Kwento ng pag-ibig na walang kasiguraduhan na nabuo sa hindi kapani-paniwalang lugar, oras at pagkakataon. Apat na tao. Dalawang pusong sugatan. Isang notebook. Tatlong daan at anim na 'put limang araw.
Christmas eve. Dumating na yung parents mo galing Germany. Sabi mo di rin naman sila mag tatagal dito kasi nga may mga trabaho sila dun. Gusto ka na nga nilang kunin at dun ka nalang magpagamot. Ikaw naman ang may ayaw. Di ko rin alam kung bakit ayaw mo sumama sakanila. Sabi mo gusto mo makarating ng Amsterdam, e malapit lang sa Germany ang Netherlands.
Nasa ospital ka pa din. Matagal tagal ka pang makakalabas kasi nga di pa tapos yang therapy mo. Pero sabi naman ng doctor mo malaki ang chance ng remission mo. Di na ako nangangamba kasi alam kong makaka survive ka. Cora pa ba? Binati nalang muna kita ng Merry Christmas sa messenger. Gusto man kita bisitahin dahil may regalo na naman ako sayo, kaso nagyaya yung family kong mag overnight sa Baguio with Angkong and Ama, Adolf at yung dalawa naming aso. Friends na nga pala sila.
Kinakamusta ka nga nila mama. Natuwa naman sila nung nalaman nila na may chance kang mabuhay pa ng matagal.
Anyway, naglibot libot lang kami sa Baguio nung umaga ng December 24. Ito nga pala yung picture ko na kuha ni Mama habang umiinom ako ng strawberry taho. Sinabi ko sayo na magaling na photographer si mama, di'ba? Ayan. Pogi ko. Alam ko. Hehehe.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nakalagay nga pala sa bucketlist mo na gusto mong makaakyat ng bundok. Habang tinitignan ko yung bulubundukin, naaalala kita eh. Mas masaya sana kung kasama kitang nakaakyat. Hayaan mo, may next time pa naman di'ba? Sa ngayon chill ka muna. Inggit na inggit ka nga saken nung sinabi ko na papunta kaming Baguio eh. Oo nga pala, naalala ko na niyayaya mo akong mag Baguio noon.
Nag noche buena kami sa hotel. Okay naman. Masaya naman. Di naman kami nag nonoche buena sa bahay. Palagi kaming kumakain sa labas. Naghahanda lang kami pag Chinese New Year.
Kachat lang din kita magdamag. Kinwento ko sayo yung about kay Mary. Gusto lang kitang pagselosin. Nakakatawa nga yung reaksyon mo eh. Naiimagine ko yung itsura mo
You: Ang kapal talaga ng mukha nyang Mary na yan. Di bagay sakanya pangalan nya! Napaka kati nya. Pag ako talaga nakawala dito ihahagis ko sya sa ilog pasig!
Me: Kalma lang. Hahaha!
You: Ikaw naman kasi?? BAKIT KA PA PUMUNTA DUN? TALAGANG HINATID MO PA??? ISA KA PA EH!
Me: Whoaaa. So, sa akin ka naman ngayon galit?
You: EH IKAW KASI! ALAM MO NAMAN NA MAKATI YANG EX MO! TAPOS PUMUNTA KA PA TALAGA DUN? SIGURO MAY NANGYARI TALAGA SAINYO NO? KUNWARI WALA.
Me: Promise! Wala talagang nangyari samen! Kung ayaw mong maniwala ok lang. Basta malinis ang konsensya ko.
You: SUS!!! SYEMPRE ANO NGA BANG PRUWEBA??? TSAKA EX MO YUN. MAHAL MO PA DIBA? AATRAS KA PA SA GANUN? DUN KA NA NGA!
Me: Ayoko nga dun! 😑
You: SIGE NGA, BIGYAN MO AKO NG DAHILAN KUNG BAKIT INAYAWAN MO. DI TALAGA AKO NANINIWALA EH.