Katapos lang ng exams. Malapit lapit na din ang kakarampot na bakasyon. Ayaw kong magsisi sa course na kinuha ko pero hindi talaga maiwasan ang stress. Sana worth it tong mga paghihirap ko. Sa sobrang busy nga ngayon lang ako ulit nakasulat eh.Wala din naman masyadong events sa ating dalawa nung mga nakaraang linggo aside from that 'Friendly-Valentine's Date' natin. Nakikita ko na ulit ang gana mo sa paggawa ng sining. Unti unti ka na ding nagiging okay pero maselan pa din. Ako, heto, torpe pa din.
Kinakausap na ulit ako ni Mary. Kinwento nya na kinakausap na ulit sya ni Will at gustong makipag balikan sakanya. Noong last Friday nga nakita ko yung surprise ni Will sakanya sa school. Ang daming nakakita at kinasabwat nya yung mga classmates at ka-org ni Mary, maski yung Dean namin.
Parang nagdaos sila ng mini debut with 18 roses sa school. Tapos may dalang bouquet ng red roses si Will, then may "Will you be my girlfriend again" na banner yung Nag viral na nga din sa facebook yung video clip ng surprise ni Will eh. Si Will talaga ang nagpapatunay na huwag nating hangaan ang mga romantic shit sa facebook.
Mas nauna mo pa ngang mapanuod yun kesa saken kaya pala wala ka sa mood makipag-usap. Hinayaan nalang muna kita. Bumisita din naman sila Chito, Inggo at Teddy sa bahay at nag sleepover kami nung araw na'to. Himala nga at pinayagan si Chito ng nanay nya na makitulog sa bahay namin.
Noong pagdating nila naglaro lang kami ng PS4, Uno, scrabble, at pabilisang makabuo ng rubik's cube. Yun nga pala yung isa sa mga hidden talents ko na hindi ko pa napapakita sayo haha. Batak ako sa rubik's cube.
Ipinagluto kami ni mama ng spaghetti na para bang may birthday kahit wala. Pagtapos namin mag dinner nang sabay sabay, nagkayayaan kami uminom. Hindi ko alam kung anong trip ni Inggo at nagyayang uminom. Mag celebrate daw kami kasi tapos na exams.
Ayun, gin ang ininom namin. Nag-ambagan kami, mga tatlong bilog yun at ako na sumagot ng pulutan na mga chichirya. Gin na may pineapple na pinigaan ng kalamansi yung mix namin. Bihira talaga kaming uminom. Alam mo naman tong barkada ko puro aral at laro ang gusto, bihira lang kaming mag good time.
Mga 11pm kami nag start tumagay. Hindi naman ako malakas uminom. Mas malakas nga akong mamulutan eh. Ayoko ding malasing kasi baka kung ano pang magawa ko.
Tamang soundtrip lang ng mga kanta ng Kamikazee at Parokya ni Edgar. Kwentuhan about sa pagiging atheist ni Teddy, tungkol sa mga chicks na trip ni Chito, about kay Ramona na crush ni Inggo. Kinamusta ka din nila kung okay ka ba, kung okay ba tayo. Sinabi ko na okay ka lang naman at okay lang tayo. Hanggang ngayon nga ang alam nila mag shota tayo eh. Wala pa din silang alam dun sa kontrata natin.
Chinachat kita, hindi talaga kita matiis.
[Chekwa:] Yan nga pala nickname ko sa convo natin sa facebook) Busy?
Matagal bago ka nagreply eh. Siguro naka isang ikot kami ng shots bago ka sumagot.
[bHoszx:] (Yan naman sayo) Medyo. Kanina.
[Chekwa:] Anong ginagawa mo?
[bHoszx:] Tinapos ko lang yung isa kong painting. Ngayon nanunuod ako ng movie.
[Chekwa:] Ah. Naiistorbo ba kita? Haha
[bHoszx:] Hindi naman. Kala ko andyan sila Chito?
[Chekwa:] Oo nga. Bakit nga pala gising ka pa? Bawal sayo magpuyat diba?
[bHoszx:] Hindi kasi ako makatulog eh. Kung anu-ano na naman naiisip ko.
[Chekwa:] Dahil ba yan kay Will at Mary?
[bHoszx:] Siguro?
[Chekwa:] Di ka pa talaga moved on. Hahaha!
[bHoszx:] Hindi naman sa ganun pero nainggit lang ako kay Mary.
BINABASA MO ANG
Will, You, Mary & Me
Teen FictionKwento ng pag-ibig na walang kasiguraduhan na nabuo sa hindi kapani-paniwalang lugar, oras at pagkakataon. Apat na tao. Dalawang pusong sugatan. Isang notebook. Tatlong daan at anim na 'put limang araw.