Day 154

31 1 0
                                    




Ngayon lang ako ulit nakapag sulat sa journal na 'to. Naging busy din kasi ako sa school. Nakalabas ka na din pala ng hospital at kasalukuyan kang nagpapagaling ng tuluyan. I'm happy for you kasi nakasurvive ka sa leukemia.

Wala namang espesyal or weird na ganap between us these past few weeks.  Hindi pa din naman ako umaamin sayo at patuloy pa din tayong nagpapakiramdaman. Hindi na din naman umeeksena si Will, pero alam kong nag-uusap pa din kayo. Sabi mo sa akin wala na naman talaga kayo ni Will, friends nalang.

Is it really possible to become friends with an ex? Parang ang hirap, lalo na sa part mo, na ang tagal nyo ni Will (para sa akin matagal yung 2 years kasi hindi pa ako nakakaabot ng 2 years) at nahirapan ka ngang mag move on kasi first love mo sya. He used to be the center of your universe, and he probably still. Para sa akin mahirap yun eh. Para bang nagpepeklat na nga yung sugat, ginagasgasan mo pa rin, like you're making it worse, na ayaw mong pagalingin yung sugat mo.

I tried to be friends with Mary, but I can't. Hindi naman dahil sa may feelings pa ako pero andun pa din yung awkwardness eh. Hindi ko naman maiiwasang maisip yung mga alaala namin. At isa pa, she wanted me back, pero hindi ko alam if she truly meant it.

Nakikita ko naman siya sa school with her friends. I guess naka-move on na din sya. Hindi na din kami nag-uusap. Pero hindi pa rin nya ako inuunfriend sa facebook.

Binisita kita sa condo mo, dinala ko si Adolf. Naiyak ka nga kasi miss na miss mo yung pusa mo. Pero syempre alam naman natin ang ugali ng mga pusa, hindi sila mahilig magpakita ng emosyon kaya mukhang deadma ka lang nya.

Si Ate Chin-Chin pa din ang kasama mo, ayaw pa pumayag ng lola mo na mag-isa ka lang dahil nga kakagaling galing mo lang at nag gagamot ka pa din. Wala na cancer cells mo pero may problema ka pa sa lungs. Naaalala ko tuloy sayo si Hazel Grace ng The Fault in Our Stars dahil sa cannula at yung 'tangke' mo. Parehas pa kayong gustong magpunta ng Amsterdam. Kung may cancer-wish ka lang talaga, pwede kang makarating dun eh no. Pero tingin ko may mga ganung foundation naman talaga, kaso sa US at Europe lang ata, ewan ko lang sa Pinas.

Kahit na napatay na ang mga cancer cells sa katawan mo, hindi pa din napapatay yung anxiety at depression sa utak mo. Hindi ka pa din makatulog, wala ka sa mood, minsan hindi kita makausap, gabi gabi ka nalang nalulungkot at umiiyak. Nakita ko mga paintings mo puro dark at gloomy. Puro color blue, gray, minsan black and white or monochromatic palettes. Sabi ko din sayo ilabas mo lahat ng nasa utak mo sa pamamagitan ng pagpipinta.

Ayaw mo din tumingin sa salamin. Pakiramdam mo ang pangit pangit mo. You still look the same to me. Kung ano yung nakita ko sayo noong una tayong nagkakilala, ganon pa din ang nakikita ko. Palagi ka na nga lang naka bonnet at beanie ngayon kasi nawalan ka ng buhok.

Sabi nga sa TFIOS, ang depression ay hindi side effect ng cancer, yun ay ang side effect ng fact na mamatay ka na. Iba naman ang tingin mo sa depression:

"Ang tao kayang makasurvive sa halos lahat ng bagay as long as nakikita nya yung huli. Pero ang depression iba eh. Lihim na mapanira. Halos araw araw syang nararamdaman. Hindi alam kung kailan matatapos. Walang kwenta kung ituturing mo ang isang tao na tulad ko na para bang malungkot lang, like 'Okay lang yan. Magiging ayos din ang lahat, kapit lang.' Ang kalungkutan kasi parang lagnat, lumilipas din. Pero ang depression, para syang cancer. Hindi mo alam kung kailan ba mawawala, kung makakasurvive ka ba o hindi."

Sinabi mo din na ang kalungkutan ay parte talaga ng buhay ng tao. Hindi kasiya-siya, pero normal. Sabi mo taliwas ang kaisipan mo sa kaisipan ni Hazel Grace tungkol sa depression. Kasi para sayo, ang depression ay parang cancer. Na tingin mo ay kamatayan ang sagot para makawala sa lahat ng sakit na nararamdaman mo.

Sabi mo pa sa'ken, maswerte ako dahil hindi ako nakakaramdam ng ganun. Nalulungkot din naman ako at madalas na hindi rin makatulog sa gabi. Pero siguro nga wala akong depression kasi lumilipas lang naman sa akin ang kalungkutan e. Parang bagyo lang, sasalantahin ang utak at damdamin ko pero umaalis din naman at nagiging okay.

May mga bagay ka naman na ginagawa para maibsan yang mga nararamdaman at tumatakbo sa utak mo eh. Nakakagawa ka ng mga malulupit na obra.

Basta ako, naniniwala ako na ang lahat ng sakit ay may gamot at may pag-asang gumaling. Gusto kong maging secret anti-depressant mo.

Feb.12, balik tayo sa pangyayari ng araw na ito, nung nakitambay ako sa condo mo with Adolf. Binuklat ko yung bucketlist mo. Sabi mo parang imposible nang magawa mo ang tatlo pang natitira sa list, yung magpunta sa lugar na puro sunflowers, umakyat ng bundok, pumunta sa Van Gogh Museum Amsterdam at magtayo ng animal shelter.

Sabi ko naman sayo walang imposible. As your secret anti-depressant, anything is possible. Ako ang bahala sayo. Pero syempre magpagaling ka muna ng husto.

Dumating din pala sila Kevin, Maggie at Chloe nung araw na to. Wala naman tayong masyadong ginawa kungdi magkwentuhan, mag foodtrip at manuod na naman ng Kdrama. Pati ako nahahawa na sainyo.

"Uyy, anong balak nyo sa Valentine's day?" Tanong ni Chloe.

"Ayy, sini-celebrate ba yan?" Tanong ni Kevin.

"Oo naman. Kayo, oppa? Anong balak nyo ni Cora? Yiiie." Sabi naman ni Maggie.

"Maggie, tumigil ka dyan ha. Sasampalin kita." Sagot mo.

"Grabe ka naman sampal agad." Reply ni Maggie.

Hindi ako sumagot. Ngumiti lang ako. Pero sa totoo lang, gustong gusto kitang yayain magdate. Kaso nahihiya ako eh.

"Basta ako gagawa ako ng mga plates. Daming deadlines ngayon." Sabi ni Kevin.

"Pero malalaman ko na umawra ka na naman." Sabi ni Maggie.

"Ay, Guagua tong baklang to." Sagot ni Kevin. (Guagua means gawa-gawa kwento, according to Kevin)

Biglang nag vibrate yung phone ko. Si Maggie nagchat. Nagtaka din ako bat sya nagchat eh kasama naman namin sya.

[Margaret Reyes:] Ask her out before it's too late! Nako ka, oppa baka maunahan ka na naman ni Will.

Natrigger na naman ako. Naisip ko bigla na tama si Maggie. Paano kung maunahan na naman ako ni Will.

[Kim Yu:] What? Paano ko sasabihin???

[Margaret Reyes:] Mamaya yayain mo na.

[Kim Yu:] Wala pa akong naiiisip na lugar.

[Margaret Reyes:] Basta mag-isip ka na and then ask her out. Wag nang magpatumpik-tumpik.

Wala pa din talaga akong naiisip na lugar kung sakaling yayain nga kita lumabas sa Valentine's day. At isa pa, kailangan ko din isa-alang alang yung health mo. Pwede ka na naman lumabas pero bawal ka magpagod at bawal ka mag commute. Well, andyan naman si Ringo, pwede naman kitang ipagdrive lalo na't nakuha ko na ang driver's license ko.

Naisip ko na yayain ka nalang pumunta sa isang museum.

Hindi agad kita niyaya. Syempre sa chat ko nalang sinabi sayo dahil wala naman akong lakas ng loob na mag-yaya in person. Chinat kita nung nakauwi na ako sa bahay habang nag gagawa ako ng homework at plates.

[Kim Yu:] Kung yayayain ba kita lumabas sa Feb. 14, papayag ka ba?

[Coraline Ortega:] Wow. Valentine's date?

[Kim Yu:] Friendly valentine's date. Hahaha! 😂

[Coraline Ortega:] Saan naman tayo pupunta?

[Kim Yu:] Sa National Museum sana or dun sa Pinto Art Museum. Nakarating ka na ba dun?

[Coraline Ortega:] Actually, oo eh. Pero sige, papayag akong lumabas kasama ka on valentine's day, pero ako nalang ang magdedecide kung saan tayo pupunta.

Sabi mo sa akin may alam kang underground na art museum somewhere in Manila. Mukhang naexcite ka nga bigla eh. Well, masaya ako dahil pumayag kang makipag 'friendly' date saken on Valentine's day.

Will, You, Mary & Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon