Day 75

44 4 8
                                    



Hindi ko alam kung anong nangyayari sayo at bigla ka nalang naging moody. Yung moody na nakakatakot. Hindi ka galit. Pero lagi kang nalulungkot at gustong mamatay. Pinuntahan kita pagtapos ng mga ginagawa ko.

Niyaya kita kumain sa paborito kong kainan sa Mandaluyong, Kanto Freestyle. Baka kasi gutom ka lang or something. Nagiging okay ka naman kapag lumalabas ka at sinasamahan kita.

Paborito ko talaga yung mga pancakes sa Kanto. Matagal na kitang gustong yayain dun kaso naiisip ko baka di mo trip. Nakalimutan ko na hindi ka nga pala si Mary na napakaarte pagdating sa mga kainan at lugar na tatambayan.

Nagbago yung mood mo nung natikman mo na yung oreo pancake. Sabi mo masarap at tuwang tuwa ka. Napaka babaw nga ng mga kaligayahan mo eh. Hindi ka mahirap pasiyahin. Sadyang madalas ka nga lang malungkot. Naiintindihan ko naman kung bakit.

"Ang sarap pala dito, Yu! Bakit ngayon mo lang to sinabi saken?"

"Ehh... Ngayon ko lang naman naisip eh."

Napapansin ko nga na hindi ka na din ganun kalakas kumain. Madalas kang walang gana kumain. Madalas kang mamutla. Siguro depressed ka. Lalo tuloy akong nainis kay Will. Gustong gusto ko syang sapakin. Ang laki ng impact nya sayo.

Biglang tumugtog yung 'Pangarap Lang Kita' ng Parokya ni Edgar. Pinapakinggan ko yun habang pinapanuod kang kumain. Damang dama ko yung lyrics eh. Pakiramdam ko nasa soap opera tayo.

🎶At kahit mahal kita, wala akong magagawa. Tanggap ko, oh, aking sinta. Pangarap lang kita. 🎶

"Ang ganda ng kanta, no?" Sabi mo.

"Ha? Alam mo yang kantang yan?" Tanong ko. Di ko naman kasi alam na nakikinig ka din pala ng mga ganun paminsan. Alam ko kasi puro oldies at pop-punk mga gusto mo eh.

"Napapakinggan ko lang. Ganda kaya mga kanta ng Parokya."

"Oo nga eh."

🎶Suiran wo hen ai ni
Wo mei fenfa gaosu ni
Wo xin zhong yi you oh ~ qinai
Danshi shi wo de ai 🎶

"Di'ba nakakaintindi ka ng Chinese?" Tanong mo.

"Oo. Bakit?"

"Anong ibig sabihin nung line na yun?"

"Hmm. It means kahit na mahal na mahal kita, wala naman akong makitang paraan para sabihin sayo. Ikaw lang ang nag-iisa sa puso ko. Pero patuloy nalang akong aasa sa pag-ibig na yun." Nagulat din ako dahil nasabi ko din sayo ang gusto ko talagang sabihin sayo. Pero syempre, in a torpe way. Yung hindi halata.

"Ahh. Yun pala yun." sagot mo.

Pero yun talaga ibig sabihin nun, I didn't make that up.

"Yu."

"Oh?"

"Nag-eenjoy ka ba na kasama ako? Hindi ka ba nauumay?"

"Bakit mo naman natanong yan?"

"Wala lang. Baka kasi naiinis ka na saken deep inside."

"Wag ka ngang mag-isip ng ganyan. Bakit naman ako maiinis?"

"Kasi nakakainis yung ugali ko eh."

"Cora, nag eenjoy akong kasama ka. Okay? Kung hindi edi hindi sana kita sinasamahan."

"Promise?"

"Promise."

"Taygu?"

"Taygu??"

"Mamatay man magulang mo?"

"Oo. Tay..gu."

Since then, yun ang naging foundation of trust natin. Mga pauso mo eh.

Will, You, Mary & Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon