TSBM 45: Sorry

548 18 1
                                    

Kristelle's POV.

Nakatingin lang ako kay Giann ngayon habang nag so solve siya nung Math problem. Yun yung math problem na hindi ko maintindihan.

"Eto na, i minus mo yung sagot dito sa given number. Tapos yung sagot niya i divide mo sa LCD nitong isa pang given number." Sabi niya sakin. Ginawa ko naman yung inutos niya.

"Hmmm, okay na ba?" Tanong ko sa kanya at pinakita yung sagot ko. "Oo, malinaw naba? Gusto mo bigyan pa kita ng example?" Paninigurado niya. Umiling lang ako. Na gets ko na. Dun lang naman sa bandang divide yung kailangan ko eh.

Kailangan ko lang talagang intindihin. Periodical exams na kasi namin sa Thursday to Friday. Haler! Hindi pedeng pa bara bara lang ako. Kailangan ko ng mag aral ng mabuti. 3rd Grading na oh. Baka mamaya hindi pa ako makasama sa top 10 T^T

"Salamat." Sabi ko tapos tumango lang siya. Tumingin tingin ako sa paligid. "Ano bang sabi ni Ally?" Tanong sakin ni Giann. "Wala na siyang sinabing iba eh. Basta hintayin daw natin siya dito para daw sabay sabay na tayo mag lunch." Sabi ko tapos tumango naman siya.

Since ang tagal nila inayos ko muna yung gamit ko. Nilagay ko yung ginamit namin sa bag ko. Tapos ay tumingin lang kay Giann. Nakatutok siya ngayon sa phone niya habang nakasandal sa bench na pinag uupuan namin.

Masarap din pala tumambay dito, malilom kasi katabi lang ng puno. Bumaling ulit yung tingin ko kay Giann. Hays. Im starting to love you Giann. Hindi ka mahirap mahalin. Madali ka lang mahalin.

Siguro nga masyado akong nabulag kay Murvyn. Pero nanjan ka naman, bakit hindi pa ikaw agad? Pero ayos na yun, basta ang importante.. unti unti na kitang mina mahal. One of a kind si Giann. Siya yung tipong hindi nagagalit sa isang mababaw na rason lang. Iintindihin niya ying side mo. Papakinggan yung eksplanasyon mo kahit wala ka namang pwesto sa buhay niya. Hindi niya rin kayang saktan yung mga babae ng basta basta. Ni rereject niya yung mga girls in a proper way.

"Kuhanan mo nalang kaya ako ng picture." Napaiwas bigla yung tingin ko nung sinabi yun sakin ni Giann. Minsan talaga may pag ka loko loko yo eh. "Hindi ah! Aish-- oo na nga sige na. Gwapo kana, okay?" Sabi ko tsaka umirap ng nag bibiro. "Pssst! Tama na muna yang lambingan ha?"

Napatingin kami pareho ni Giann sa kaliwang direksyon namin nung nakita kong nag salita si Ally. Nagulat pa ako eh. Guess what? Ally with her half sister. Hindi halatang mag kapatid sila -__- eh kasi naman ang sungit sungit ni Marielle.

"Tsong! Hindi naman kami nag lalambingan eh. Diba Giann?" Sabi ko at sinenyasan siya na sabihin ang totoo. "Ako lang naman kasi nag lalambing dito eh. Hindi naman si Kristelle." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Giann. "Ano ba yan Giann?!" Sabi ko tapos tumawa lang siya. "Joke! Oo hindi ah. Nag aasaran lang naman kami eh." Sabi niya sabay kindat sakin. Whaaaa! Ang pugiii niya puuh! God, tulungan niyo akong wag mag padala sa tukso. >_< Ayyy! Tukso talaga agad?

"O siya, lunch na tayo?" Tanong ni Ally. Nag katinginan kami ni Giann tapos napatingin kami kay Marielle. Parang iisa lang ang iniisip namin. 'Bakit niya kasama si Marielle?' Yan siguro ang nasa utak namin.

"Siguro, kumain muna tayo bago ko na sabihin sa inyo. Okay?" Sabi ni Ally na para bang alam na alam kung ano yung sinasabi namin. Tumayo na kami ni Giann tapos nag lakad lakad na papunta sa malapit na kainan sa school. Makakalabas kami. Remember? Kasama namin si Giann oh. ^_^

"Ouch!" Napakapit agad ako kay Giann na katabi ko lang. Eh kasi naman nasipa ko yung bato sa harap ko. Feel ko tuloy nag dudugo na yung daliri ko sa paa. Ang sakit niya talaga. Napatingin silang lahat sakin.

"Anong nangyari?" Tanong ni Ally. "Bakit?" Naguguluhang tanong ni Marielle. Tss. Siya ba talaga to? Naninibago ako eh. "Okay ka lang, prinsesa ko?" Napatingin ako kay Giann at napalunok. Siguro lahat ng dugo sa katawan ko ay napadpad na sa pisnge ko. Ngayon na lang! Ngayon nalang ulit niya ako tinawag na prinsesa niya! Ihhhhh >///////< Lord sino po bang nilalang ang sumapi ngayon kay Giann? Kanina niya pa ako pinamumula eh.

That should be me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon