DAY 24
Kinabukasan, nakipagkita ka ulit sa akin. Pero hindi mo naman ako pinilit. Tinanong mo kung busy ba ako at kung busy ako okay lang sayo kahit hindi kita samahan mag arcade.
Ayun din yung araw na kinamusta ako ni Mary. Nagtext sya saken gamit yung ibang number. Nataranta ako. Parang naconfuse tong nararamdaman ko. Parang nanunumbalik yung pag-asa ko kay Mary. Naisip ko na baka ako pa din talaga ang gusto ni Mary at gusto nya lang maramdaman na hinahabol ko sya.
Sinabi ko yun sayo. Bigla kang nanlamig sa text. Nagselos ka ata. Hahaha! Yiiie.
Hindi ko na nireplyan si Mary. Mas pinili ko yung pagmomove on ko kesa dito sa urges kong makipagbalikan sakanya. At mas pinili kong samahan ka sa arcade.
Ang weird nga ng mga hilig mo sa buhay eh, weird but at the same time, it's wonderful. Mahilig ka sa animals. Sabi mo nga 5 years ka nang nag-iipon para makapagtayo ng animal shelter. Mahilig ka mag arcade. Mas gusto mong mag-picnic kesa magdate sa mga mamahaling restaurants. Mas gusto mo love letters kesa sa mga messages na pinopost sa facebook. You prefer the old ways. Para kang babaeng nanggaling sa 1950s na nagtime travel sa 2010s.
"Noong unang panahon kasi, mas dama mo yung pagmamahal sayo eh. Mas intimate, mas romantic, mas memorable, compare sa panahon ngayon na umiikot lang ang mundo natin sa social media." Sabi mo saken noong Day 15. Galing ko no, naaalala ko pa.
Anyway, dahil nagtatampo ka, kahit na dinideny mo saken na nagtatampo ka, pinuntahan pa rin kita. Talagang pinilit kitang samahan sa pag-aarcade mo. Pakipot ka pa, alam ko naman na gusto mo. Hehe.
Wala akong kotse. Di ako kagaya ng mga dream guys ni Mary. May kaya ang family namin dahil may business kami, pero strict ang parents ko when it comes to luho. Alam mo naman mga Chinese parents (some), lahat ng makakatipid doon tayo, pwera nalang pagdating sa education. Kung may gusto akong bagay, dapat pinag-iipunan. Not to brag pero magaling talaga ako mag budget. At sabi mo saken, isa ako sa mga 'Husband Goals.'
Pag nagagala tayo, commute tayo palagi. Gusto ko na nga na may uber nalang tayo pero ayaw mo. Mas gusto mong magjeep, magtricycle o sumakay nalang sa kalesa. Lagi mong sinasabi na "Mahal mahal mag uber. Kung mag gaganon lang din tayo, sa kalesa nalang tayo sumakay, mas matutuwa pa ako." Eh kaso sa may Intramuros pa may mga kalesa, bihira lang tayo makakita ng kalesa sa may Espanya. Hahaha!
Ayun na nga, Day 24. First time kong makasama ka mag arcade. Para kang bata. Nagkakasya ka sa mga pambatang rides at tuwang tuwa ka. Naglaro tayo ng racing, claw machine kung saan binigay mo saken yung pangalawang nakuha mo, si Snorlax. Naglaro din tayo ng arcade basketball, Tekken, Coin dozers at nagpicture din tayong dalawa sa photobooth.
Ang saya ng araw na to, promise. Nawala bigla sa isip ko yung sakit na binigay saken ni Mary. Sobrang nagpapasalamat ako kasi you took some of the pain away. Oo naaalala ko pa rin si Mary, pero parang wala na din akong pake sakanya. Hindi na ako nalulungkot gabi gabi, iniisip ko nalang yung mga positive things na nangyayari.
Day 24, ito din pala yung nakita tayo nila Anthony at Lucas, yung mga classmates ko na kaibigan din ni Mary. Pinakilala kita sakanila. Alam mo ba nagchat sila saken nung kinagabihan? Tinatanong nila kung ikaw daw ba yung bago kong girlfriend. Sabi ko, hindi. Pero inaasar pa rin nila ako.
Ito rin pala yung araw na dinala mo ako sa condo mo. Around 8pm ata yun nung nakarating tayo dun. Wala ka palang kasama dun tumira. Natakot din ako kasi baka mamaya yayain mo ko makipag sex HAHAHA! Hindi ako handa at di pa ako papayag. Conservative ako. (Weh)
Kaya mo lang ako dinala sa condo mo para ipakilala ako sa pusa mong si Adolf. Narecognize ko yung itsura nya, sya yung nasa picture mo sa wallet.
Di naman magarbo yung condo mo, sakto lang para sa maliit na nilalang na katulad mo. Color white yung pintura ng pader, may flat screen TV, may mga vinyl records na naka display malapit sa desk mo. May turn table ka rin. Mga posters ng classic bands like The Beatles, Zombies, Led Zeppelin, ACDC, atbp na hindi ko na alam haha!
Sinabi mo din saken na yung parents mo ay nasa Europe parehas. Tinanong ko kung balak mo din ba sumunod, ang sabi mo ayaw mo. Na okay lang magbakasyon dun pero ayaw mo tumira dun.
"Eh sino lang yung nag-aalaga sayong nakakatanda?" Tanong ko.
"Dito wala. Pero sa Cavite, andun yung lolo at lola ko. Sabi ko kasi kela mama at papa, gusto kong maranasang mamuhay mag-isa. Ilang taon kong pinangarap to. Nung nag 18 lang ako saka nila ako pinayagan. Hindi na ako nag debut, itong condo unit na to yung niregalo nila saken."
"Buti hindi ka natatakot? Paano kung may mangyaring masama sayo?"
"Kung meant saken na mangyari yun, kahit anong iwas ko, mangyayari at mangyayari talaga. Tsaka, di ako natatakot mamatay."
"Bakit naman?"
"Eh lahat naman tayo mamamatay. Tsaka mas okay nga yun, para wala nang problema. Wala na akong iisipin. Wala na ako."
Napakatapang mong tao. Pero sana iniisip mo din yung mga buhay na nagmamahal sayo at masasaktan kapag nawala ka.
"Oh tigil na drama, Yu. Umuwi ka na. Umuwi ka na daw sabi ni Adolf." Di mo saken sinabi kung bakit Adolf ang pangalan nya pero narealize ko na kung bakit. Kasi may spot sya sa ilalim ng ilong nya na nagmukhang mustache ni Adolf Hitler hahaha. Ang cute.
Mga 10pm ako umuwi sa amin. Hindi na tayo masyado nagchat nun kasi nagrereview tayo parehas. Hahaha!
BINABASA MO ANG
Will, You, Mary & Me
Teen FictionKwento ng pag-ibig na walang kasiguraduhan na nabuo sa hindi kapani-paniwalang lugar, oras at pagkakataon. Apat na tao. Dalawang pusong sugatan. Isang notebook. Tatlong daan at anim na 'put limang araw.