DAY 365
Sabi mo sa akin noon, lahat ng bagay na nawawala, may kapalit na mas maganda. Parang hindi naman. Wala namang mas gaganda pa sayo. Naniniwala akong may dahilan ang lahat. Hindi kita pipigilan umalis. Kung pagod ka na talaga, hahayaan kita, kahit napaka sakit. Gusto ko lang maging masaya ka. Wala naman akong ibang hinihiling para sayo kungdi ang kasiyahan mo.
Hindi pa ito ang huling araw natin. Alam kong magkikita ulit tayo. Naniniwala ako na magkukrus ulit ang landas natin sa di maipaliwanag na panahon. Aantayin kita. Sa ngayon, kailangan muna kitang pakawalan. Hayaan mo, kapag bumalik ka sa akin, hinding hindi na kita pakakawalan.
BINABASA MO ANG
Will, You, Mary & Me
Teen FictionKwento ng pag-ibig na walang kasiguraduhan na nabuo sa hindi kapani-paniwalang lugar, oras at pagkakataon. Apat na tao. Dalawang pusong sugatan. Isang notebook. Tatlong daan at anim na 'put limang araw.