At dahil nawalan ako ng konting feelings sayo, ngayon ko nalang ulit naisipang magsulat. Maraming nangyari sa loob ng halos tatlong buwan. Hindi na tayo madalas magkita at hindi na rin tayo nag-uusap like the way we used to. Kasalukuyan ka pa ding nagpapagaling at palagi mong nakakasama sila Kevin, Maggie at Chloe.May nakilala din akong babae, well actually matagal ko na syang nakikita sa school at nakausap ko na din sya once dahil kakilala sya ni Teddy. Taga school lang din sya, IT yung course nya. At napaka weird din ng coincidence dahil Mary din ang pangalan nya. Mary Jane Ching. MJ for short. Pero Ching ang tawag sakanya ng mga classmates nya.
Chinita sya, maputi, maliit din kagaya mo, mahaba ang buhok, medyo boyish ang attitude dahil isa syang band vocalist at gamer.
Hindi ko alam kung paano ko idedescribe yung relationship ko sakanya eh. Naging close kami since nung niyaya ako ni Teddy na umattend ng isang event sa Saguijo, kung saan nag-album launch ang banda nila MJ. 'Selcouth' yung band name nila. Medyo sumisikat na sila sa underground music scene. Mala-Flyleaf na may halong Lana Del Rey ang genre nila. Technically speaking, post-grunge/baroque pop, with themes of tragic romance and melancholia.
Paano nangyari yun di'ba? Hirap explain pero nahahati ang album nila sa dalawang genre. 10 tracks na puro electric guitars, gut-busting drum solos at screams, then 10 tracks na sadcore, dream pop (subgenre ng alternative rock at neo-psychedelia), basta para kang nakikinig ng kanta ni Lana Del Rey at Melanie Martinez. Tagalog at English ang language ng lyrics nila. Si MJ ang sumulat ng lahat ng kanta nila.
Anyway, ayun na nga, doon kami nagkakilala. Interesting din naman sya kausap, matagal na kaming friends sa FB pero recently lang kami naging magka close in person. Madalas na kaming magka chat.
I have to admit, nagkakamabutihan nga kaming dalawa. Umamin sya sa'ken na gusto nya ako. Gusto ko din naman sya, I mean, she's cute, talented, unique, sweet and for sure magugustuhan ng mga grandparents ko dahil nga Filipino-Chinese din sya. Puro bakery naman ang business ng family nya.
Nakakalaro ko din sya ng DOTA. Yun lagi ang bonding namin after school pag wala syang band practice. By the way, nasabi ko na pala kela Teddy na hindi talaga tayo magboyfriend at girlfriend. Sinabi ko din na kaya lang natin ginawa yun ay dahil gusto nating pagselosin si Will at Mary.
The funny thing is, kahit na walang tayo, nag undergo pa rin ako sa process ng pag-momove on. Buti nalang at may sumalo sa akin.
Hindi ka pa rin naman mawala sa isip ko eh. Kaya nga siguro hindi ako makapag commit kay MJ dahil nga may feelings pa rin ako sayo, mga 10%. May something talaga sayo na wala sa ibang babae.
Hindi rin talaga sa akin malinaw kung ano ba talaga kami ni MJ, aaminin ko, may nangyayari sa amin. Ewan ko ba kung bakit pumapayag na ako (ako pa talaga). Medyo wild din kasi si MJ. Sya talaga yung nagyayaya. Hindi naman din sya nagtatanong kung ano ba kami. Ayaw din naman daw nya ng commitment, okay lang sakanya na fling kami.
Nagpost ng pictures namin si MJ. Yun yung time na sinama ko sya sa Lib-Lib. Wala kaming ibang mapuntahan nun kaya naisip kong dalhin sya dun sa secret art cafe na yun.
"Loved this place so much. Thanks, Kim ❤️" yun yung caption.
Inulan din ng "yiiiie", "aba may lovelife na", "bagay kayo" at kung anu-ano pang panunukso sa amin ang comment section. Gusto kong i-untag ang sarili ko kaso baka naman maoffend si MJ.
Nagkaroon ako ng mini-heart attack noong ni-like mo yung picture namin.
As expected, nag-chat ka.
[bHoszx:] Bagay kayo. ❤️ Congrats!
Honestly, hindi ko alam kung ano ang irereply ko.
[Chekwa:] Hala. Haha!
[bHoszx:] Girlfriend mo na?
[Chekwa:] Hindi pa. Hahaha!
[bHoszx:] Ahhh... so nililigawan?
[Chekwa:] Hindi rin. Haha. Fling-fling lang, I guess. (Although hindi ko talaga alam ang ibig sabihin ng 'Fling-Fling lang'. Hindi ko alam kung parehas ba yun ng MU.) (But I consulted the dictionary, Fling means brief sexual relationship)
[bHoszx:] Ahh. Grabe ka ha, FUBU ah.
[Chekwa:] Single naman ako eh.
[bHoszx:] Good point. Pero bagay nga talaga kayo. Parehas chekwa hehe. Bakit hindi mo ligawan?
[Chekwa:] Nahh. Hehe. Nakakatakot.
[bHoszx:] Hindi naman lahat ng 'Mary' magkaka parehas. Ang cool nga nya eh. Sobrang layo sa Mary na ex mo na girlfriend ng ex ko.
[Chekwa:] Maybe this is not the right time. Siguro dadating din tayo dyan.
[bHoszx:] Haha! Okay. Basta, masaya ako para sayo, Yu.
[Chekwa:] Thank you. Masaya din ako para sayo. :)
[bHoszx:] Bakit naman? Ano bang dapat ikasaya para sa'ken haha.
[Chekwa:] I'm happy that you are alive and well. Friends pa din naman tayo, di'ba?
[bHoszx:] Yeah sure.
[Chekwa:] Yeah sure?
[bHoszx:] Sure nga. Haha ge good night!
Nagparamdam ka na naman. Nakakainis ka. Unti-unti na namang nagdodownload ng feelings ko tong puso ko. Gusto ko na ngang magfocus kay MJ, pero andyan ka pa din. Kala ko nga sobrang maaattach na ako kay MJ dahil nga sa relationship na meron kami. Wala pa ring effect. May tama pa din ako sayo.
MJ knows everything about you. Alam nya din na ex ko si Mary, dahil nga famous sa school si Mary at everyone used to know na girlfriend ko sya. Nung panahong iniiwasan mo ako at pinipilit ko din na huwag kang kausapin, si MJ ang naging human diary ko.
Malayo ang ugali mo kay MJ eh, kaya siguro hindi ko talagang mahalin sya kagaya ng naramdaman ko para sayo. Nakikita ko kay MJ ang sarili ko. Parehas kami halos ng mga interests at hobbies. Parehas kami mag-isip at parehas kami ng mga pananaw. Sabi ng iba maganda daw pag ganun kasi click agad. Para sa akin, hindi ideal yun. We'll just end up clashing.
Unlike you, hindi mahilig mag adventure si MJ. Sya yung tipo ng babae na mas gustong tumambay lang sa bahay or sa mga lugar na malalapit lang sa bahay nila. Madaldal ka, sya hindi pala-salita, like me. But like you, magaling din syang magdrawing at magsulat.
However, she has a strong personality. Hindi sya sumusuko kaagad. Positive ang pananaw nya sa buhay although napaka tragic ng mga sinusulat nyang mga kanta.
Ayokong i-compare kayo. Parehas naman kayong maganda at ka-ibig-ibig, kaso kailangan kong mamili eh. Gusto ko nang tanggapin na hindi na magiging tayo. Gusto ko nang mauntog sa katotohanan. Ayaw ko nang maulit ang nakaraan.

BINABASA MO ANG
Will, You, Mary & Me
Teen FictionKwento ng pag-ibig na walang kasiguraduhan na nabuo sa hindi kapani-paniwalang lugar, oras at pagkakataon. Apat na tao. Dalawang pusong sugatan. Isang notebook. Tatlong daan at anim na 'put limang araw.