October 6, Tuesday. 19th Birthday ko. At dahil Tuesday, syempre may pasok, walang time para mag party at hindi rin naman ako party boy. Kadalasan iniinvite ko lang yung mga classmates at kaibigan ko sa bahay, maghahanda lang ng konti, tapos minsan kumakain kami sa labas ng family ko.Ininvite kita na sumama saken magdinner with my family the day before my birthday kaso naghesitate ka. Natatawa nga ako sa reaction mo eh.
"ANOO. GRABE KA TALAGA HA PAPAKILALA MO NA AKO AGAD???"
"Hala grabe ka naman. Sige kung ayaw mo di wag."
"Ohh tampo na tong chekwa na to. Oo na sige na. Sino sino ba tayo?"
Sorry nagsinungaling ako. Sabi ko sayo na ininvite ko din yung iba kong classmates pero hindi talaga haha. Sabi mo saken kaya ka natatakot kasi baka masungit yung parents at kapatid ko. Kasi nga Chinese sila. Hahaha! Ayan, na-judge na din yung pamilya ko, napaka judger mo. :(
At dahil nagtatampu-tampuhan ako, napa-Oo din kita. Sabi ko lang naman ipapakilala kita as friend. As friend lang naman talaga. Hahaha!
Hindi na kita sinundo sa condo mo kasi ayaw mo. So nagkita nalang tayo doon sa restaurant kung nasaan kami.
Kabado ka talaga. Nahihiya ka, sabi mo. Tapos inabot mo saken yung regalo mo na nasa paper bag.
"Pa, Ma, si Coraline nga pala. Friend ko."
"Hi po." sabi mo kela mama. Nagmano ka pa sakanila haha!
"Oh bat ang lamig ng kamay mo, iha?" Sabi ni Papa.
"Ahh ehh... Ang lamig ho kasi. Ang lamig."
"Kain ka na, Caroline. Caroline? Di'ba?"
"Cora po. Cora nalang."
After ng dinner, hinatid ka na namin sa tapat ng condo mo. Sabi ni papa maganda ka daw. Agree naman din dun si Mama. Lalo na yung kapatid ko.
"Friend lang ba talaga, aya?" Tanong ni mama. (Aya means Kuya)
"Opo. Friend lang po talaga."
"Friend palang." Sabat naman ni Gia yung 13year old sister ko.
I think approve naman sila sayo kung magiging tayo. LOL
Tinanong kita kung ano masasabi mo sa family ko. Sabi mo mababait sila at di mo akalain na ganon sila kabait. Sabi mo ang ganda ganda ni Mama, na hindi sya mukhang 40 years old. Tapos sabi mo naman, ang pogi din ni papa at crush mo sya kasi kamuka nya si Sir Chief. Natutuwa ka din sa kapatid ko kasi mukhang siopao na may bangs.
"Feeling ko boyfriend na kita eh. Hahaha!" sabi mo.
"Bakit naman? 😊" tanong ko.
"Eh kasi pinakilala mo na ko sa family mo hahaha! Syempre anong iisipin nila?"
"Bakit? Wala bang pag-asa na maging tayo?"
Ang tagal mong sumagot. Seen mo lang.
Naawkwardan ako kaya sabi ko nalang: "Hoy Corazon! Joke lang!!! Baka naman seryosohin mo. Joke lang ah. HAHAHAHAHAHA!"
"Letche kang chekwa ka." reply mo.
"Joke lang kasi. By the way, bakit binigyan mo ko ng notebook? Hahaha!"
"Bakit, ayaw mo ba? Choosy nito!"
"Baliw. Nagtatanong lang eh. Syempre nagustuhan ko."
"Well. Gusto ko lang kasi na ipagpatuloy mo yung pagsusulat mo. Sabi mo saken gusto mo maging writer diba? Then simulan mo na."
Natouched ako sa sinabi mo. Nabigyan ako ng liwanag at inspirasyon. Kaso naisip ko, hindi naman ako magaling. Wala naman din sigurong makaka appreciate.
"Hmmm. Hindi ko alam kung marunong pa ako magsulat ng mga pyesa hahaha."
"Kaya mo yan. Kulang ka lang sa inspirasyon. Matuto kang humugot ng inspirasyon. Tapos isulat mo sa papel."
"Tungkol saan naman? Hahaha! Nahihirapan na akong mag-isip. Ang tagal ko nang hindi nagsusulat eh."
"Hmm. Mga bagay na gusto mong ipahayag ngunit di mo kayang sabihin gamit ang iyong tinig. Char! Lalim no? Pero seryoso. Alam kong may mga bumabagabag sa isipan mo na hindi mo kayang ilabas. Ilabas mo lahat ng sama ng loob mo gamit ang mga titik. "
Wala naman na akong sama ng loob sa kahit kanino. Unti unti ko na ding natatanggap na wala na si Mary, at tanggap ko na ang daan na tinatahak ko. Kaya naisipan ko nalang na magsulat ng mga masasayang ala-ala kasama ang nagbigay ng notebook na'to.
BINABASA MO ANG
Will, You, Mary & Me
Fiksi RemajaKwento ng pag-ibig na walang kasiguraduhan na nabuo sa hindi kapani-paniwalang lugar, oras at pagkakataon. Apat na tao. Dalawang pusong sugatan. Isang notebook. Tatlong daan at anim na 'put limang araw.