Day 277/278

46 1 1
                                        




1 week na ang nakalipas, ganoon pa din ang condition mo. Hindi ka pa din nagigising. Umaasa pa din kaming mabubuhay ka ng mga makinaryang naka-konekta sa baga at mga ugat mo. Umuwi na din pala ang parents mo noong makalawa.

Napakahilig mong makipaglaro sa kamatayan, Cora. Bilib ako sayo kasi hindi ka natatakot. Iniisip ko nga na nasa pelikula tayo ni Chloe Moretz, yung 'If I Stay'. Nagsasalita ako habang nakabantay sayo, umaasa akong nanunuod at nakikinig ang kaluluwa mo.

"Cora, hindi ka si Chloe Grace Moretz. Please lang. Bumalik ka na. Gumising ka na. Balita ko nga pupunta dito sa Pilipinas yung crush mong korean eh. Sige ka, hindi mo sya makikilala in person kapag hindi ka gumising."

Pero wala eh. Andyan ka pa din sa kama mo, ang himbing ng tulog mo. Isang linggo ka nang tulog.

Sabi nga nila sa akin, sumuko na daw ako. Maski nga lola at ang iba nyong kamag-anak sumusuko na. Sabi nila, gastusin nalang daw ang pagpapanatili sayo sa ICU. Pineperahan nalang daw ng ospital ang nanay at tatay mo.

Pero ang nanay at tatay mo walang pakielam. Katulad ko, umaasa din silang gigising ka. Wala silang pake kahit na gumastos pa sila ng pagka-mahal mahal, kahit pa daw maghirap sila.

Days were tough, Cora. Bakit ba kasi dumating pa ang araw na yun? Wala tuloy akong ibang masisi kungdi ang sarili ko. Nagsisisi ako kasi hindi agad ako umamin sayo. Nagsisisi ako kasi naghanap pa ako ng iba na magtatakip sa puso kong nabutasan. Hindi ko man lang napansin o hindi ko man lang pinatulan ang lahat ng akala ko.

Hindi ako makapag concentrate sa pag-aaral ko, sobrang tuliro ako sa mga pangyayari. Namimiss kita palagi. Kahit na hindi ako pala-dasal, nagdadasal na din ako sa lahat lahat ng santong available na sana ibalik ka na nila. Hirap na hirap na ang puso ko. Mas mahirap pa to kesa sa posibilidad na mabasted mo ako.

Napapansin nga din nila mama at papa na nalulungkot ako. Alam din nila ang sitwasyon mo and they are willing to help your parents sa hospital bills mo.

Niyaya kong uminom si Teddy at Inggo. Wala si Chito kasi hindi pinayagan lumabas ng nanay nya. Doon lang naman kami sa bahay namin uminom. As usual, gin, Tang pineapple, sisig na de lata at mga chichirya na nabibili sa 7-Eleven ang pulutan namin.

Sobrang stressed ako sa acads kasi patapos na naman ang sem at nalalapit na naman ang mga exams at deadlines ng mga projects. Hindi ko na kinakaya ang utak ko. Alam nila Inggo at Teddy ang pinagdadaanan ko kaya hindi sila nagdalawang isip na samahan ako.

Iba't ibang topics na ang pinag-uusapan namin pero hindi pa din kita maialis sa isipan ko. Napapanaginipan ko na nga na nagising ka na daw, na okay ka na. Nadidisappoint tuloy ako everytime na nagigising ako kasi hindi pala totoo.

"Brodie, gusto kong palakasin ang loob mo. Alam kong mahirap. Naranasan ko na yan bago mamatay si Erpat. Noong una, ayoko siyang i-let go eh. Syempre si Erpat lang ang kakampi ko from the very start. Pero habang nakikita ko kasi syang nahihirapan, mas lalo kong narerealize na mas okay nang tanggapin na mawawala na siya eh. Mahirap pero, alam mo yun, iniisip ko din yung sitwasyon nya. Pakiramdam ko mas mahihirapan sya kapag pinilit pa namin." Sabi ni Inggo. Cancer of the lungs yung ikinamatay ng tatay nya.

"Alam ko balang araw makaka-move on din ako. Pero brodie may pag-asa pa kasi eh. Malabo man, pero meron. Ayokong bumitaw. Hindi ko pa ata kayang tanggapin. Hindi ko pa naihahanda yung sarili ko." Sagot ko.

"Sinasabi ko sayo, ngayon palang maghanda ka na. Ayokong maging negative or what, pero consider the possibilities brodie." Sabi naman ni Teddy.

Ang hirap.

Naaappreciate ko yung mga sinasabi nila sa akin, pero napakahirap isipin na konti nalang ang chances na makakasama pa kita. Ang dami ko pa kasing pangarap na kasama ka eh. Ikaw din, bata ka pa. Hindi ka pa nga tapos sa bucket list mo eh. Sabi mo aakyat ka pa ng bundok, pupunta pa tayo dun sa sunflower maze. Pupunta ka pa sa Amsterdam. Magpapatayo ka pa ng animal shelter. Ano na mangyayari sa mga yun, Cora?

Nagsend nga pala sa akin ng message si MJ. Hindi ko pa din binubura yung number nya, pero hindi ko pa din siya inuunblock sa facebook at messenger.

"Kim." Yun lang text nya. Nireplyan ko naman.

"Po?"

"I'm sorry about what happened to Cora. :( Are you feeling okay?"

Hindi ko siya pwedeng sisihin dahil alam naman nating lahat na hindi nya ginusto ang mga nangyari. Pero syempre, siya ang dahilan kung bakit mo naisipang lumayas.

"Thank you sa concern. Well, to be honest I am not ok. Pero I'm trying my best." Reply ko.

Medyo matagal siyang nagreply or hindi ko lang talaga muna pinansin kasi busy din ako sa pakikipag kwentuhan kina Inggo at Teddy.

"Kim, is there any chance na makapag-usap tayo ulit in person? I know you're having a bad time. I'm sorry, I just miss you." Text nya.

"I mean, hangout as friends lang naman. No hook-up or anything. I just miss talking to you." Follow up text nya na nareceive ko right after I opened her text message.

Binanggit ko yun kela Teddy at Inggo.

"Wat da pak." Initial reaction ni Inggo. "Parang ang insensitive nya sa lagay na yun."

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Brodie, alam nyang hindi ka okay dahil nga comatose yung mahal mo. Tapos yayayain ka nya? Brodie alam ko yang mga ganyan." Sabi ni Inggo. "Friend ko din siya pero, parang ganon kasi ang datingan eh."

"Para sa akin naman, why not?" Iba naman ang opinion ni Teddy.

"You're both sad, make yourself happy. Wala namang masama dun. Malay mo wala naman talaga syang ibang balak kungdi ang kausapin ka lang or makita ka lang for one last time. Or baka way nya yun para iconsole ka." Paliwanag nya.

"What should I do?" Tanong ko. Heto na naman si 'ako'. Hindi na naman makapagdesisyon nang ako lang. Gets ko din point ni Teddy, pero iniisip ko baka mabigyan ko si MJ ng unintentional hope.

"Nasa sayo pa din naman yan, brodie. Malaki ka na eh." Sabi ni Inggo.

Pumayag nalang ako sa invitation ni MJ. She's a nice person naman and I'm sure na maiintindihan nya ako.

Anyway, 3:00am kami natapos sa inuman. Nagkayayaan din kaming kumain ng lugaw doon sa kinainan natin noon. Namiss kita lalo. Namiss ko yung mga 'horny' trips natin (horny trips kasi we wore unicorn onesies).

*Sigh* Sa tingin ko hindi pa talaga akong handang i-let go ka. You're everywhere. Kahit na ipikit ko mga mata ko, ikaw pa din nakikita ko. Hindi ako magsasawang mag-antay, Cora. Sa ngayon, yayakapin kita. Pero dito lang muna sa isip ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 04, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Will, You, Mary & Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon