Day 269

25 0 0
                                    




Hindi pa din talaga tayo nag-usap maski sa chat, although nagpaparamdam ka kasi nililike mo yung mga shinishare kong pictures and quotes sa facebook ko. Tinitiis ko talaga kasi gusto ko masurprise ka sa gagawin ko eh. I am not used to making plans for a traditional ligaw kaya I'm taking this one seriously by watching old clips and documentaries. Nag-eenjoy din naman ako sa ginagawa ko and at the same time naeexcite.

Ito yung mga nairesearch ko sa wikipedia about sa 'Traditional courtship in the Philippines'. It is described as a "far more subdued and indirect" approach compared to Western or Westernizedcultures. It involves "phases" or "stages" inherent to Philippine societyand culture. Evident in courtship in the Philippines is the practice of singing romantic love songs, reciting poems, writing letters, and gift-giving. This respect extends to the Filipina's family members. The proper rules and standards in traditional Filipino courtship are set by Philippine society.

Alam mo, napaisip ako bigla. Hindi ko man mapu-pursue ang dream job kong maging writer, magagamit ko naman ito para maging akin ka. Naisip ko na marahil ikaw ang dahilan kung bakit ako may passion sa pagsusulat kahit pa ibang career ang tinatahak ko ngayon.

Mga alas kwatro, nag vibrate yung phone ko. Medyo nangalay na din yung batok ko sa kakanuod at kakabasa ng mga documentaries that is why I decided to take a break. Nagtext ka.

You: Yu.

Me: Hello. Bakit?

You: Nagi-guilty ako sa ginawa ko.

Me: Ha? Anong ibig mong sabihin?

You: Si MJ. Nasaktan sya eh. Bakit kasi sinabi ko pa sayo? Ang tanga tanga ko. Balikan mo na sya Yu. Sya nalang ang piliin mo. Ayoko ng ganito.

Me: Kinausap ka ba?

Me: Cora.

Me: Hello? Anong nangyari? Tell me.

Nagcheck ako ng facebook. Nagchat sa akin si Chito.

Chito: Brodie. Ikaw ata tong nasa confession e. <insert link>

Binasa ko yung confession sa FEU secret files. Ang haba ng post, naintriga talaga akong basahin lalo na nung sinabi ni Chito na para sa akin daw ang confession na yun. Sa sobrang haba, di ko na matandaan yung ibang nakasulat. Alam kong si MJ ang nagconfess nun.

"...hindi ko man talaga maamin sayo, pero nasasaktan talaga ako. Ang tanga tanga ko. Akala ko napakalakas ko, akala ko wala ka lang sa akin, akala ko okay lang na pakawalan ka. Pero hindi. Sobrang sakit. Hindi ko din maintindihan kung bakit ako nasasaktan, knowing the fact na fuck buddies lang naman talaga tayo dapat. Aware din naman ako na rebound lang ako sa pag-ibig mong naudlot. Masyado akong nagpadala sa sweet gestures mo. Gusto kong sabihin na masaya ako for you, pero hindi eh. Kaya ito, dito ko nalang sasabihin. Bahala na kung mabasa mo to o hindi. Basta, mahal kita. Sana maging masaya ka. Alam ko naman na sya ang gusto mo. Binubulag ko lang yung sarili ko. Sinusubukan ko lang kung magbabago ba yung pagtibok ng puso mo, pero wala eh. Siya talaga. Magiging masaya din ako. Thank you sa maikling panahon. Hindi ko sasabihin na nagsayang ako ng panahon. Hindi sayang ang mga oras na naibahagi mo sa akin. Our memories will always be in my heart forever. Mahal kita, K.

Princess of China
2015
ITDA
FEU-Tech"

Nakita ko din na nag-sad react ka sa confession na yun. Mukhang mauudlot na naman ata tayo. Nang dahil dito sa nabasa mo, matatakot ka nang pumunta sa akin kasi guilty ka.

Nagchat nalang ako kay Chito.

Me: Brodie hays.

Chito: Hugs bro. Hugs.

Me: Ano bang gagawin ko?

Chito: Nakapag desisyon ka na di'ba? Sabi mo si Cora ang pinipili mo.

Me: Eh paano yan? Nagtext sya saken. Sabi nya si MJ nalang daw ang piliin ko. Nagi-guilty daw sya.

Chito: Ipaglaban mo ang gusto mo. Sabi ko sayo wag kang papatalo.

Tinext kita ulit. Sabi ko, "Cora, ikaw ang pinili ko. Wala na akong pakielam. Ikaw ang gusto ko. Please naman oh. Give me a chance."

Hindi ka nagrereply. Nag-aalala na naman ako. Baka kasi nag-iinom ka na naman o kaya inatake ka na naman ng kung anu-anong masakit. O kaya baka nagpakamatay ka na ng tuluyan (Wag naman sana).

Mga alas sais, pinuntahan kita sa condo mo. Nag-bike lang ako, may dala dala akong sunflowers at yung sulat ko sayo. Wala akong pake kung ireject mo ako, pakapalan na ng mukha, although kinakabahan talaga ako sa mangyayari.

Mga sampung beses lang naman ako kumatok. Naririnig kong meow nang meow si Adolf.

"Walang tao dyan." Sabi ni Aling Fe, yung isa din sa mga residente ng condominium.

"Ahh, kaya pala walang sumasagot. Alam nyo po ba kung saan sya nagpunta?" Tanong ko.

"Hindi ko din alam eh. Kanina kasi nakasabay ko sya sa elevator." Sagot nya.

Di muna ako umalis, tinawagan kita ng paulit ulit kahit na cannot be reached yung phone mo. Hindi ka naman din online sa facebook.

Pumunta ako sa parking lot, wala dun si Ringo. It means pumunta ka somewhere far. Naisip ko baka pumunta ka ng Cavite. Tinext ko si Ate Chin-Chin, tinanong ko kung nasabi mo bang pupunta ka doon. Sabi nya wala ka naman daw sinasabi.

Pati sila Maggie at Kevin tinawagan ko. Wala din silang alam. Hindi ko na alam kung saan ka hahanapin. Iniwan ko yung sunflowers at yung letter ko sa tapat ng pintuan mo.

Nagbike ako around Espanya, I checked kung nasa Lib-Lib ka, kung nasa school ka, pero wala.

"Cora, asan ka ba? :( Magreply ka naman. I've been looking for you everywhere." Text ko.

Alas otso na wala ka pa ring reply. Ayoko pang umuwi. Gusto kong malaman kung okay ka ba, kung saan ka ba nanggaling. Hindi ko napigilan yung sarili kong umiyak sa sobrang pag-aalala.

Bumalik ako sa condo, nagbakasakaling andun ka na. Pero wala ka pa din. Nagstay lang ako dun sa tapat ng pinto. Padaan daan yung mga kapit bahay mo, tinatanong kung okay lang ako, sabi ko okay lang. Sabi ko inaantay lang kita dumating.

Ilang oras na nakalipas, hindi ka pa din dumadating.  Tinatanong din sa akin nila Maggie kung nakauwi ka na, pati sila nag-aalala na sayo.

"Oh, hijo, andyan ka pa din pala. Bakit hindi ka muna umuwi? Baka bukas andyan na si Cora." Naabutan na naman ako ni Aling Fe.

"Nag-aalala po kasi ako eh. Baka kung ano na nangyari sakanya."

"Ayaw mong ipagbigay alam sa Pulis? Nako, maski ako nag-aalala na din. Ano, magreport na tayo?"

Naisip ko bigla na huwag na muna, baka kasi gusto mo lang mapag-isa at baka naman okay ka lang talaga. Pag tumawag ako ng Pulis baka lalo lang makadagdag sa anxiety mo.

Sabi ko kay Aling Fe uuwi nalang muna ako. Hinabilin ko din yung flowers tsaka yung letter ko for you.

Pagkauwi ko ng bahay, diretso agad ako sa kwarto at nagsulat. Hindi ako makatulog. Nag-aantay pa din talaga ako ng sagot from you.

"Asan ka na ba Cora? Umuwi ka na. :(" Last text ko.

Will, You, Mary & Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon