Ito yung araw na nalaman natin na nag-cool off si Will at Mary. Hindi ko lang alam kung may pake ka ba nung nalaman mo yun eh. Di ko alam kung kinausap mo ba si Will. Wala ka namang kinukwento. Basta ang sabi mo lang saken:"Ahh. Sad naman."
Noong mga araw na yun, hindi ko din alam ang nararamdaman ko eh. Alam mo yung feeling na wala na naman akong feelings for Mary, I therefore conclude na nakarecover na ko, pero nung nalaman ko na nagbreak sila parang ang sarap sa feeling. Parang "Oh ano kayo ngayon? Buti nga sainyo at nagbreak kayo. Bwahaha! Mga ulol kayo!" feeling. Yung di ka na naman umaasa pero masaya lang kasi nagbreak yung ex mo tsaka yung ipinalit nya sayo.
Ito din yung mismong araw na sinabayan akong maglunch ni Mary sa cafeteria. Nagulat nga sila Chito sa nakita nila at pinagbantaan pa akong isusumbong daw nila ako sayo. Okay lang naman saken kasi di naman nila alam kung ano ba talaga ang namamagitan sa atin.
Hindi ko tinanong kay Mary kung ano ba ang nangyari sakanila ni Will. Siya na mismo yung nag-open ng topic. Mukhang depressed nga sya eh.
Sinabi nya saken na nabuksan daw nya yung facebook ni Will at nakita daw nyang marami syang kinakausap na ibang babae. As in kalandian talaga. Ayan kasi, pinagpalit pa ako. Totoo talaga karma eh.
Tinanong ko kung anong plano nya. Kung babalikan nya ba o hindi. Sabi nya hindi nya alam. Nagmamakaawa nga daw si Will sakanya na makipagbati.
"Patawarin mo na sya. Mahal mo naman, di'ba? Tignan mo kung magbabago. Kung hindi pa rin, edi iwan mo na." Yan yung sinabi ko sakanya.
"I don't know, Kim. Hindi ko ineexpect na gagaguhin nya ako."
"Ganyan din sinabi saken ni Cora." Sabi ko naman.
"Well, andyan ka naman for her." Sagot nya.
Sinabi pa nya saken na medyo nagsisisi daw sya at pinakawalan nya ko in a joking way. Pero ramdam kong totoo yun. Kasi kahit kailan wala naman akong kaso ng pambababae. Kapag nagmahal talaga ako, sa iisang tao lang.
Wala naman din akong ibang ginawa kungdi mahalin si Mary noon. Naging busy lang talaga ako at akala ko kasi maiintindihan nya. Wala eh. Nagpahulog sya sa patibong ng isang tall, kayumanggi and handsome na may honda civic na itim.
"Mahal mo ba talaga si Cora?" Tanong nya. Hindi ko inaasahan na tatanungin nya ako ng ganun.
"Oo naman." sagot ko.
"How did you guys meet?" Kinwento ko kung paano talaga tayo nagkakilala.
"Ang cute naman pala ng lovestory nyo. Parang Koreanovela lang. Hehe." Sagot nya.
"Oo nga eh." sagot ko.
"Dahil pala saken kaya kayo nagkakilala no? Kung hindi mo ko nun pinuntahan, hindi mo makikilala yang bago mo."
"Should I say, thanks?"
"It's not necessary but if you want to, then, you're welcome."
"Eh ikaw? Mahal mo ba talaga si Will?"
"Well, yeah. Mahal ko naman sya. Okay naman sya eh."
"Mas okay ba compare saken? Haha!"
"Hay nako, Kim. You're making me feel awkward."
"Nagtatanong lang eh. Pero tingin ko naman mas okay sya saken. Atleast may time sya sayo. Lagi ka nyang naihahatid."
"Pero hindi naman sya loyal like you."
"Yun lang."
Medyo nanahimik kami ng konti. At nagtanong na naman sya.
"Mahal mo ba talaga si Cora? As in, like, hindi sapilitan yung love mo sakanya?"
BINABASA MO ANG
Will, You, Mary & Me
Genç KurguKwento ng pag-ibig na walang kasiguraduhan na nabuo sa hindi kapani-paniwalang lugar, oras at pagkakataon. Apat na tao. Dalawang pusong sugatan. Isang notebook. Tatlong daan at anim na 'put limang araw.