Day 106

29 2 0
                                    


Binisita kita sa ospital. Hindi na nakasama si Gia kasi walang ibang magbabantay sa tindahan sa Divisoria. Tuwang tuwa ka sa mga regalo namin sayo. Van Gogh sketchbooks naman bigay nya sayo kasi she heard that you're a big fan of his.

Kawawa ka nga kasi hindi ka makakain ng maayos dulot ng mga singaw mo sa bibig na epekto naman ng chemotherapy. Nakilala ko din si Mr. and Mrs. Ortega, yung parents mo. Mababait naman sila. Noon ko lang nalaman na may lahing kastila pala yung mommy mo. Kamukhang kamukha mo sya. Yung dad mo naman chubby at may kakaibang accent. Malayo ang itsura mo sakanya.

"May lahi ka bang Koreano?" Tanong ni Mr. Ortega.

Yan na naman tayo sa tanong na yan. Natawa ako ng bahagya.

"Chinese po, Sir."

"Ay wag na mo akong tawageng Sir. Di man ako mukhang ka-ser ser. Hahaha!" Alam ko na kung saan mo namana yang tawa mo. "Tito Kaloy nalang ang tawagin mo saken. Carlos kasi pangalan ko. Kaloy para kyot."

Di ko talaga akalain na ganun ang tatay mo. Napaka simple. Pag kinukwento mo sila, iba naiimagine ko eh. Naiimagine ko na astang mayaman siya, yung conyo magsalita. Never ko pa kasing nakita yung picture nya. Yung mom mo naman payat at maliit. Mukhang bata. Parang ikaw na ikaw nga. Nakasalamin, simple lang din manamit pero mukhang mayaman kasi nga tisay at ang tangos pa ng ilong. 

Davaoeño pala ang tatay mo kaya ganun ang accent. Pero mas bihasa sya mag German kesa mag Ingles dahil nga ilang taon na pala sila nag ttrabaho dun, since nung nag grade 5 ka palang.

Sa isang kilalang car company sa Germany nagwowork si Tito Kaloy, tapos si Tita Mercy naman sa isang hotel.

"Sabe ku nga dito ke Coco eh sumama na sya sa amen. Aba ayaw man nya. Kesyo kaya man daw nya kanyang sareli mabuhay mag-esa." Sabi ni Tito Kaloy habang nagbabalat ng saging.

"Hindi nga ako sabi si Coco!" Tinry mo pa din talaga mag react kahit na ang sakit ng bibig mo.

"Coco pala ha.... Alam ko na itatawag ko sayo." Sabi ko naman. Inirapan mo lang ako.

"Bat mo ikenaheheya ang necknim (nickname) mo? Ang kyot kyot nga parang ekaw."

Nawala ka talaga sa mood makipagbiruan. Sabi mo tumahimik nalang kami at matutulog ka na muna. Hinayaan ka namin.

Niyaya ako ng parents mo mag lunch. Si Ate Chin-Chin muna ang tumokang magbantay sayo dun. Nakakahiya nga pero mas nakakahiya kapag tumanggi ako sa pag aanyaya nila.

Dun lang naman kami kumain sa mga fast food chains sa school nyo. Mcdonald's in particular. Namiss daw nila ang Mcdonald's ng Pinas. Nilibre nila ako ng quarter pounder, si tito Kaloy naman first time na ittry yung chicken fillet Ala King.

Dami naming napagkwentuhan habang kumakain. Napaka daldal kasi ni Tito Kaloy. Nagkwento sya tungkol sa trabaho nya, tungkol sa mga Germans at history ng Germany. Si Tita Mercy naman laging inaasar si Tito Kaloy. Ang cute nilang tignan. Kitang kita ko ang pagkakahati ng personality mo sakanila.

"Eh ikaw ba, Kim? Anong course mo?" Tanong ni Tita Mercy.

"Civil Engineering po." Sagot ko.

"Ahh. Dito ka din ba sa UST?"

"Hindi po. Dun po ako sa FEU."

"Ahh. Maganda din naman dun. Second choice na school ni Cora yun bago sya mag-college e. Kaso pumasa sya dito, kaya dito nalang."

"Maganda naman ho kasi dito."

"Ako kasi hindi ako nakatapos ng college. Maaga kong pinagbuntis si Cora eh. 2nd year college ata ako nun. Pinikot ako nitong Tito mo."

Will, You, Mary & Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon