Day 55/56

53 4 0
                                    


"Yu! Grabe ka! Thank you so much! Hinugasan mo pa yung mga pinagkainan ko! And sorry at the same time! 😭" Yan yung text mo saken nung umaga.

Buti at hindi napansin ni papa na itinakas ko yung sasakyan kagabi. Kungdi lagot talaga ako. First time ko lang magrebelde ng ganito.

Tanghali na ako nagising. Syempre napuyat ako eh.

Sinend ko sayo yung picture mo na nakanganga ka. Tawa ka nang tawa.

"Pero seryoso, Yu. Salamat talaga. What would I do without Yu? 😭lol"

"Okay lang. Natakot lang talaga ako para sayo."

"Sorry. Di ko lang nasasabi sayo pero ganun talaga ako. Kahit na nung kami pa ni Will. Gabi gabi akong nag ooverthink. Feeling ko iniiwasan ako ng mga tao. Feeling ko lahat mali. Basta. Ang hirap kasi iexplain sa mga tao. Ang hirap ipaliwanag kasi hindi nyo nararamdaman. Pero Yu, salamat. Siguro kung wala ka, baka tinuluyan ko na talaga ang sarili ko."

"Wala yun. Naiintindihan kita. Basta kapag may problema ka, sabihin mo lang saken. Kaibigan mo naman ako, di'ba? Nasa kontrata nga natin na duty natin ang pasayahin ang isa't isa."

"Tama ka. Pasensya ka na talaga. Umaasa pa din kasi ako."

"Okay lang, naiintindihan ko. 😊"

Ito nga pala yung araw na first time mong makarating ng bahay. Naawa ako sayo kasi pagod na pagod kang umakyat ng hagdanan. Sorry, hindi uso elevator dito samen eh.

Sinalubong ka ng mga aso naming makukulit. Nakakatuwa yung reaction mo. Halos iuwi mo na sila sainyo. Nagpaluto pa si mama ng pancit para sayo. Ewan ko ba kung bakit gustong gusto ka nila.

Nag meryenda lang tayo sa bahay at nakipagkwentuhan ka kay Mama at Gia. Si papa kasi busy sa tindahan eh. Itong si mama napaka daldal daig pa si Kris Aquino eh. Dami nyang tinanong sayo. Pero ikaw tuwang tuwa ka din naman na kausap sya.

"Boyfriend mo na ba Kim?" tanong ni Mama. (in her chekwa tagalog accent)

"Ahhh. Hindi po. Hahaha! Friends lang po talaga." Sagot mo.

"Bakit? Hindi pa din move on kay Merli?"

"Hindi pa po siguro. Naka move on ka na ba?" Tanong mo bigla saken.

"Tigilan nyo nga ako." Sagot ko.

Nakamove on na nga ba talaga ako kay Mary noong mga panahon na yun? Minsan naiisip ko na baka ginagamit ko lang na panakip butas si Cora para lang maka-get over kay Mary. Iniisip ko na baka wala lang yung nararamdaman ko para sayo. Yung tipong pakiramdam na panandalian lang, pansamantala lang. Para lang hindi ako malungkot tuwing gabi. Para lang may makausap na iba.

I'm pretty sure na ganito lang naman din ang trato mo sa akin although hindi ko sure kung may nararamdaman ka ba talagang special para saken. Napapaisip na tuloy ako kung bakit ba ako pumayag sa klase ng relasyon na 'to.

Ayoko namang iwasan ka. Pwede naman kitang iwasan pero ayaw ko. Hindi ko din alam kung bakit. Dahil siguro sa alam ko ang nararamdaman mo. Dahil kapwa tayong nasaktan. Dahil kailangan natin ang isa't isa.

Hinatid na kita sa place mo ng mga 9pm. Pero sabi mo saken parang ayaw mo pang umuwi. Kasi pag umuwi ka, mag-isa ka na naman at malungkot ka na naman. Madami ka na namang maiisip. Tinanong ko kung ano gusto mong gawin. Sabi mo:

"Tara Tagaytay."

Kala ko nagbibiro ka pero desidido ka pala. Sinabi mo saken na nakuha mo na pala yung Volkswagen mo sa talyer at okay na. Dinala mo ako sa parking lot at pinakita mo saken yung kotse mo.

Will, You, Mary & Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon