TSBM 2: Holding hands

2.2K 34 7
                                    

Kristelle's POV

Umuwi ako ng bahay pag katapos ng stress sa school. Kahit papa-ano naman ay nabawasan yun. Lalo na at katabi ko yung crush ko. Hihi. Murvyn, mapapansin mo din ako.

Pag pasok ko ng bahay ay sinalubong agad ako ng kapatid ko. Si Kyrie. Matanda lang ako sa kanya ng 1 taon pero kung umasta tong kapatid ko ay mas matanda pa sakin.

"Bakit ngayon ka lang?" Seryosong tanong niya sakin. Napatingin ako sa orasan na nasa kamay ko.

"Anong ngayon lang? Ang aga pa kaya!" Reklamo ko sa kanya para bigyan niya ako ng masamang tingin.

"Ewan ko sayo, kumain kana don."

Hindi ko siya sinunod at tumaas agad ako ng kwarto. Nag bihis ako tsaka nahiga sa kama ko. Gumulong gulong pa ako dahil sa mga pangyayari kanina.

Kissing position+Seatmate+Report= Jackpot!

Nakaka kilig lang tala pag inaalala ko ang mga yun. Pakiramdam ko ay nanalo ako sa lotto! ^_^

Kinuha ko ang laptop ko at binuksan ang facebook account ko. Ilang araw ko na din tong hindi nabubuksan.

Binuksan ko ang mga facebook notification ko. Hmp! Wala namang kwenta. Nag out ulit ako at gumulong gulong na naman sa kama ko.

"Aggggghhhh!" Muka akong tanga dito na sumisigaw habang may takip na unan sa muka.

Inalis ko ang unan ko at napasigaw ng tuluyan nung makita ko si Kyrie na naka sandal sa pintuan ko at nakapamulsa pa using his poker face.

"Bakit kaba kasi bigla bigla nasulpot?!"

"At bakit muka kang ewan jan na pagulong gulong?"

"Pake alam mo ba?"

"Bumaba kana dun. Hinahanap ka ni Dad."

Pag katapos niya mag salita ay bumaba na siya. Tignan mo yun si Kyrie! Kung umasta akala mo kuya ko -__- ate niya pa din ako. Nakakainis kaya!

Bumaba ako dun at dumeretso kung nasan man si Dad. "Yes Dad?" Bungad ko sa kanya.

"Ah, Kristelle. Pede bang mag grocery ka muna? Masama kasi ang pakiramdam ni Manang. Pede ba?"

Inabot sakin ni Dad ang pera at ang listahan ng bibilhin. Pumayag naman ako at sumakay ako sa taxi.

**

Ang lamig pala dito sa grocery! Pero para makaalis na ako ay binilisan ko na ang pag hahanap ng mga grocery na pamimilhin. Hindi ko din maintindihan kung bakit hindi pa pinasama sakin si Kyrie. Para sana may taga buhat ako.

Habang namimili ako at tulak tulak ang cart ko ay nakatingin ako sa mga paninda nung..  boogsh!

Aray.. ano ba yan, ang epic. Nabunggo ako sa.. nanlaki ang mata ko dahil naka kalat yung mga hawak niya.

Pinulot ko agad ang mga yon tsaka nag sorry. Napatingin sakin yung babae. Nagulat ako at kinabahan dahil tinaasan niya ako ng kilay.

"Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan?" Masungit niyang tanong. Napalunok ako at mag sasalita na sana pero nag salita na ulit siya.

"Oo nga pala hindi, kasi kung natingin ka.. hindi mo mababangga ang maganda kong katawan." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

Magandang katawan? Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Okay lang naman yung katawan niya to the point na magiging baboy na siya. Okay lang din naman yung muka niya to the point na pede na siyang maging clown. Okay lang. Okay lang talaga.

"Sorry." Sabi ko at umalis na. Baka hindi pa ako makapag pigil ng pag tawa sa mga KATOTOHANANG sinabi niya. Teka, bakit ba ako ganito? Im being too sarcasm.

That should be me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon