Matagal tagal din kitang hindi binisita kasi busy ako sa acads, pero palagi naman kitang kinakamusta sa messenger. As usual, malungkot ka na naman. Nagi-guilty nga ako kasi hindi kita mapuntahan. May mga seminars din kasi kaming inattendan.Pero nitong mga 3:30pm ng araw na to, di mo napigilan ang sarili mong lumabas ng condo. Sinundo mo ako sa bahay. Sabi mo sa akin, binayaran mo si Chin-Chin para payagan kang palabasin at huwag magsumbong sa lola mo.
Niyaya mo akong mag-camping. Sabi mo may alam kang lugar. Ayoko sanang pumayag kasi baka mamaya anong mangyari sayo. Sabi mo naman saken okay ka na naman at umiinom ka naman ng mga gamot. Kung anu-anong kadramahan pa ang mga pinagsasasabi mo sa akin para lang pumayag ako.
Ako nalang ang nagmaneho para sayo. Nakakatakot nga kasi hindi ko sure kung tatagal si Ringo hanggang Quezon Province. Wala ka namang ibang sinasabi kungdi "Kaya ni Ringo yan. Bago mga tires nyan. May reserba pa yan sa likod. Marunong ako magpalit ng gulong."
Sabi ko naman, "Ulul baka mamaya ikamatay mo pa pagpapalit ng gulong."
In-short, tinuloy nga natin yung trip mo. Gumamit lang tayo ng google map para makarating dun sa sinasabi mong campsite na tabing dagat. Proud na proud ka pa kasi sabi mo white-sand beach yun at konting tao lang pumupunta dun, lalo na kung ordinaryong araw. Baka nga kamo tayong dalawa lang ang andun.
Bago tayo bumyahe, dumaan muna tayo ng hypermarket para bumili ng tubig, sticks para sa hotdogs at smores na iihawin natin sa bonfire, car foods, etc. At dahil bawal sayo ang may mga conservatives, binilhan kita ng fruits at vegetable salad.
I have to admit na naexcite ako nun. Excited but at the same time, worried. Kasi nga may sakit ka. Baka mamaya ako pa masisi kapag may nangyaring masama sayo. Kulit mo kasi eh.
Ganda ng soundtrip natin, puro maka-luma, pero this time, OPM naman. Yung mga kanta ng Apo-Hiking Society, nila Tito, Vic and Joey, basta mga ganun. Sabi mo mix yun ng mga hilig natin. Mahilig ako sa OPM, mahilig ka sa luma.
Matagal tagal din yung byahe. Nakaidlip ka nga. Sorry naging OA ako. Talagang nag pull-over pa ko somewhere para gisingin ka. Kala ko kasi wala ka na. Haha! Naparanoid talaga ako. Natawa ako sa reaction mo eh. Sabi mo, "Tanginang 'to! Natutulog yung tao eh! Magmaneho ka dyan!"
After 4 hours of driving, nakarating na din tayo sa Barangay Polo. Dun yung way papunta sa Kwebang Lampas.
Mga 7pm na tayo nakarating dun sa may tabing dagat. Nakakatuwa dahil walang katao-tao. Meron man, konti lang. Tapos malalayo pa sila. Ang liwanag ng buwan at ang ginaw ng simoy ng hangin, syempre mag papasko eh. May mabait pang manong na tinulungan tayong mag set-up ng tent at binigyan tayo ng mga panggatong for our bonfire.
Tuwang tuwa kang maglakad sa dalampasigan habang nakapaa. Gandang ganda ka sa mga bituin sa langit.
"Ang ganda ganda dito. Ang saya-saya! Tignan mo yung buwan oh. Yu, tignan mo! Ang ganda!" Pero Cora, di ko na kailangan tumingin pa sa malalayong bituin at buwan. Heto na nga ako, sobrang lapit ko lang sa pinaka maliwanag na bituin na nakita ko sa buong buhay ko. Ikaw yun. Pero syempre di ko sasabihin sayo. Baka lumaki ang ulo mo eh. Haha!
Nag-ihaw ihaw tayo ng pagkain, makulit ka kumain ka pa din ng hotdog kahit na bawal sayo. Nagkwento ka ng mga ghost stories, sabi mo naniniwala ka sa mga sirena at gustong gusto mong maging sirena, niyayaya mo pa akong mag swimming sa dagat. Syempre di ako pumayag. Ang lamig lamig eh.
We spent the whole night talking and realizing things.
"Alam mo ba, si Van Gogh lumulunok dati ng yellow na paint?" Sabi mo.
"Oh? Seryoso? Bakit?" Tanong ko.
"Naniniwala kasi sya na yung color yellow is a happy color. So, sa tingin nya, kapag kumain sya ng color yellow na paint, magiging masaya din ang kalooban nya."
BINABASA MO ANG
Will, You, Mary & Me
JugendliteraturKwento ng pag-ibig na walang kasiguraduhan na nabuo sa hindi kapani-paniwalang lugar, oras at pagkakataon. Apat na tao. Dalawang pusong sugatan. Isang notebook. Tatlong daan at anim na 'put limang araw.