107 days na tayo magkakilala pero ngayon ko lang naisipan na magsulat dito sa notebook na ibinigay mo sa akin. Sabi mo sa akin ipagpatuloy ko tong hilig ko, na gumawa ako ng kwento tungkol sa mga bagay bagay. Mga bagay na nagbibigay ng inspirasyon sa akin o kaya yung mga bagay na gusto kong ipahayag ngunit hindi kayang sabihin. Gusto kong ikwento yung...Ikaw. Yung ikaw na kilala ko. Yung tunay na ikaw na hindi alam ng ibang tao.
Nagsimula ang lahat noong September 10. Ang awkward nga ng una nating pagtatagpo eh. Hindi katulad ng iba na nagkakilala sa school, sa neighborhood, sa workplace, sa coffee shop, sa tinder, sa bar, o kung san-san pang usual na tagpuan ng mga pusong ligaw. Naalala ko pa yung suot mong polkadots na dress at yung amoy mong matamis. Galing ako sa school nun at sobrang dami kong dala dala, mga blueprints, laptop, sandamakmak na plates, flowers at cake para sa kupal kong ex-girlfriend na taga Dasma. Punuan ang bus, no choice, edi standing ovation ang kuya mo.
Nasa harapan kita. Naka earphones ka pero sa sobrang lakas eh naririnig ko yung pinapakinggan mo. As far as I know, "Bus Stop" ng The Hollies yung pinapakinggan mo nun. Hindi ako fan ng oldies pero mahilig kasi si Papa makinig ng classics kaya alam ko na yung mga ganon. Naisip ko, "Ang cool naman nya. Ang cute pa." Pero syempre baliw na baliw pa ako kay Mary nun kaya di kita agad crush.
Noong araw na yun, kaya ako may dalang flowers at cake para kay Mary kasi nakikipagbreak na sya sa akin. Akala ko, pag sinurpresa ko sya eh magbabago pa yung isip nya. Kaso hindi eh. Kinwento ko naman sayo yun di'ba?
Anyway, tuloy tayo dun sa eksena natin sa bus. Matagal tagal pa yung byahe, lalo na laging traffic sa coastal. Ngalay na ngalay na ko pero ayos lang. Nagpapakabayani ako eh. Kaso biglang preno si manong driver. Sa sobrang ngalay at pagod ko, nabitawan ko yung mga dala-dala ko tapos nahulog yung bouquet sa lap mo.
Nagsorry ako sayo. Mukha kang mataray, natakot ako sayo. Bigla kang tumayo. Then sinabi mo, "Kuya, dito ka nalang. Palit tayo."
"Hindi, ate. Okay lang." Sagot ko.
"Hay nako, wag ka nang maarte, dali na kuya." Sagot mo ulit. Medyo natakot ako sa tono ng pananalita mo kaya sige umupo nalang ako."Sige, thank you." Sabi ko.
"You're welcome. Baka kasi yung cake naman yung matapon mo. Nako, sayang yan."
"Oo nga eh. Hehe."
"Para sa jowa mo?"
Hindi ko alam kung sasagutin ba kita o ano. Hindi kasi ako talaga madaldal in person, pero madaldal ako pag nagsusulat.
"Ahh... Oo. Hehe." Kahit na unofficial ex-girlfriend ko na talaga si Mary nun.
"Ahh. Swerte naman ni ate. May cake na, may flowers pa."
Nginitian nalang kita nun. Di ko na alam isasagot ko eh. Tsaka ang daming tao. Mahiyain talaga ako.
Nung malapit lapit na sa Talaba, medyo marami nang bumabang pasahero, kasama na dun yung katabi kong lalaki. So, ikaw pinaupo na kita sa tabi ko, umusog ako sa may bintana.
Mga ilang minuto, tumitingin ka sa mga gamit na dala ko. Then tinanong mo ako: "Anong course mo?"
Lowbat yung cellphone ko kaya hindi ako makapag soundtrip. Ang bastos naman ng dating kung hindi kita kakausapin diba?
"Engineering po. Civil. Engineering."
"Ahh. Eh di magaling ka sa Math?"Ewan ko ba kung bakit laging ganyan ang tanong nyo sa amin. Pero sige, oo. Magaling nga siguro ako sa Math kaya umabot na ako ng 4th year.
"Siguro?" At napatawa ako ng bahagya, parang "hahaha".
"Nakakadugo ng utak yan no?"
"Oo. Nakakastress hehe. Pero kaya naman."
BINABASA MO ANG
Will, You, Mary & Me
Teen FictionKwento ng pag-ibig na walang kasiguraduhan na nabuo sa hindi kapani-paniwalang lugar, oras at pagkakataon. Apat na tao. Dalawang pusong sugatan. Isang notebook. Tatlong daan at anim na 'put limang araw.