Day 156

39 1 0
                                        



Ipinagpaalam naman kita sa lola mo na lalabas tayo. Pumayag naman sya, basta huwag lang tayong magpapagabi, huwag kitang hayaang kalimutan inumin yung mga gamot mo at higit sa lahat, wag kang pagurin.

Maaga tayo umalis, gamit natin si Ringo. Ako na nagmaneho para sayo kahit na iniinsist mo na ikaw muna mag drive. Sabi mo kasi namimiss mo na magdrive eh.

Suot na naman natin yung onesies natin. Naka facial mask ka, pero sabi mo okay lang naman na huwag munang 'mag tangke' (oxygen cannula), basta huwag ka lang masyadong mapagod. Dala dala ko yung inhalers mo just in case na atakihin ka ng kung anu-ano.

Hindi naman malayo yung sinasabi mong art museum. Hindi ko nga inaasahan yung lugar ng art museum na tinutukoy mo eh. Doon lang pala sya sa underpass sa may Manila City Hall na papuntang Intramuros.

Madaming taong nagdadaanan. As usual pinagtitinginan na naman tayo dahil nga masyadong matingkad ang kulay ng mga unicorn onesies natin. Maraming stalls ng mga tiangge at kung anu-ano pa. Akala ko nga ginu-goodtime mo lang ako kasi parang imposibleng magkaroon ng Art Museum dun.

"Andito na tayo." Sabi mo. Huminto tayo sa tapat ng isang stall ng isang painting shop. May isang matandang lalaki at isang batang babaeng nagbabantay. Akala ko yun na yung sinasabi mo. Lumapit ka dun sa lolo habang pinagmamasdan ko yung mga paintings nila.

"Tara." Sabi mo.

Pinalapit mo ako. Pinapasok nila tayo sa stall nila at may pintuan sa likod ng isang painting. Parang camouflage yung dating nya.

Pakiramdam ko dinala mo ako sa isang mahiwagang lagusan kasi hindi ko talaga alam na may secret museum dun.

Kulay puti ang buong paligid. Maliwanag. Napaka ganda. As in. Wala akong masabi. May mga tao din na andun, hindi lang tayo. Napaka gaganda ng mga portraits, may minimalists, abstract, portraits, sculptures, at mga lumang paintings of lowkey Filipino artists.

Sabi mo sa akin, karamihan sa mga paintings dun ay likha nung matandang nagbabantay sa labas. Tinanong ko sayo kung paano mo nalaman ang underground na museum na iyon. Sagot mo "Secret."

May isang painting dun na pumukaw ng atensyon ko kasi hindi ko maintindihan. Mukha syang vagina na nakapinta sa rocky surface, red, blue and yellow yung paint nya.

'Menstrual Period in Political History' by Danny Sillada.

"Grabe sya makatitig oh." Sabi mo.

"Hindi ko lang kasi gets yung ibig sabihin."

"Aysus."

"Ang sama talaga palagi ng iniisip mo sa'ken."

"Menstrual period in political history... Hmm."

"Ano tingin mo?"

"Sa tingin ko, kaya inihalintulad nya ang pulitika sa regla ay dahil sa mga anomalya at sakit ng political system ng bansa natin. Madugo, marumi, mabaho." Paliwanag mo.

"Ahh." Sagot ko.

"Sus. Natutuwa ka lang kasi nakakita ka ng makulay na vagina eh."

"Grabe ka. Hindi naman talaga." Lakas mo talaga mang asar. Hindi naman ako manyakis. May sexual urges ako pero hindi ako manyakis no.

Nag-ikot ikot lang tayo at inisa isa nating tinignan ang mga paintings mini sculptures sa munting lihim na museo.

"Galing no?" Sabi mo.

"Oo nga. Hindi ko inexpect na may ganito pala dito."

"Ito ang mga kagandahan ng underrated. Kapag mainstream kasi nakakasawa eh. Kailangan mo lang talaga ng tyagang mag research. Sa totoo lang matagal ko nang alam tong lugar na'to. Gusto lang kita dalhin dito."

Will, You, Mary & Me Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon