Day 45

48 3 0
                                    



Ito yung araw na nagdouble date tayo with Will and Mary sa Lib-Lib. Unexpected yun. Eh diba doon din kasi yung favorite hang-out place ni Will dahil sayo?

Ayun. Sa iisang spot lang tayo umupo, umorder ng frappe at nagkwentuhan. Medyo awkward on my part. Di ako comfortable. Lalo na sa titigan nyo ni Mary na may halong something evil.

"So, Mary, mahilig ka rin pala sa art?" Tanong mo.

"Ahh, yeah. I love art. I'm into fashion designing. But I'm taking up Architecture. I heard you're an art student?"

"Yep. You heard it right."

"What's your major again?"

"Ahh. Advertising arts. Laki ka ba sa America?"

"Nope. Why?"

"Wala lang. Panay ang ingles mo eh."

"Ahh. Will, balita ko basketball player ka daw?" Nagsilbi akong fire extinguisher sa bagang lumalala.

"Saan mo naman nakalap ang balita na yan bro? Hahaha!" Sagot nya.

"Ay. Hindi ba? Sorry. Haha!" Biglaan kasi yung pangyayari eh.

"Nah, it's cool. Dahil ba matangkad ako?"

"I guess? I mean, ewan ko, mukha kang basketball player eh. Haha!"

"Gusto ko nga din talaga mag try-out, kaso..." Kaso bangko ka. "...nagfofocus ako sa studies ko eh."

"Ahh. Oo nga mahirap pagsabayin eh no?" Double meaning yung sagot ko.

"True."

"Ano bang course mo?" Tanong ko.

"Medtech, bro. Balak ko din magpatuloy sa Med school after graduation. Pero syempre good time muna and some experience."

"I see. Good luck with that."

"How about you? Civil Engineering, right?"

"Yup."

"Cool. Construction and stuff. Buildings."

"Yeah..."

Napansin kong nanahimik kayo ni Mary. Gustong gusto ko pang daldalin si Will para di kayo makapag-usap eh.

"Crazy right? We're all exes. And walang halong awkwardness." Sabi ni Will.

"So proud of us, babe." sagot naman ni Mary.

What the fuck these people. Wala daw halong awkwardness? Mga manhid. Sabagay, wala naman talaga silang pakielam sa nararamdaman ng iba. Bagay nga talaga sila ni Mary.

And out of nowhere bigla silang nag lowkey makeout sa harapan natin. Yung cuddle cuddle at kiss kiss. As in, naimagine ko na may question mark na lumabas sa ulo natin, yung parang sa mga anime.

Tinignan kita. Bigla mong kinuha yung phone mo. Kunwari wala kang pake. Pero alam kong nasasaktan ka. Ako din naman nagselos sa nakita ko. Medyo di ko pa din matanggap noon na may iba nang humahalik sa labi ni Mary.

Hinawakan ko yung kamay mo at hinalikan ko. Ang lamig nga ng kamay mo, medyo nanginginig pa. Nagulat ka pa nga kasi ginawa ko yun eh.

"Baobao, I feel sick." Sabi mo. Bigla kang nag-inarte. Mukhang may pina-plano ka na naman. Syempre nakisakay ako. Baka mamaya sermonan mo na naman ako.

"Aw bakit? Anong nararamdaman mo?" Tanong ko. Tapos niyakap kita.

"Nilalamig ako eh. Painit tayo sa condo?" Tangina. Sabi na eh.

"HA??"

Tapos bigla mo kong kinurot. Siraulo ka talaga.

"Tara na Baobao. May dala ka ba?" tanong mo.

Will, You, Mary & Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon