Authors note:
Hello! Itutuloy ko lang yung kwento nila Mica tsaka nila Kyrie. Hanggang chapter 12. Sana okay lang sa inyo. Mwa! Thank you na din! 😘💕
--
Kyrie's POV
Nag lalakad ako papunta sa court. I babasketball ko nalang to. Tsk. Bwisit kasi yung Matthew na yun. Tropa ko pa man din. Tss.
Kinuha ko yung bola tapos nag shoot ako. Sakto pasok! Pero habang naiisip ko si Mica tsaka si Matthew na tatanga ako. Hindi napasok yung bola sa ring. Tumatama lang tapos bumabalik sakin.
Paulit ulit lang ako. Shoot. Rebound. Shoot. Habol. Rebound. Hanggang sa pumunta yung bola dun sa nakaupong babae na nag babasa ng libro. Hindi ko nakita yung muka niya kasi nakatakip ng libro.
Hinabol ko yung bola tapos nagulat ako kasi tumayo tong babaeng to tsaka shinoot yung bola sa ring. Pasok.
"Ikaw?" Tanong ko. Napatingin siya sakin at napangiti. "Oo, hindi ba halata?" Inis niyang sabi. Cool.
"Hoy mag ingat ka minsan ha! Bwisit neto! Inabala ako!" Sabi niya sabay umalis.
Since wala na naman kaming gagawin sa school ay umuwi na ako sa bahay. Dumeretso akong kwarto at bababa na sana ako pero nakita ko si ate na umiiyak. Shit. Anong kalokohan na naman to?
Dumeretso ako sa kwarto niya, "hoy panget!" Loko ko sa kanya. Hindi siya humaharap sakin at pinunasan yung muka niya sabay tumawa.
"Hahahahahaha! Grabe nakakatawa tong pinapanuod ko, panuorin mo! Hahahahaha."
Tsk. She's not good at lying.
"Mag sisinungaling ka pa, kanina pa ako dito." Sabi ko tapos umupo ako sa kama niya. "Spill it." Utos ko sa kanya. Kung maayos yung mood neto ngayon, malamang maiinis pa yan at mag rereklamo.
"Eh kasi naman.." pinakinggan ko siya kahit hindi niya masabi yung gusto niyang sabihin.
"May mahal ako." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at nainis. "May mahal ka? Ibig sabihin, may boyfriend ka? Bakit hindi mo sinabi sakin?!" Naiinis na ako. Ayaw ko sa lahat mag karon siya ng boyfriend. Pakiramdam ko kasi mawawalan na ako ng lugar sa kanya. Madrama oo, pero ayaw ko kasi sa lahat yung nawawalan ng oras sa pamilya.
Hinampas niya ako. "Hindi! So kung mahal mo si Mica, kayo na? Walang kayo diba?" Napahinto ako sa sinabi niya.
Tangina! Oo na. Kami na yung wala. Walang kami ni Mica. Ako lang yung nag mamahal samin, tss. Kung bakit naman kasi si Matthew pa yung nagustuhan. Shit!
Napailing ako tapos sinamaan siya ng tingin. "Hindi ko siya minahal. Hindi ko siya mahal, at mas lalong hindi ko siya mamahalin." Pag sisinungaling ko.
"Mahal? Kaya pala--" hindi ko siya pinatapos ng pag sasalita dahil inamin ko na din sa kanya. "Oo, mahal ko siya! Mahal na mahal! Tangina lang. Na torpe ako" Pag amin ko.
"Tsk. Habang maaga pa kasi, aminin na natin. Ayan tuloy, nauunahan tayo ng iba." Nakuha ko yung sinabi niya. Ibig sabihin, yung mahal niya.. nakuha na din ng iba.
Tumawa siya tapos tumingin sakin. "Mag kapatid nga tayo, parehas mag kapatid yung minahal natin." Sabi niya tapos umalis na.
What? Ibig sabihin, kapatid ni Mica yung mahal niya? What the actual fuck. Sa damu ng pede niyang mahalin yung lalaki pang yun? Yung dahilan kung bakit natakot akong mag confess, kung bakit natakot akong umamin kay Mica na mahal ko siya dahil alam kong bawal.
"KYRIEEEEE!!!" Napatayo ako sa sigaw ni ate. Tsk. Ingay talaga ng bunganga nun eh. Sarap isalampak yung hawak mo.
Bumaba ako tapos nakita ko siyang nakangiti tapos nakita ko din si Giann na nakaupo sa sofa namin. Nag tatakbo ako pababa tapos umupo sa tabi ni Giann tsaka siya siniko.
"Bro!" Bati niya sakin tapos ginawa namin yung apir namin. "Kamusta?" Tanong ko.
"Okay lang, torpe pa din."
"Torpe? Hahahaha!"
"Parang hindi ka torpe ha!"
"Eh ikaw naman kasi, may pag-asa..? May pag asa ka pa ba?"
"Wala, may ibang mahal eh."
Napatango ako. May iba nga palang mahal si A-- ooops! Tsaka ko na sasabihin yung pangalan. Secret muna sa ngayon.
"Nakausap ko din eh, may iba nga daw." Sabi ko. Napatingin kami kay ate na lumapit samin. "Hoy anong torpe yung pinag uusapan niyo? Tsaka ibang mahal?" Tanong niya tapos umupo tsaka ngumuya nung hawak niyang chips.
Nag katinginan kami ni Giann. "Wala." Sabay na sabi namin. "Ahhhhh. Oo nga pala Giann, pakilala mo naman si--" naputol yung sinabi ni ate nung may tumikhim sa likod niya.
Napatingin ako sa kanya at nagulat ako. "IKAW?!" parehas na sigae namin. Tsk. Sa dami pa ng makikita ko, siya pa. Kainis kaya tong babaeng to. -__-
Siya yung babaeng nabunggo ko sa mall. Yang amazona na yan. Tsk. "Bakit nandito ka Mr. Sungit?!" Tanong niya. Stupid. Malamang bahay ko to.
"Hindi ba obvious? Its our house. You, why youre here?!" Inis kong tanong. "Ahhhh. Bahay mo pala to? Ah eh--" tinuro niya si Giann tapos napatingin ako kay Giann at kay Ate.
Nakatingin lang sila saming dalawa. "Ah eh, Mag kakilaa kayo?" Tanong ni Giann. "Oo nga noh? Astig. Pero bakit, Mr. Sungit?" Tanong naman ni ate. Psh. Ewan ko din sa babaeng to.
"Hindi ba halata ate Kristelle? Eh ang sungit sungit niyang kapatid mo! Buti nalang kami ng kuya ko hindi masungit. Diba kuya?"
"Oo naman." -Giann.
"Mag kapatid kayo?" Tanong ko. "Hindi ba halata?" Sabi ni amazona. "Hindi. Mabait si Giann, Amazona ka." Tumawa si Giann tsaka si ate matapos kong sabihin na amazona tong nasa harap ko.
"Ahm! Kyrie, meet Chloe. Chloe, this is Kyrie." Pag papakilala ni ate sa isat isa. Ngumisi lang ako tapos umakyat na.
Wala akong pake sa pangalan niya. Nakakainis yan. Ang amazona. Bukod dun, sabihan daw ba akong busted at naafawan ng tropa?
Aminado naman ako eh, pero kailangan bang isampal sa muka ko? Shit. Sobra na ata.
"Kyrie!" Tinawag ako ni ate pero hindi ko siya nilingon. Tinaas ko lang yung kamay ko, tapos umakyat na.
Hindi pa ako tuluyang nakakataaas, nag salita na agad si Amazona. Alam ko yung pangalan niya pero hindi bagay sa kanya.
"Hayaan mo na ate, inagawan ng tropa kaya ganyan." Shit. Sinampal niya nanaman sa muka kong inagawan ako ng tropa. Alam niya ba? Hindi niya naman alam na inagawan ako ha?
Tsk, malalaman ko din yang sikreto mo.. Chloe, Chloe Peñaflorida.
BINABASA MO ANG
That should be me (COMPLETED)
Fiksi RemajaNaranasan mo na ba mag mahal? Mag mahal ng taong hindi ka mahal. Mag mahal ng taong hindi ka gusto. Naranasan mo ba ba ipagtulakan? Ipinag tutulakan ka palayo sa ibang tao. Yung pinipilit mo ang sarili mo sa taong hindi naman para sayo. Naranasan m...