Halos 1 week kang nagpractice para dun sa pagsali mo sa open mic night ng Lib-Lib. Wala kasi talaga akong maisip na pyesa kaya di nalang ako tumuloy. Kinilayan mo pa ako kaya nawalan ako ng dignidad. At dahil actual goal mo naman talagang maovercome yang stage fright mo, pinush mo na. I even wore my blue unicorn onesie for you para i-cheer ka. Hahaha! Medyo naweirduhan ata yung mga tao saken.
Yan yung photo na kuha mo saken that afternoon. (Cute ko dyan kaya ginawa kong DP sa facebook)
***Credits kay Richard Hwan. Yep sya yung inspirasyon for Yu. 😂***First time ko lang makapunta sa ganoong event, sa facebook lang ako nakakapanuod ng mga spoken word performances. Nakakapanibago yung ambiance ng Lib-Lib. Usually kasi talagang kalmado lang, mga sasampu o lilimang tao lang yung mga pumupunta para tumambay.
Ang cute mo nung gabi na yun. May skill ka din pala sa makeup. Mukhang napalingon mo nga ang lahat, maski yung mga tao na nasa paintings.
Pero hindi mo maitago yung kaba mo. Halatang halata. Hindi ka mapakali at pinagpapawisan yang ilong mo.
"Kalma lang. Kayang kaya mo yan." sabi ko, sabay akbay.
Nginitian mo lang ako at dumantay ka sa balikat ko.
Mga limang volunteer spoken word artists ata yung natapos pinalagpas natin bago ka sumabak. Sa kada tanghal 4-5 minutes ang tagal eh. Sobrang naantig yung puso ko sa mga pyesa nila. Talaga namang damang dama ko yung mga emosyon nila, para bang parehas lang kami ng sitwasyon. Puro hugot, lungkot, mga tanong na walang sagot, mga pag-ibig na nasira o walang label, pag-ibig na naudlot at pag-ibig na hinahanap yung tema ng mga pyesa nila.
"Okay... Maraming salamat, kaibigang Martin! Napaluha mo kami ng bahagya sa performance mo. Hehe. Any other performer from the crowd?" Sabi ng emcee na kamukha ni Jesus Christ, pero imaginin mo na si Jesus Christ ay nakasuot ng black T-shirt na may "Earth without ART is EH" na nakaprint, tapos naka jeans, at vans.
"Uy. Ikaw na. Dali. Kaya mo yan." Bulong ko sayo.
"Eeeh." sagot mo.
"Cora, dali na. Di ako nag ganito para lang sa wala. Dali na."
Nakatingin na sayo yung emcee. Inaantay ka sigurong magtaas ng kamay or lumapit sa stage.
"Wala na?" Tanong nya ulit.
"Cora, dali na..." sabi ko.
Huminga ka ng malalim at lumapit ka na mismo kay Kuya Jesus, ayy este doon sa emcee.
"Alright... palakpakan naman natin si Miss... Ano nga pala name mo?"
"C-Cora..."
"Okay ka lang, Cora?"
"Ahhh.... ehh.. O--.. oo. hehe."
Nanginginig nginig yung kamay mo habang binubuklat mo yung papel. Nag-aalala ako baka mamaya bigla kang himatayin sa stage.
BINABASA MO ANG
Will, You, Mary & Me
Teen FictionKwento ng pag-ibig na walang kasiguraduhan na nabuo sa hindi kapani-paniwalang lugar, oras at pagkakataon. Apat na tao. Dalawang pusong sugatan. Isang notebook. Tatlong daan at anim na 'put limang araw.