Day 52

51 3 0
                                    



Madaling araw yun after nung araw na nagkasama tayo. Hindi ako makatulog. Naiisip kita. Parang nahuhulog na yung loob ko sayo. Napabilis ata. Sa loob ng dalawang buwan mukhang naka recover na ang puso kong nasa State of Calamity.

Sabi ko sa sarili ko: "Hindi pwede to."

Pinipigilan ko talaga ang sarili ko na mahulog ng tuluy-tuloy sayo kasi natatakot ako. Kakagaling ko lang sa breakup eh. Kakatapos lang ng lindol, baka mamaya may after shock pang maganap.

Alam kong mahal mo pa si Will, at parang wala naman akong nakikitang chance na maging tayo for real.

Sinampal ko nga yung mukha ko, nang magising ako sa katotohanan. Sa katotohanan na yung relasyon natin ay base lang sa kontrata.

***

Hindi tayo nagkita ng araw na to, sabi mo kasi uuwi ka sa Cavite. At dahil wala namang pasok, nag driving lessons nalang ako with kuya Leo, yung driver namin. Hindi naman ako maturuan ni Papa kasi busy sya sa tindahan, ganon din si mama.

Hardware at Arts and Crafts yung business ng family namin. Yung hardware namin eh doon sa baba. Bale nakatira kami sa isang building then yung hardware nasa first floor, tapos yung bahay mismo namin nasa 4th floor. Feeling ko di mo kakayanin yung pagod paakyat papunta sa bahay namin haha! Tapos yung Arts and Crafts shop naman ni mama nasa Divisoria. Kasama nya si Gia dun tutal start na din ng sembreak.

Alam nga pala ni Gia yung tungkol satin. Yung kontrata and yung mga kadramahan natin sa buhay. Sya lang ang pinag-sasabihan ko. Sabi nga niya saken bakit daw hindi natin totohanin hahaha!

Hindi boto si Mama at Gia kay Mary noon. Kasi nga napaka arte daw at materialistic. Kay papa naman kasi walang problema kasi wala namang pakielam yun kung sino ang maging girlfriend ko, basta ayusin ko pag-aaral ko. Kay Gia lang sila strict kasi nga babae. Haha!

After ng driving lessons ko, kinamusta kita. Tinanong ko kung anong ginagawa mo sa Cavite. Sabi mo nanunuod ka lang ng K-Drama. Ewan ko ba kung bat ba gustong gusto ng mga babae yung K-Drama. Siguro dahil too good to be true? Or dahil crush nila yung mga lalaki dun?

Maski ako nadadamay. Kamukha ko daw yung nasa isang K-drama na sikat noong mga araw na yun. Di naman kasi ako mahilig manuod ng mga ganon. Mga American TV series pinapanuod ko like The Big Bang Theory, How I met Your Mother, Suits, Breaking Bad, mga ganun. Mahilig din akong magbasa at maglaro ng dota NOON, nung di pa ko nagpapalamon sa sistema ng Engineering.

Mga 6pm na kami natapos ni kuya Leo sa driving sessions namin. Madali lang naman pala. Napatakbo ko nga from bahay hanggang QC eh. Hahaha! Kaso student's permit lang meron ako.

Chinat kita pagka uwi ko. Hahaha. Binalita ko lang sayo kung gaano kalayo yung narating ko.

"Edi wow." Reply mo.

"Kumain ka na ba?" I just want to keep our conversation going.

"Hindi pa nga eh. Huhuhu."

"Bakit hindi pa?"

"Teka lang kasi. Ganda ng pinapanuod ko eh."

"Okay, sige. Kumain ka pag gutom ka na. 😊"

Hindi ka nagreply after that. Hindi ka rin naman nag-seen. Talagang busy ka lang talaga siguro doon sa pinapanuod mong The Producers. Di ko alam kung anong storya nun. Basta ang alam ko lang ay patay na patay ka dun kay Kim Soo-Hyun (na kamukha ko daw sabi ng mga kaibigan mo, at ng mga kaklase kong nagpalamon sa sistema ng Kdrama.)

Mga 11:00pm ka na ata nagparamdam.

"Yu."

"Oh? Ano? Nilamon ka na ni Kim Soo-Hyun?"

Will, You, Mary & Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon