Day 267

25 0 0
                                    



2:00 am

Hindi ako makatulog. Hindi ko din alam kung bakit. Tulog na si MJ, wala na akong ibang makausap. Hindi ko na inisip na option ka, pero chineck ko kung online ka, online ka nga. Ayaw kitang i-chat. Hindi nga kita chinat pero inistalk ko profile mo.

Puro shares ng mga depressed paintings at aesthetics, mga memes, at pictures ni Adolf. Last na status mo "As we advance in life it becomes more and more difficult, but in fighting the difficulties the inmost strength of the heart is developed.-Van Gogh". Nilike ko. Papansin lang. Hoping na ichat mo ko bigla. So basically, ako pa din talaga ang unang nag aapproach in a low key way.

Nilike ko na nga halos lahat ng shinishare mo, pero wala ka pa ding chat. Iniiwasan mo na talaga siguro ako.

Bakit ba kasi kailangan ko pang magpapansin. Bakit ba naiisip pa din kita? Pakiramdam ko gumagawa ako ng krimen. Ayoko pa namang makasakit ng damdamin ng iba. Pero sadya nga ba talagang kasalanan na umibig sa taong gusto mo talaga? Kasalanan bang pilitin ang sarili sa iba? Hindi ko kasi alam kung paano mawawala yung nararamdaman ko para sayo. Para kang tattoo eh.

Mga 3:00am, pumikit na ako at inilapag ko na yung phone ko. After ilang seconds, narinig kong may nagchat. It was you.

[bHoszx]: Yu.

[Chekwa:] (Pinalagpas ko muna ng dalawang minuto para hindi halatang medyo excited ako sa chat mo) Oh? Bakit gising ka pa?

[bHoszx]: Gusto ko nang mamatay.

[Chekwa:] Bakit? Ano na naman nangyari?

[bHoszx:] Hirap na hirap na ako eh.

[Chekwa:] Hays. Wag mo naman sabihin yan. Ilang pagsubok na ang na-overcome mo oh. Susuko ka pa ba?

[bHoszx]: Sorry.

[Chekwa:] Bakit?

[bHoszx]: Baka kasi iniisip mo na nagpapapansin ako. Sorry.

[Chekwa:] Cora, ako pa ba? Alam ko naman ang pinagdadaanan mo.

[bHoszx]: Masaya ako para sayo.

[Chekwa:] Tungkol ba saan to? Bakit ka ba malungkot?

[bHoszx]: Hindi ko din alam.

Feeling ko talaga lasing ka. Hindi ko na inilagay yung mga typos mo sa conversation natin.

[Chekwa:] Umiinom ka na naman ba?

[bHoszx]: Hindi ah.

[Chekwa:] Weh? Eh bakit ganyan mga chat mo?

[bHoszx]: Yu sorry. Sorry talaga hindi na kita guguluhin.

Hindi ko napigilan ang sarili ko.

[Chekwa:] I'm coming over.

Itinakas ko na naman ang kotse ni papa at dumiretso ako sa condo mo. Narinig ko na nagpapatugtog ka ng mga oldies. Hindi mo marinig yung katok ko kaya chinat nalang kita.

After 5 minutes, pinagbuksan mo na ako ng pinto. Ang pula pula ng mukha mo at namumugto ang mga mata mo. Ang kalat ng kwarto mo, puro papel na nilukot, nakakalat yung mga art materials mo, mga balat ng chichirya na bawal sayo.

Medyo naiinis ako sa lola mo kasi bakit ka hinahayaang mag-isa. Knowing you, napaka pasaway at talagang ginagawa ang lahat ng bawal.

"Cora, you don't have to live like this." Sabi ko.

"Ayan ka na naman eh. Inienglish mo na naman ako..." sagot mo.

Kinuha ko sa mga kamay mo yung wine mo. Hindi ka na sa wine glass umiinom kungdi sa mason jar.

"Okay, so pumunta ka lang dito para pigilan akong uminom?" Sabi mo.

"Hindi. Pumunta ako dito para hindi ka na maging malungkot." Sagot ko naman.

"Paano si MJ?" Tanong mo.

Hindi ko sinagot ang tanong mo na yun. Basta nilagay ko na sa ref yung wine mo at sa lababo yung mason jar. Kumuha ako ng cup at ipinagtimpla kita ng kape.

"Yu... Ano nga."

"Tumahimik ka muna dyan."

"Yu naman eh. Andito naman ako eh."

"Oo nga, pero bawal sayo uminom ng madami."

"Hindi... Yu. Bakit ka pa naghanap ng iba? Andito naman ako eh."

Napahinto ako sa paghalo ng kape.

"Yu... Mahal na kita."

Umiyak ka bigla. Tinapos ko yung pagtitimpla ng kape at agad kitang pinuntahan.

Tinabihan kita sa sahig kung saan ka naglulupasay. Niyakap kita at hinalikan ko ang noo mo. Iyak ka pa din ng iyak na parang bata habang nakayakap ka saken.

"Yu, ako nalang." Sabi mo.

"Lasing ka." Sagot ko.

"Totoo tong sinasabi ko... Alam ko... Alam ko lasing ako pero totoo to."

Nirecord ko yung mga sinasabi mo para may proof ako.

Hindi ko alam kung ano ba ang tunay kong nararamdaman nung mga oras na yun. Hindi ko alam kung tama bang maging masaya at kiligin sa nangyayari dahil nga may isa pang taong involved. Napaka-fuck boy ng dating. Ayoko ng ganun.

"Bakit kasi ngayon mo lang sinabi yan?" tanong ko.

"Ewan ko. Ewan ko, Yu. Bigla ko nalang naramdaman."

"Alam mo bang mahal din kita?"

"Alam ko... Pero baka kasi hindi pala."

"Matagal na kitang mahal, Cora. Pero..."

Bigla kang lumayo at pinunasan mo ang luha mo gamit yung t-shirt na suot mo.

"Oo, si MJ. Andyan na sya. Masaya na kayo. Sorry." Sabi mo.

"Bakit kasi ngayon mo lang sinabi?" Napaiyak na din ako. Ang tagal ko kasing nag antay at nagpigil mag assume na mahal mo ako. Pakiramdam ko ang tanga tanga ko at nagi-guilty ako kasi ako naman dapat ang magsabi sayo.

"Natatakot ako!" Sagot mo. "Natatakot ako na baka mamaya umalis ka din. Best friend na kita eh. At gumawa tayo ng kontrata na hindi pwedeng maging totoo ang relasyon natin."

"Hindi naman kita iiwan eh."

"Sorry. Sorry, Yu."

"Pwede pa naman, di'ba?" Tanong ko.

"Ayokong masaktan si MJ."

Ang tanga tanga ko talaga. Bakit ba kasi hindi ako nag-antay? Pero hindi ko naman kasi inaasahan na may nararamdaman ka din pala saken. Bakit kasi hindi mo saken sinabi agad? Ang gulo gulo. Naiyak na ako sa mga nangyayari.

"Sorry, Cora."

"Sorry din."

"I want to make things right."

"Piliin mo ang tama, Yu. Siya nalang."

"Hindi ko alam kung ano ang tama."

"Piliin mo ang taong makakabuti sayo. Kalimutan mo nalang lahat ng sinabi ko. Kalimutan mo na din yung kontrata natin."

Umiyak ako lalo. Nasasaktan ako. Hindi kita kayang i-let go. Ikaw ang gusto ko. Ikaw naman talaga ang nararapat piliin. Ito na ang chance ko eh. Kung may tatapusin man, iyon ay ang sa amin ni MJ.

Lumapit ka at niyakap mo ako.

"Salamat." Sabi mo.

Tinignan kita sa mga mata mong namumugto, at hinalikan kita. Yung halikan natin hindi sapilitan. Masakit, mapait, pero hindi sapilitan. Yung halik na hindi nararapat pero kailangan. True love's kiss, ika nga ng Disney fairytales.

"Good night." Sabi mo.

Ayokong umalis. Pero pinapauwi mo na ako. Namamaalam ka na. At isa pa, kailangan ko na din umalis kasi alas singko gigising na sila mama at papa.

Habang nag mamaneho ako pabalik sa amin, iniisip ko na yung mga sasabihin ko kay MJ. Desidido na akong tapusin yung sa amin. Ikaw talaga ang gusto ko eh. Wala na akong pake kung ano man ang maging tingin ng iba sa akin. Ikaw lang ang mahalaga sa akin.

Will, You, Mary & Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon