Halos one week ata bago tayo ulit nagkita. Busy din kasi talaga ako like I told you. Sa facebook lang tayo nagchachat pag gabi. Wala rin tayong ibang pinag-uusapan kungdi si Mary. Naghahabol pa ako kay Mary noong mga araw na yun. Pinipigilan mo nga akong i-chat sya pero makulit ako eh. Talagang chinachat ko pa rin si Mary hanggang sa blinock nya na ako. Doon na talaga ako nag-give up.Sabi mo saken, focus nalang muna ako sa studies ko, which I did. Pinipilit ko talagang kalimutan sya kahit mahirap. Buti nalang at nakatulong sa akin yung acads at yung pag momotivate mo saken sa pag momove on.
On our 7th day, niyaya mo akong lumabas. Sa Espanya ka lang naman nag-aaral tapos ako sa may Morayta. Buti nalang at naipasa ko na yung mga course requirements ko, review nalang for finals ang kailangan kong pagtuunan ng pansin.
"Tara samahan mo ko kumain! sabi mo lilibre mo ko diba?" Yun yung chat mo saken.
Wala naman din akong gagawin kaya pumayag ako.
Nagkita tayo sa tapat ng school nyo. Naka school uniform ka, blouse at slacks, jansport na bag at may bitbit kang malaking sketchpad.
Di mo nga ako napansin nun kasi nagsosoundtrip ka tapos busy ka sa kaka cellphone, kaya kinalabit na kita.
"Uy, Yu! Andyan ka na pala."
"San tayo?"
"Tara, dadalhin kita sa isang lib-lib na lugar..."
Oo nga. Dinala mo nga ako sa "LIB LIB na Lugar ART CAFE". Ang hirap iexplain kung paano tayo nakarating dun kasi nasa eskinita lang sya. Sabi mo saken, konti lang ang may alam ng cafe na yun at doon yung favorite hang out place mo kasi walang masyadong tao. I wonder kung paano kumikita ang cafe na yun.
Ang astig nung ambiance. Amoy kape, parang yung amoy din ng Starbucks. Tapos puro classic rock at classic pop din yung soundtrip. May mga paintings dun sa may bandang dulo, then may stage din for Spoken Word performance every evening. Maliwanag sa loob ng cafe, puro rice lights then pwede kang manghiram ng art materials. Perfect place for artists, ika-nga.
"Ngayon ko lang nalaman tong lugar na to." Sabi ko sayo nung pagkaupo natin dun sa favorite spot mo.
"Oh, sshh ka lang sa friends mo ha? Secret lang to."
"Oo naman."
"Good. Oh, sagot mo di'ba?"
"Oo nga. Haha! Ano ba order mo?"
"Cappuccino lang saken, tapos isang slice ng Van Gogh."
"Van Gogh?"
"Yun yung name ng Blueberry cheesecake nila."
"Ahh. Sige sige."
Puro names ng artists yung menu nila for cakes. Nakakatuwa. Umorder ako ng chocolate moist cake a.k.a "Tanner" (Look for Henry Ossawa Tanner).
I went back to our spot, 5-7 minutes pala bago iserve yung orders.
Napansin ko na you looked exhausted, namumutla ka.
"Hey, okay ka lang Cora?"
"Ha? Oo naman. Mukha bang hindi? Porket haggard ako ngayon? Grabe ka talaga."
"Hindi naman sa ganon haha! Namumutla ka kasi. Anemic ka ba?"
"Hindi. Talagang putlain lang talaga ako. Wag kang mag-alala, Yu."
"Okay, sabi mo yan eh."
We spent the first hour talking about Mary, school, hobbies and interests. Nalaman ko na nagsusulat ka pala ng anecdotes sa school paper nyo at interesado ka rin sa photography. Sabi mo nga, certified na alagad ka ng sining.
BINABASA MO ANG
Will, You, Mary & Me
Teen FictionKwento ng pag-ibig na walang kasiguraduhan na nabuo sa hindi kapani-paniwalang lugar, oras at pagkakataon. Apat na tao. Dalawang pusong sugatan. Isang notebook. Tatlong daan at anim na 'put limang araw.