Hindi ko na isasalaysay dito yung lahat ng nangyari saten. Tsaka bihira lang naman din tayo magkita kasi nga parehas tayo busy. Acads muna bago lakads ang motto natin, di'ba? Basta yung mga importanteng araw lang na di ko malilimutan. On the 23rd day ng pagkakakilala ko sayo, ininvite mo ako sa Exhibit nyo sa school. Di ko nga alam kung pupunta ba ako o hindi kasi nahihiya ako sa mga kaklase mo. Haha! Ewan ko ba napaka mahiyain ko talaga.October 2 yun. Umabsent ako sa isang major subject ko para makapunta sa Exhibit nyo (sorry nagsinungaling ako sayo haha). Maraming tao na bumisita sa exhibit nyo. Theme: "Family and Friends in their Best Light" Ang ganda ng idea, puro monochromatic polaroid photos ng families and friends in their own creative ways of photography, tapos naka black kayong lahat. May libreng snacks atsaka glow sticks, kasi dim-lights at medyo futuristic yung theme ng exhibit nyo.
You welcomed me with your warm smile. First time din kitang nakitang naka makeup kaya hinding hindi ko malilimutan tong araw na to. Napa wow ako, literally. Haha! Hindi ko na naitago yung reaction ko eh.
"Wow wow ka dyan, Yu? Hahaha!"
"I mean, wow. Yeah. Wow." Awkward.
"Oo na, alam ko, maganda ako. Hahaha! Tara, pakilala kita sa mga chix."
October 2, ito nga din yung una kong nakilala sina Maggie, Chloe tsaka si Kevin.
"Guys, ito nga pala si Yu. Yung nagsoli ng wallet ko. Prends na kame."
"Hello. Call me Kim. Hehe." Kainis. Wala namang iba kasing tumatawag saken ng Yu kungdi ikaw atsaka yung professor ko sa Stats.
"Ayy akala ko Oppa!!!" First time ko ding malaman na bakla si Kevin.
"Oo nga beshy mukha syang Korean."
"Marami nga din po nagsasabi. Pero Chinese po yung lahi ko. Hehe." Sabi ko naman. Lagi ko nalang ineexplain to sa mga taong first time lang ako makilala.
Mababait yung circle of friends mo at kalaunan eh naging friends ko na din sila.
On this day, ito rin yung first time na pumayag kang ihatid kita sa condo mo after natin kumain ng dinner sa Mcdonald's. Kung hindi ka pa mahihilo, hindi ka pa papayag eh. Nag-alala talaga ako sayo nun kasi muntik ka na talagang himatayin at napapansin kong nangayayat ka. Pero sabi mo saken pagod ka lang at stressed kaya ka nangayayat. Hanggang sa lobby lang naman kita hinatid kasi ayaw mo magpahatid doon mismo sa unit mo.
Pagka uwi ko, tinawagan kita agad. Matagal bago mo sagutin. Nag-aalala talaga ako nun kaya tinadtad kita ng chat haha!
Kim Yu: Uyy Corazon!
Kim Yu: Uy aswang! Ok ka lang ba?
Kim Yu: Heyyyy 😥
Kim Yu: Tulog ka na ba???
Kim Yu: Reply please. 😰
Kim Yu: Cora
Kim Yu: Koralayn
Kim Yu: Marie
Kim Yu: Hoy Coraline ang Unang aswang!Then after ilang minutes, nagreply ka na. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib.
Coraline Ortega: Hoy, Yu. Ang clingy mo. Sapakin kita.😡👊🏻
Coraline Ortega: Gumagawa ako ng plates.Kim Yu: Akala ko kasi kung ano nang nangyari sayo. Nag-alala lang ako.
Coraline Ortega: Ikaw ha...
Kim Yu: Wag kang assuming aswang ah. Nag-aalala lang ako sayo kasi pumapayat ka na. Lalo ka nang magmumukhang aswang. 😂
Coraline Ortega: Ulol. Chekwang makapal bulbol sa kilay! Wag mo kong guluhin. Magreview ka na.
Ganyan tayo palagi mag-usap no? Lagi nalang tayong nag-aasaran, lagi ka ding napipikon. I'm so glad na naging magkaibigan tayo. 😊
BINABASA MO ANG
Will, You, Mary & Me
Teen FictionKwento ng pag-ibig na walang kasiguraduhan na nabuo sa hindi kapani-paniwalang lugar, oras at pagkakataon. Apat na tao. Dalawang pusong sugatan. Isang notebook. Tatlong daan at anim na 'put limang araw.