New year's eve. As usual hindi ka pa rin pwedeng lumabas ng ospital kasi nagpapagaling ka pa. Malungkot ka kasi hindi mo makakasamang mag new year ang parents mo. Maski din naman sila malungkot eh. Wala ka namang ibang kamag anak na malapit sayo kungdi ang lola at ang Tita Ramona mo. Kapatid pala ni Tita Mercy si Tita Mona at nanay nila yung lola mo.Kami naman dito lang kami sa bahay kasama grandparents at mga uncles, aunties, mga cousins na bata, masaya sa bahay. Hindi naman ako nakiki join kasi puro bata sila. Nakikain lang ako ng handa at kinakausap kita para malibang ka naman. Kung pwede nga lang na puntahan kita eh.
(Phone conversation)
"Gustong gusto ko nang umalis dito, Yu. Para lang nila akong pinapatay lalo eh." Sabi mo.
"Wag mong isipin yan. Side effects lang yan kasi nga pinapatay nila yang mga cancer cells mo. Konting tiis pa. Worth it yan." sagot ko naman.
"Tingin mo ba makakasurvive ako? Fucked up na yung lungs ko. Para nalang akong bangkay dito."
"Bangkay agad? Nakakausap mo pa nga ako eh."
"Ano kayang itsura ng kabilang buhay? Totoo bang may langit?"
"Hindi ko alam eh. Sa tingin ko wala."
"Ako, naniniwala ako sa reincarnation."
"Bakit naman?"
"Naniniwala ako na nabuhay na ako noon. Siguro naging langaw na ako. Tapos nung namatay ako, nag level up sa daga, then nag level up sa pusa, then nag level up na ulit sa tao."
"Ganon ba yung process ng reincarnation?"
"Ewan ko. Sabi ni papa, yung mga langaw daw at ipis, mga congressman daw yan na namatay."
"So congresswoman ka pala noong past life mo?"
"Siguro? Siguro napakasama kong tao noon."
"Paano mo naman nasabi?"
"Eh kasi hindi naman ako mapaparusahan ng ganito kung wala akong nagawang napakasama noong past life ko eh. Kaya siguro hindi ko deserve magkaroon ng mga magagandang bagay kasi binabayaran ko yung mga kasalanang hindi ko maalala."
"Wag mo isipin yan."
"Ang galing. Wow. Hindi ko na naisip."
"Hay nako. Sarcasm."
"Alam mo, Yu, hindi mo makokontrol ang pag-iisip ng tao. Kahit anong gawin mo, maiisip at maiisip mo pa rin ang mga bagay bagay kahit ayaw mo. Lalo ngang lalala kapag pinipilit mong huwag isipin. Syempre iniisip mo na huwag mong isipin. So technically, iniisip mo pa din."
"Ahh. Parang pag-ibig pala yan, no?"
"At paano namang naging parang pag-ibig yun?"
"Kasi kapag pinipilit kong huwag ma-inlove, lalo akong naiinlove eh."
"Abaaaa. May bagong pag-ibig. Magkwento ka naman!"
Napaka manhid mo talaga. Maski ata yang puso mo naaapektuhan na ng morphine. Pero ang alam ko kasi, yung sakit lang ang pinapatay ng morphine, so dapat ramdam mo pa din ang pagmamahal na pinapakita ko.
"Malalaman mo din yun, kapag kaya ko nang sabihin."
"Charotero ka talaga, Yu. Sino ba kasi yun? Sabihin mo na kasi."
"Wag ka na makulit. Kamusta pakiramdam mo?"
"Nakakainis naman to. Ayaw pang sabihin."
Cora naman eh. Hindi pa ako ready. Hindi ko alam kung kailan ako magiging ready.
BINABASA MO ANG
Will, You, Mary & Me
Teen FictionKwento ng pag-ibig na walang kasiguraduhan na nabuo sa hindi kapani-paniwalang lugar, oras at pagkakataon. Apat na tao. Dalawang pusong sugatan. Isang notebook. Tatlong daan at anim na 'put limang araw.