabihan yan eh. Ang gusto niya ay gusto niya at ang ayaw niya ay ayaw niya.

Mabilis lang naman natapos ang pag gala namin ni Kyrie. Actually nag window shopping lang kami at kumain sa mga bagong bukas na restautants dito. Nag try din kami ng kung ano anong game sa Timezone. Nanuod din kami ng movie at kung ano ano pang ginawa dito sa mall.

"So, this ends. Dumeretso na tayo sa ospital." Wala na akong magagawa kundi ang umoo. Bakit ba ayaw ko? Ayaw ko din kasing makita si Murvyn ng ganon ang sitwasyon. Hindi ko na talaga alam sa sarili ko kung anong nangyayari. Kung bakit ba ako nag kakaganito. Hindi naman ako ganito dati eh.

"Now, let me ask you a question. Mahal mo pa din ba si Murvyn?" Awtomatikong nanlaki ang mata ko sa tinanong ni Kyrie. What? Mahal ko si Murvyn? Hindi ba dapat Giann ang binabanggit niyang pangalan?

"Come on. Be your self." Pag pilit sakin ni Giann. Sasagot na sana ako nung biglang nag ring ang phone niya. Na ka connect naman sa kotse niya kaya medyo safe na din.

"Hello Mica? Bakit ka napatawag?" Bungad agad ni Kyrie dahilan para sundutin ko ng bahagya ang tagiliran niya. Kiligin daw ba eh. I mean, hindi pala. Kay Chloe nga eh, diba? >.< Gaya gaya kasi! Kung sino yung minamahal ko yung kapatid naman nung mahal ko yung minamahal niya. Funny? Aish. Basta.

[Hello, nanjan ba si ate Kris--]

"Mica, Im here!" Sigaw ko at di na pinatapos ang sasabihin niya.

[Ate, can you please visit here? I have something to tell you. Kumpleto ang barkada niyo dito. Ikaw nalang ang kulang]

"All about what, Mica?" Tanong ko sa kanya. Medyo kinakabahan na din ako dahil yung boses niya parang galing sa iyak.

[Just go here, ate.] Binaba niya na ang tawag sa kabilang linya kaya kinabahan na talaga ako. Whats happening?

"Kyrie pede bang bilisan mo pa?" Pakiusap ko sa kanya. Maluwag naman ang kalsada kaya okay lang. Binilisan na ni Kyrie pero parang ang bagal bagal pa din ng biyahe. "Kyrie.. come on. Make it fast." Pag mamadali ko.

"Easy. Ano bang meron? Bakit parang ang OA mo naman? Diba nga coma--" hindi natapos ang pag sasalita niya dahil nag salita na ako.

"No. Machines na lang ang bumubuhay kay Murvyn." Direct to the point kong sabi. Muka namang nagulat siya sa sinabi ko kaya hindi na siya nakapag salita at binilisan nalang ang pag mamaneho.

Mabilis na kaming nakarating sa hospital kung san naka confine si Murvyn at mabilis kaming nakadating sa room niya. Nakita kong naka palibot ang lahat sa kamang hinihigaan ni Murvyn at nag iiyakan pa ang iba.

Naagaw namin ang atensyon nilang lahat. Tumakbo sakin papalapit ang buong tropa kasama si Mica. "Good thing youre here." Sabi ni Marielle. "Anong nangyayari?" Mabilis kong tanong.

Sinabayan naman nila ako sa pag lalakad papunta sa kamang hinihigaan ni Murvyn. Si Ally at Marielle kasabay kong mag lakad. Si Andrei at Mica naman ay kinausap si Kyrie. Nakita ko din si Giann pero kasama siya ni Kyrie.  Dahan dahan akong nag lakad papunta sa kamang hinihigaan ni Murvyn.

Shit. Totoo ba tong nakikita ko? Nanlambot ako sa mga nakita ko at nanginginig pa ako. Tahimik lahat sa paligid ng makarating ako sa tabi ni Murvyn. Unti unti nalang bumagsak ang luha ko sa mga nakita ko.

Murvyn.. 

That should be me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon