Monday. Ikaw mismo yung pumunta sa school. Sabi mo kasi wala kang magawa at gusto mong makilala sa personal si Chito. Pero nung pumunta ka sa school, hindi lang si Chito ang nakilala mo, pati yung iba ko pang kaklase na sina Riki, Teddy at Inggo.Nahihiya nga akong ipakilala pa sayo yung mga yun kasi medyo weirdo sila. Mga torpe, nerds (halata naman sa itsura nila), mga di pa nakakaranas makahawak ng kamay ng ibang babae, ibang iba doon sa mga katropa ni Will na famous, conyo, athletic, ma- 'maskels'. Mga shy type yung mga katropa ko sa school, sa una, pero pag lagi mo na silang nakakasama mga tarantado din yung mga yun.
Sumama ka samen mag-lunch. Kadalasan sa karinderya lang naman kami kumakain. Tinanong nga saken ni Inggo kung okay lang na kumain ka sa ganung lugar, sabi ko: "Oo. Mukha lang RK yan pero amazona yan. Kaso cute size."
Natuwa sila sayo kasi ang daldal mo daw tsaka kalog. Di katulad ni Mary na ayaw makisalamuha sakanila. Gusto nya kaming dalawa lang o kaya kasama yung mga conyo nyang tropa.
"Bakit mo pala nagustuhan si Kim? Mahilig ka sa ano no? Sa Kpop?" Tanong ni Teddy.
"Hindi ako mahilig sa K-pop. Ewan ko ba kung bat ko nagustuhan yan. Ginayuma lang ako ng kilay nya." Wusshuu. Pero sa totoo lang alam kong crush mo ko kasi kamukha ko yung bida sa pinapanuod mong K-Drama. 😛
"Yiiie. Pogi naman yan si Kim ah. Alam mo ba daming nagkaka kras dyan?" Sabi ni Chito. "Pero mas pogi lang ako ng 10%" dagdag nya.
"Oo naman. Pogi pogi nitong Bao-bao ko eh." Bigla kang kumapit sa braso ko at kinurot kurot mo yung pisngi ko at hinimas mo yung kilay ko. Bao-bao amputa. Nalaman mo siguro sa kapatid ko na yun yung tawag saken ni mama pag nilalambing ako.
"Pre yoko na. Usto ko na mamatay." Sabi ni Riki. Nagseselos sya kasi di pa daw nya nararanasan yung ganon.
"Okay lang yan, Riki. Pakapalan mo kasi kilay mo para may babaeng mahumaling sayo." Asar ni Inggo kay Riki.
Mga ala-una, hinatid na kita sa sakayan ng jeep. May klase kasi ako ng 1:30 at may klase ka naman ng 2:00. Nakita natin si Mary na bumaba sa kotse ni Will. Nag goodbye kiss pa sila.
Nakita tayo ni Mary. Hinawakan ko kamay mo tapos dumiretso tayo ng lakad.
"Uy, Kim!" Nagulat ako kasi pinansin ako ni Mary. Hindi ko alam kung papansinin ba kita o hindi eh.
"Uy." Sabi ko.
"Pakilala mo naman ako sa bago mo." Nakangiti sya nang sinabi nya yan.
"Hello! Cora!" Pinakilala mo na ng kusa yung sarili mo. Mas hinigpitan mo yung hawak sa kamay ko.
"Oh, hello. I'm Mary. Nice to meet you!"
"Oo nga eh. Nice. Hehe." Alam kong sarcastic yung 'Nice' mo.
"Ahh sige, Mary. Ihahatid ko lang sya sa sakayan." Ayoko nang humaba pa yung pag-uusap nyo kasi baka biglang magkasabunutan kayo.
"Okay. Ingat ka, Cora!" Sabi nya.
Pakiramdam ko nanttrip din tong si Mary eh. Gandang ganda kasi sya sa sarili nya. Gusto nyang maintimidate si Cora sakanya.
"Kala mo ang ganda ganda nya. Pwe! Gold digger!" Sabi mo.
"Pero sabi mo noon maganda sya hahaha!" Sagot ko.
"Ahh okaaay. Ganon. Sya kinakampihan mo?"
"Sinasabi ko lang yung fact."
"Ewan ko sayo."
"Sorry na, liit!"
"Alam ko naman na kaya nya nagustuhan si Will dahil sa kotse nya eh. Wala atang pamasahe yang ex mo. Kakapikon!"
"Siguro nga. Sorry ah."
"Okay lang."
"Hindi. Sorry talaga."
"Bakit naman?"
"Kung naging mabuting boyfriend lang ako kay Mary, siguro hindi sila magkaka developan ng ex mo."
Hindi ka sumagot ng ilang minuto. Binuksan mo yung payong mo at nag-abang na ng jeep.
"Wala ka namang kasalanan. Wag mo sisihin ang sarili mo."
Pero nagi-guilty talaga ako eh. Hindi ko rin maintindihan kung bakit pinipilit kong sisihin ang sarili ko kahit na paikut-ikutin natin ang nangyari at kahit na saang anggulo mo tignan eh mali si Mary at si Will sa mata ng iba. Siguro para sa point of view ko, ako talaga ang nagkulang. Wala naman akong ibang babae eh. Kulang lang talaga yung naiparamdam ko sakanyang pagmamahal. Unti-unti ko na ngang natatanggap na bagay si Will at Mary sa isa't isa eh.
Kaso ang iniisip ko, ikaw. Nasasaktan ka pa rin pala. Hindi mo pa rin natatanggap na may iba na si Will. Naiintindihan kita. Alam kong mahirap. Lalo na at sya pa yung unang nakapagpatibok ng puso mo, unang nakahalik sayo, at unang ano. Wala naman kasing cure para sa pusong nasasaktan kungdi acceptance. Kahit ano pang sabihin ko sayo, kahit ano pang gawin ko, hangga't hindi mo natatanggap, patuloy ka pa ring masasaktan.
Nakausap ko si Mary noong pagka hatid ko sayo sa sakayan. Nakasabay ko syang maglakad sa hallway. Nagulat nga ako kasi inaapproach nya na ako.
"You guys look cute together." sabi nya.
"Yeah. I know."
"Buti naka move on ka na agad?"
"Oo nga eh. Ang bilis ba?"
"Unexpected."
"Ikaw nga din eh. Hehe."
"Oh tama na, we're friends na right?"
Friends? Hahahahaha! Ganun ganun nalang sakanya yun? Nakakatawa. Ang tibay. Bakit kaya nila kayang sabihin yun? Napangiti nalang ako nun at hindi na sumagot. Dinukot ko nalang yung cellphone ko sa bulsa ko kunwari itetext kita.
"Grabe, you still mad at me?" Follow up question nya.
"Ha? No. I'm not mad at you." Sagot ko na may tinge of sarcasm.
"Are you sure?"
"I'm DEFINITELY sure."
"Well then, I asked Will if we could still be friends and he said that he's cool with it. And I want to be friends with Cora, too."
Nagulat talaga ako sa sinabi nya. Nagulat na natawa na nabobo.
"What?" Wala na akong ibang naireact.
"I think she's a nice girl."
"I think I better ask her first." Sagot ko.
"I'm sure okay lang sakanya yun. Let's be... Matured."
Sinabi ko sayo yun. G na G ka agad. Pero parang gusto mo ngang tanggapin yung offer ni Mary. Pinipigilan nga kita kasi baka mamaya hindi mo mapigilan ang sarili mo at gumawa ka ng gulo. Malakas makipagplastikan yun si Mary eh.
"Oh! Di'ba? Sabi ko sayo magwowork tong plano natin? Magandang idea yan! HAHAHAHA! 😈"
"Bahala ka. lol. Pag kayong dalawa nagsabong, wala akong kinalaman dyan."
"Ano bang tingin mo saken? Manok? Hindi ako cheap no! Di ako warfreak."
"Sa ugali mo? Well. Ang hirap paniwalaan eh."
"Friends lang naman diba? Gusto nyang makipagkaibigan saken? Fine."
Around 11pm, nagchat ka saken. Sabi mo inadd ka ni Mary sa facebook. Alam ko na naman ang plano nyan ni Mary eh. Gusto nya lang ipamukha sayo na mas better sya sayo. Nabubuo lang confidence nyan sa dami ng likes ng posts nya eh. Ayaw nya kasing may nakakaangat sakanya pagdating sa mga bagay bagay. Kaya hindi rin talaga ako cool sa pakikipag friends sakanya together with Will. Isa pa yun eh. Gwapong gwapo din sa sarili nya.
BINABASA MO ANG
Will, You, Mary & Me
Teen FictionKwento ng pag-ibig na walang kasiguraduhan na nabuo sa hindi kapani-paniwalang lugar, oras at pagkakataon. Apat na tao. Dalawang pusong sugatan. Isang notebook. Tatlong daan at anim na 'put limang araw.