Day 37

43 3 0
                                        

DAY 37

It was Friday after school. Maaga yung uwian natin nun, 3pm saken, tapos sayo 4pm. Pinagplanuhan natin yung "Netflix and Chill" natin. Akala ko nga ulit baka bigla mo akong yayain mag-sex hahaha! Kinabahan ako eh. Pero wala namang nangyaring ganon kasi good boy ako at good girl ka naman.

Noong araw na yun lang tayo ulit nagkita after natin mag sign ng contract. Hindi ko alam kung anu ano mga nangyayari sayo, pero sabi mo lang busy ka sa acads. Okay lang naman sa akin kasi fake boyfriend mo lang naman ako at naging busy din ako.

Medyo nabigla ako sa pangangayayat mo. As in ang laki ng pinayat mo. Noong una kasi kitang nakilala medyo mataba ka eh. Inisip ko baka nag gygym ka or something. Kaso ang putla putla mo pa din at may mga malalaki kang pasa sa hita.

"Anemic lang ako, Yu. Wag kang OA. Tsaka puyat kaya ako palagi." yan yung sagot mo nung sinabi kong "Hala ka baka mamaya may cancer ka na."

Sa kama mo tayo umupo. Puro chichirya lang foodtrip natin. Nanuod tayo ng movie adaptation ng buhay ni Anne Frank. Natatawa nga ako sayo kasi iyak ka ng iyak sa bandang huli ng movie. Minumura mo pa yung pusa mong si Adolf. Tapos sabi mo ayaw mo nang pumunta ng Germany (eh andun yung parents mo).

"Oo nga pala bakit hindi ka nagpakuha sa Germany?" tanong ko.

"Eh ayoko nga dun. Mas gusto ko dito. Nagagawa ko lahat ng gustuhin ko. At ayoko sa mga Germans."

"Grabe ka naman nilahat mo naman sila."

"Di ko sila mapapatawad sa ginawa nila sa mga Jews."

"Sisihin mo yang pusa mo." Sabi ko. Tapos tinignan ko si Adolf, nakatingin saken ng masama.

Ito din yung araw na may pinakita ka sa aking list. Nakasulat yun sa light brown na papel na amoy kape. Mukhang matagal mo nang ginawa yung listahan na yun kasi medyo lukot na.

"Bucket List ko." sabi mo.

Binasa ko yung nilalaman. Di naman ganon kahaba, at mukhang posible namang maachieve mo yun.

"Yan sana yung mga gusto kong gawin kasama si Will. Pero... Hays. Wala eh. Sumakabilang bahay na sya."

Naramdaman ko yung lungkot mo nung sinabi mo yun kahit na pa-joke yung pagkakasabi mo.

Puppy love pala si Mary at Will nung elementary sila. Nagkausap ulit sila sa facebook, nagkaroon ng reunion, at naglandian na sila simula nung mga araw na hindi ko naaasikaso si Mary sa sobrang busy ko. Ganon din yung sayo. Sabi mo nararamdaman mo na ang lamig lamig na sayo ni Will at napansin mo yung pagbabago nya.

Tinanong ko sayo kung paano kayo nagkakilala ni Will at bakit mo sya nagustuhan.

"Nagkakilala kami nung Paskuhan, 2 years ago. May photobooth kasi yung org namin, doon ko sya nakilala. Hiningi nya number ko. Ehh... Wala pa akong nagiging boyfriend nun, MU lang nung high school ako. Pogi sya eh. Daming nagkakagusto sakanya. Tapos ako, ganito. Pero nagustuhan nya ako."

"Yan tayo eh. Pag pogi, oo agad eh."

"Nanligaw naman sya saken. Ang sweet sweet nya. Lagi nya akong binibigyan ng rose. As in araw araw, nung hindi pa kami. Sinusuportahan nya ako sa mga ginagawa ko, lagi nya akong dinadalhan ng pagkain. Ayun. Hulog na ang lola mo." Naluluha luha ka nung nagkkwento ka.

"Di ko naintindihan kung bakit bigla kaming nasira eh. Akala ko ako lang yung mahal nya. Nagtiwala ako sakanya. Hindi ko binubuksan yung facebook nya. Di ko din tinitignan yung messages sa phone nya. Kasi diba, pag mahal nyo ang isa't isa, di kayo gagawa ng bagay na alam nyong makakasakit? Tangina sa isang iglap lang, wala na lahat ng I-Love-You's, Ikaw-Lang-Sapat-Na, at Mahal-na-mahal-kita-Bebe-Ku eh. Nakakatakot pala magmahal, Yu. Nakakaputangina. Para akong nalugi ng sampung beses sa laro ng pag-ibig. Hanggang ngayon ang sakit pa rin pag iniisip." Di mo na kinaya at humagulgol ka na.

Niyakap kita at sinabi kong, "There, there."

"Bakit ba kasi binigay ko pa yung number ko sakanya eh. Ang tahi-tahimik ng buhay ko eh. Putangina nya. Putangina ni Mary. Putangina ng mga Germans. Putangina ng universe."

Sorry Cora, ha? Wala akong ibang masabing makakapag comfort sayo noong mga araw na yun kasi parehas na parehas tayo ng nararamdaman. Di mo lang napansin na umiyak din ako noon. Sa liit ng mata ko di mo talaga mapapansin eh.

Lumabas nalang tayo ng condo mo tapos kumain tayo ng ice cream sa 7-11. Buti at kalmado ka na.

"Yu."

"Oh?"

"Pwede bang ilagay natin sa kontrata na samahan mo akong gawin yung mga nasa bucket list ko?"

"Sige lang."

"Sure ka ba?"

"Hey, fake boyfriend mo na ako di'ba? I will not release myself from my oath. I will do my duties."

"Okay. Gawa ako ng bago nating agreement mamaya. Send ko sa email mo."

"Pero sure ka ba na ako talaga gusto mong makasama sa pagtupad ng bucket list mo?"

"Magtatanong ba ko kung ayaw ko? Hay nako, Yu. Pati utak mo singkit."

"Napaka racist mo talaga."

"Di ako racist. Dinidescribe lang kita."

CORA'S BUCKET LIST
(TIWTDBID) -Di ko alam ibig sabihin ng acronym na yun.

* Spontaneous Night Travel
* Overcome stage fright
* To have 1965 Volkswagen Beetle
* Go camping
* Go to a place filled with Sunflowers
* Climb a mountain
* Go to Van Gogh Museum Amsterdam
* Establish my Animal Shelter

"Paano tayo makakapunta sa Amsterdam???"

"Ako na bahala sayo, fam."

"Dadalhin mo ko dun?"

"Pwede, kung gusto mo."

"Aba, rich kid."

"Matagal ko nang hinihiling yan sa papa ko. Kaya ngayon palang mag-ayos ka na ng visa mo."

"Parang ganon kadali ha. Eh paano naman yung volkswagen beetle mo?"

"Actually meron na ako nyan. Kaso sira eh. Papagawa ko pa."

"So, marunong ka magdrive?"

"Oo naman. Ikaw ba?"

"Hindi eh."

"Ano ba yan. Mag-aral ka. Dami dami nyong sasakyan eh."

"Oo na. Pag hindi busy."

"Good." sagot mo.

"Kelan naman natin to sisimulan?" Tanong ko.

"As soon as possible."

Will, You, Mary & Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon