Day 270

38 0 0
                                    



Hindi ko namalayan na nakatulog ako. Magdamag talaga akong nag-abang ng text or chat from you. Naalimpungatan ako, 5:33 am. Hindi masyadong dilat yung mata ko (oo alam ko hindi naman talaga nadidilat yung mata ko), may mga notifications ako pero nothing from you.

Natulog ako ulit. Nagising ako mga ala-una na. Pumasok sa kwarto ko si Gia.

"Aya..."

Medyo nainis pa ako kasi ayoko talaga yung biglang may papasok ng kwarto ko at manggigising. Pero iba kasi yung tono ng boses ni Gia.

Bumangon ako then I asked her what's wrong. Hindi muna nya sinabi sa akin. Nagtataka ako kasi para syang paiyak na ewan. Kinabahan tuloy ako.

"Bakit? Ano yun? Anong nangyayari sayo?" Tanong ko.

"Nabasa mo ba yung news?" Shit. No. Please, no.

Alam ko na kung ano yun. Bumilis yung tibok ng puso ko. Nanlamig yung mga kamay ko at may nakaready nang luha sa mga mata ko.

"Si Achi Cora. She's in coma."

Seriously. Tumigil ang mundo ko at parang tumigil din ang pagtibok ng puso ko. Alam kong may pag-asa syang mabuhay, pero comatose? Parang patay ka na din nun kasi machine nalang ang bumubuhay sayo.

"What? No. Tell me, you're joking, right? Gia? Tell me!"

"No! I swear to God." Umiyak na sya nang tuluyan.

Ayoko nang basahin yung article na kumakalat na ngayon sa social media. That's too much. Hindi ko kaya. Hindi ko pa kayang ipasok sa kokote ko ang katotohanan na mawawala ka na. Hindi ako makapaniwala. Miracles? Sana totoo. Sana nga magmilagro.

"Car accident. Sa SLEX. Sumalpok sya dun sa truck. I'm really sorry, Aya."

"No. No. No." Ayokong ipakita kay Gia na para akong bakla umiyak pero hindi ko napigilan.

Cora, why did you do this? Bakit kasi umalis ka nalang bigla? Sana sinabi mo sa akin para nailigtas kita. Nakakainis ka!

Nakatanggap na din ako ng mga texts from your friends, from your parents and lola. Hindi pa makauwi parents mo from Germany dahil sa trabaho pero babalik daw sila within this month. Sobrang nag-alala ang mama mo, lalo na ang papa mo.

Andoon ka sa ICU ng UST Hospital. Naabutan ko din doon sila Maggie at Kevin.

Niyakap ako ni Kevin at Maggie nung pagkakita nila sa akin. Ayokong maging emotional pero hindi ko maitago yung lungkot na nararamdaman ko eh.

"Ano nang balita?"

"Ayun, napuruhan daw yung brain nya. May internal bleeding din and broken bones." Sagot ni Kevin.

"May chance pa naman na mabuhay sya, di'ba?" Tanong ko.

"Oo naman. Pray lang." Sagot ni Maggie.

"I don't want to be a pessimist, pero, oppa, brain dead na sya. Respirator nalang bumubuhay sakanya eh." Sabi ni Kevin.

Ayokong panghinaan ng loob. Alam kong mabubuhay ka. May dahilan ka para mabuhay. Andito ako eh. Magiging gilfriend pa kita. Aasawahin pa kita. Magkakaanak pa tayo at sabay tayong mamamatay kapag matanda na tayo.

Nakita kita doon, nakahiga ka. Mukhang mahimbing ang tulog mo. Napakaganda mo pa din kahit na puro pasa ang mukha mo at medyo nadeform yung ilong mo. I wonder kung ano kaya ang napapanaginipan mo nung mga oras na yun. Aware ka ba na andun kami? Aware ka ba sa nangyari sayo?

Isa isa lang kasi ang pinayagang pumasok sa ICU. Nilapitan kita at tinry kong kausapin ka. Sabi nung doctor, may chance na maririnig mo ako pero hindi ka makakapagbigay ng response.

Will, You, Mary & Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon