Day 29

43 4 0
                                        



Napapadalas na talaga tayo magkita ng mga araw na to. Sabay tayong nagrereview at gumagawa ng plates sa Lib-Lib. Ito din ang pinaka epic na araw sa buhay natin.

Di natin inaasahan kung sino ang makikita natin sa favorite hangout place natin. Yung Exes natin. Di ko akalain na yung bago ng ex ko ay ang bago ng ex mo. Ang weird. Kaya pala familiar saken yung itsura nung Will na yun, sya yung nakasalubong ko doon sa may papuntang terminal ng tricycle.

Nawala ka bigla sa mood. Maski ako. Na-mindfuck ako sa nawitness ko. Dumaan sila sa may spot natin at nakita nila tayong dalawa. Tumingin sayo si Will at tumingin sa akin si Mary.

Bigla kang nagligpit ng mga gamit at niyaya mo ako lumabas.

Doon ko nalaman na di ka pa rin pala fully recovered kay Will. Mura ka ng mura at iyak ka ng iyak habang naglalakad tayo. Mas malakas at mas matigas lang talaga siguro ako kaya hindi ako umiyak. Pero aaminin ko, bigla din akong nalungkot at medyo nanumbalik ang sakit sa puso ko kahit na crush na kita noon (Oo na crush na kita non ok?). Syempre iba naman kapag love eh. Di naman kasi talaga maaalis yun. Naiintindihan din kita kasi parehas tayo.

Parang hindi makatotohanan yung nangyari eh. Talagang pinagtagpo ng tadhana yung mga kupal nating ex. Sa dinami-dami ng mga babae at lalaki sa mundo, talagang sila pa ang nagtagpo.

Niyaya mo nalang ako sa Condo mo na doon nalang gumawa ng plates, tapos pinapunta mo din sila Kevin, Maggie at Chloe. Di rin sila makapaniwala sa nangyari.

Konti lang kasi yung knowledge ko about dun sa Will na yun, di na ako nangstalk o nagtanong sayo about sakanya. Sabi nga nila "What you don't know won't hurt you."

But ayon kela Chloe, rich kid si Will at may kotse daw. Naisip ko, syempre, papatol ba si Mary sa isa pang katulad ko?

Gwapo si Will, malaki katawan, matangkad, kayumanggi. Tall, dark and handsome. Eh ako? Di naman rich kid, wala akong kotse, laging puyat, mukhang hilaw, walang mata, medyo chubby pa, pero matangkad din naman ako "Infairness".

"Kala ko ba nakamove on ka na sakanya?" Tanong sayo ni Maggie.

"Putangina. 2 years kami. Makaka-move on ba agad ako??? Tangina. Mamatay na sya. Hayop sya! Sinasabi ko lang na naka move on na ako para mamotivate ko sarili ko." Iyak ka ng iyak, naaawa na ako sayo.

"Okay lang yan girl. Andyan naman si Fafa Chinito oh. Yiiiiee." Sabi ni Kevin.

"Hala sya!" reaction ko.

"Oo nga girl. Malay mo kayo pala talaga. Pogi naman si Yu eh. Hawig nya yung crush mong Koreano doon sa pinapanuod mong K-drama!" Sabi naman ni Maggie.

"Manahimik nga kayo!!!" Patuloy ka pa rin sa pag-iyak mo sa kama mo. Di mo na tinuloy yung paggawa ng plates mo.

Niyakap ka ni Chloe. Sinabi nya sayo na okay lang yan.

Nung kinagabihan na, bago tayo matulog, tinawagan mo ako. Sabi mo di ka makatulog. Nalulungkot ka.

"Yu."

"Oh?"

"Gusto mo, patayin natin sila?"

"Nababaliw ka na naman, Cora."

"Grabe kasi sila eh. Tinraydor nila tayo."

"Kahit pa patayin natin sila, lugi pa rin tayo. Namatay sila ng mahal na nila ang isa't isa. Wala din naman tayong nakuhang maganda. Wala tayong ibang makukuha kungdi warrant of arrest."

"Meant to be sila. Ganon? Di ako papayag."

"Tignan mo to. Ang yabang yabang mo pa noong nakaraan. Sabi mo naka-move on ka na pero hindi pa pala."

"Eh kasi naman noong nakaraan lang nagtetext pa sya saken. Sabi nya mahal pa din daw nya ako. Balikan ko na daw sya."

"Iapply mo din sa sarili mo yang mga advice mo ah."

"Ang kupal ay para sa kupal." sagot mo.

"Cheers to that. Klaaangk!"

"Klaaangk!"

Will, You, Mary & Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon