Day 30

41 4 3
                                        



Ito yung araw kung kelan gumawa tayo ng kontrata. Ito yung pinaka spontaneous na pangyayari sa ating dalawa. Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa isip mo at nagpropose ka saken ng isang 'business'.

Nakatambay tayo doon sa Lib-Lib, bigla kang naglatag saken ng mga papel na may nakalagay na 'PROJECT PROPOSAL'.

"Ano yan, networking?" Tanong ko.

"Networking amputa." Ganda ng sagot mo.

"Eh ano yan? Hahaha!"

"Project proposal. I want to hire you as my boyfriend."

Naibuga ko yung iniinom kong frappe.

Naka poker face ka lang. Wala ka man lang reaction na kahit ano.

"You want me to be your boyfriend?"

"Hire to PRETEND as my boyfriend. Di naman kailangan tunay. Kahit mag-acting ka lang. May limit naman eh. Basahin mo kasi yung nakasaad sa contract." Kahit na di na ko magpretend willing naman ako. Pero pakipot muna ako syempre.

"Teka teka, ano na naman bang meron at naisip mo to?" Tanong ko.

"Gusto ko lang malaman ng lahat na may boyfriend na ako. And I need you to accompany me sa mga gagawin ko. Okay lang naman kahit ayaw mo. Hahanap nalang ako ng iba."

Binasa ko yung mga nakasaad sa kontrata, ang lalalim ng ingles na akala mo lawyer yung nagsulat. Nakalagay doon na 365 days lang yung bisa ng kontrata natin, pero nagstart na pala yun since September 10, nung una tayong nagkakilala (Para mapabilis kamo).

May matatanggap din pala akong sweldo from you every 15th at 30th ng buwan, 500 kada cut off. Sabi ko sayo kahit na wag mo na ko bayaran okay lang. Pero dahil matigas ka at mayaman ka naman, di ko na tatanggihan.

EMPLOYMENT AGREEMENT

KNOW ALL MEN BY THESE PRESENTS:

This Employment Agreement (the "RELATIONSHIP CONTRACT)" is made and entered into this day of October 9, 2015.

MS. CORALINE MARIE GARCIA ORTEGA, the employer, the boss, the supreme, the Queen, bHoszx_MaPagmAhaL hereinafter referred to as the "GIRLFRIEND".

and

MR. KRISTOFF IVAN MIKHAIL CO YU, of legal age, Filipino-Chinese (chekwa), cHiniTo_UnOh, Future Engineer, Prince of Ipis, hereinafter referred to as the "BOYFRIEND".

"Pagseselosin natin yung mga kupal nating ex." Yun pala talaga ang plano mo kung bakit ka nakaisip ng ganito.

"Sa palagay mo ba eepekto yun sakanila? Paano kung mas sumaya pa sila?"

"Eepekto yan. Ayaw ng mga ex na nakikitang masaya ang mga ex nila."

"Sige bahala ka. Basta yung sweldo ko ah?"

"Oo naman. Basta piramahan mo na yang kontrata. Wag ka na maarte."

Nagpirmahan na kami ng kontrata at nag shake hands na parang nagclose kami ng isang million dollar deal.

3 days after my 19th Birthday, I became your official Fake Boyfriend. Tayo lang ang may alam ng kontrata natin at halos lahat ng kaibigan natin eh akala tunay ang lahat. 😂

Will, You, Mary & Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon