December 27.Maaga akong nagising. Balak ko talagang wag ka munang pansinin buong araw. Wala akong magawa, bakasyon pa naman kasi. Ako nalang muna ang nagbantay ng tindahan sa divisioria. Matagal-tagal na din akong hindi nagbabantay dun eh. Naawa naman ako kay Gia kasi lagi nalang sya ang kasamang magbantay dun. Eh nagkataon din na may pupuntahan si mama kaya ako nalang.
Ano ba mga ginagawa sa tindahan? Ayun. Nagkkwenta ng mga paninda. Sumasagot sa mga tawag ng customers at suppliers. Nagsasagot ng mga inquiries ng mga customers. Bata palang kami ni Gia tambay na kami ng Ongpin at Divisoria. Nung bata kami lagi kami doon sa shop ni Angkong sa Ongpin.
Anyway, napadaan nga pala si Chito at ang nanay nya sa tindahan namin. Binati lang at nangamusta.
Di ko din napigilan ang sarili ko. Binuksan ko yung phone ko para i-check kung may messages ka ba. Meron nga. Dalawa lang. Expected ko nga tatadtadin mo ako ng messages.
You: Hoy Yu.
You: Bakit ka umalis?
Nireplyan naman kita kasi naka 'Active Now' ka.
Me: Umuwi na ako kagabi. Hinanap kasi ako ni Papa.
Nakita ko na-seen mo na yung messages at nagta-type ka. Ang tagal mo ngang mag type. Expected ko mahaba yung isesend mo.
You: Ahh. Di ka online kanina ah. Busy ka?
Punyemas. Yun lang pala reply mo.
Me: Sorry, nagbantay ako ng tindahan. Dito ako ngayon sa divi.
Me: Kamusta naman kayo ni Will?You: Friends lang naman kami.
Me: Kaya din ako umalis kagabi kasi ayokong makaistorbo sainyo.
You: Hindi ka naman istorbo eh.
Me: It seems like it.
You: Hindi naman eh.
Me: Okay lang naman. Masaya ka naman kapag andun sya di'ba?
You: Sakto lang. Nagtataka lang ako kung bakit nya ako sinusuyo.
Me: Alam pa ba nya na 'Boyfriend' mo ako?
You: Oo. Alam nya.
Me: Ahh. Eh bakit ang lakas ng loob nya? 😂
You: Friends lang naman daw eh.
Me: Believe me, Cora. He wants you back.
You: Hindi yun.
Me: Pwede na naman natin i-abolish yung contract natin. I guess umepekto na naman yung plano mo eh. Yun naman talaga ang goal ng negotiation natin di'ba?
You: Bakit mo naman pino-propose yan? Hindi pwede. 365 days ang nasa contract natin.
Me: Eh bakit ganon? Ano pa ba ang purpose ko sayo? Andyan na naman ulit si Will. Wala na sila ni Mary. We won.
You: Gusto mo na bang itigil?
Paused. Hindi ko muna sineen yung chat mo na yun. Gusto ko na bang itigil? Sa totoo lang, gusto ko. Gusto ko nang tigilan ang pagpapanggap na boyfriend mo. Kung pwede lang sana na totohanin nalang natin. O kung hindi talaga pwede, itigil nalang natin bago pa ako mahulog nang tuluyan. Hulog na nga ako eh.
Me: Ayos lang sa akin. Ayos lang na Oo ayos lang din na hindi. Nasa sayo naman yan. Gusto mo na bang itigil?
Di ka nagreply. Inantay ko reply mo. Nakauwi na ako sa bahay wala ka pa ding reply. Inisip ko nalang baka nakatulog ka or masama na naman ulit ang pakiramdam mo.
Mga ilang oras ang nakalipas, nagtext si Ate Chin-Chin. Sabi nya nilagnat ka daw at nahirapang huminga. Umuubo ka din daw ng dugo. Nag-alala ako nang sobra. Pinuntahan agad kita sa ospital.
"Immunocompromised". Hindi ko malilimutan yang term na yan. Yan na ata ang pinaka mahabang salita na nalaman ko. Sabi ng doctor mo, sobrang hina daw ng immune system mo. Hindi ka daw muna pwedeng lapitan ng basta basta kasi madali syang mahahawa ng sakit at magkaroon ng infections. Tinanong ko kung okay ka lang ba, sabi ng Dad mo okay ka naman. Nag-alala din sila at umiyak ang mommy mo.
Pabalik na nga sila ng Germany sa katapusan. Hindi sila pwedeng mag extend. Kung pwede nga lang daw na huwag na sila umalis pero kailangan nilang magtrabaho dahil nga lumalaki ang bills mo sa ospital dahil sa mga treatments mo.
Umuwi na ako sa bahay at wala akong ibang inisip kung hindi ikaw. Naalala ko yung una nating pagkikita. Hindi ko akalain na yung babaeng magpapaupo sa akin sa punuang bus ay ang babaeng mamahalin ko sa kasalukuyan.
Nakita ko yung notebook na binigay mo sa akin. Naisip kong sulatan yun. Mga pitong pages ata ang napilas ko dun kasi hindi ko alam kung ano ba ang susulatin ko. Ayun, naisip kita. Ito ang araw na sinimulan kong sulatin yung kwento natin.
Magpagaling ka na, Cora. Hindi lang para sa pisikal, pati rin yung mental health mo at yang puso mo. Pag ang unang pag-ibig naman ay natapos, wag kang mag-alala, may mga kasunod pa. Hindi tayo sumusuko sa pag-ibig at hindi din tayo sinusukuan ng pag-ibig. Hindi man yun katulad ng una, pero mas magiging mabuti yun sa iba't ibang paraan.
Miss na miss na kita, Cora. Pasensya ka na kung hindi ko maipahayag sayo ang lahat lahat ng nararamdaman ko ngayon. Pasensya kung hindi ko masabi nang harap harapan o maski sa chat na mahal kita. Hindi ko pa din talaga maalis yung takot sa puso ko eh. Pakiramdam ko na mas mainam na tong palihim nalang. Kahit na palihim din akong masasaktan. O kaya pilitin ko nalang na huwag ka nang mahalin. Pero napaka imposible kasing hindi ka mahalin eh.
Lagi mong dina-down ang sarili mo. Hindi mo alam kung gaano ka kaganda sa paningin ko. Mas maganda ka pa sa Starry Night ni Vincent Van Gogh. Walang mas kikinang sa mga mata mo at wala nang mas liliwanag pa sa mga ngiti mo. Walang papantay sayo.
Kahit na kalbo ka na ngayon at punong puno ng mga pasa at singaw, maganda ka pa din. Maganda ka inside and out. Naiinis ako kapag dina-down mo ang sarili mo eh. Iniisip mo mahina ka, iniisip mo lagi wala kang kwenta. Nakakayanan mo pa ngang mang-asar kahit na sobrang sama na ng pakiramdam mo. Nakakayanan mong huminga kahit na dinudugo yang baga mo. Nakakayanan mong ngumiti at gumising para mabuhay. Isa kang survivor. Isa kang amasona. Kayang kaya mo yan.
I can't wait for you to get well soon. Konting tiis nalang, okay? Ipangako mo sa akin na hindi ka susuko kahit gaanong kasakit ha? Taygu?

BINABASA MO ANG
Will, You, Mary & Me
Teen FictionKwento ng pag-ibig na walang kasiguraduhan na nabuo sa hindi kapani-paniwalang lugar, oras at pagkakataon. Apat na tao. Dalawang pusong sugatan. Isang notebook. Tatlong daan at anim na 'put limang araw.